Kanibukasan late na akong nagising dahil na rin sa pagod kahapon. Hindi rin mawala wala sa isip ko ang sinabi saakin ni Chad kagabi.
The heck?!
Kinapa ko ang gilid ko at pabalikwas akong napabangon ng hindi ko naramdaman si Muriel sa tabi ko.
"Muriel!" Tawag ko
Tinignan ko ang cr pero wala siya doon kaya nag mamadali akong lumabas. Patakbo ko siyang hinanap sa buong bahay at natigil lang ako ng marinig ko ang tawanan sa loob ng kitchen.
Dahan dahan akong naglakad patungo doon at ng makita ko si Muriel sa kandungan ni Chad ay parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. Para akong maiiyak na ewan dahil sa hindi maintindihan na nararamdaman ko nung mga oras na iyon.
"Do you know Tito Chad, sometimes I really don't understand my mom" Natatawang tinignan lang siya ni Chad habang inaantay ang sasabhin nito "Because sometimes she's so strict but most of the time she's number 1 who bullied me most"
Bakit mo naman ako sinusumbong sa ama mo?!
"Maybe she's just stressed at her work"
Nagkwentuhan lang sila like they are really close to each other to the point hindi na nila napapansin ang presensya ko.
Pahagis kong sinara ang pintuan na naging dahilan para mapalingon silang dalawa saakin. Nakita ko pa ang bahagyang pagkagulat ni Muriel habang si Chad ay napalitan ng malamig na expression.
"Mommy" Bumaba si Muriel sa kandungan ni Chad at nagtatakbo papalapit saakin. Agad niya namang niyakap ang bewang ko pagkalapit "Good morning" She sweetly said.
Iniwas ko ang paningin kay Chad at bahagyang nginitian si Muriel. Hinila niya ako patungo sa dining area at pinaupo ako doon.
"Tito Chad cooked for our breakfast"
The way she called his own dad a tito parang binibiyak ang puso ko. Ganito ang gusto kong mangyare una palang pero bakit mas ako pa ang nasasaktan para kay Chad?
Tahimik lang akong kumakain habang si Chad ay umiinom ng kape sa tabi ko. Si Muriel namam ay ineenjoy lang ang pagkain ng kanyang banana pancakes.
"Let's talk" Napalingon ako kay Chad ng bigla siyang magsalita.
"I'll wash this first" Tukoy ko sa mga pinagkainan namin.
"Sila ng bahala jan" Hindi pa ako nakakasagot ng iwan niya akong mag isa doon.
I followed him hanggang sa huminto ito sa pool area. Hindi ko naman maiwasang hindi humanga sa ganda ng lugar.
Private resort iyon, I guess. And merong isang simpleng modern U shape 2 storey house at sa gitna noon ay ang swimming pool kung nasaan kami ni Chad ngayon.
"Ano bang gusto mo? Bakit mo kami dinala dito?" Sunod sunod kong tanong sakanya. "Kung galit ka saakin huwag mong id--"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla siyang humarap kasabay ng paglapat ng labi niya saakin.
Mahigpit akong napakapit sa damit niya dahil sa panghihina na nararamdaman. Gusto ko siyang itulak palayo saakin pero sarili kong katawan ay tinatraydor ako.
BINABASA MO ANG
Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)
Ficção Geral[COMPLETED] (ES#2) Yvough Maya is a living person, like the sea waves. She is full of hope because she believes that there will come a time when everything will be alright. All she wants is to have a good vibe wherever she is, especially when she's...