Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at pagdilat ko at saglit pa akong natigilan dahil hindi familiar saakin ang lugar hanggang sa unti unti kong naalala ang lahat.
Pabalikwas ako bumangon at agad akong napalingon sa gilid ko ng naramdaman kong may bakahawak pala sa kamay ko.
Nakita ko si Chad na nakayuko habang hawak ang kamay ko na para bang ayaw niya akomg mawala.
Unti unti itong dumilat at nung makita ako ay agad siyang umayos ng upo.
"Bakit ako nandito? Nasaan si lola?" Sunod sunod kong tanong habang umaasa na sana ay panaginip lang ang lahat "Buhay si lola diba?" Nagbabakasali kong tanong pero ng umiling siya ay gumuho lahat ng iyon.
At nagsimula nanaman akong muli na maiyak. Gustuhin ko man maging matatag pero wala ng akong lakas na natitira pa. Sobrang sakit na at hindi ko na alam kung paano pa mawawal iyon.
"We will go there but first uminom ka muna ng gamot" Binungad niya sa bibig ko ang gamot pero iniwas ko ang mukha ko kaya sa pisngi ko iyon tumama. "Yvough, please"
"Gusto ko makita si lola" Hinayaan kong tumulo ang luha ko at narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Chad.
"Inumin mo muna 'to" Nilingon ko siya at umiling sakanya "Diba sabi ko sayo you need to be strong? Kaylangan ka ng pamilya mo Yvough! Kaylangan mong maging matatag para sakanila! Kaylangan mong lumaban"
Hindi ako nagsalita at muli nalang naiyak. Naalala ko naman si Muriel na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita simula nung umalis ako ng bahay. And it's been days!
Kinuha ko yung gamot na hawak ni Chad at walang pag aalinlangan kong nilunok iyon ng walang tubig.
Napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon at sa hindi malamang dahilan ay muli akong naiyak ng makita ko si Reese.
"Ms. Yvough" Sinugod niya ako ng yakap at niyakap ko naman siya pabalik "Bakit ka nag sabi agad? Alam mo naman na gagawin ko lahat matulungan ka lang!"
"I'm sorry" Niyakap ko siya ulet ng mahigpit "I'm sorry"
"Anong plano mo? Babalik na ba tayo ng states? Sobrang daming tumatawag saakin nung mga nakaraan nag tatanong kung kailan ang balik natin. Si Mur--"
Muli kong naalala na hindi nga pala dito ang buhay ko, hindi dito ang buhay namin ni Muriel dahil umuwi lang ako dito para hanapin si lola at ngayung wala na siya I don't have any reason to stay here and comeback anymore.
"We will go back after the funeral" Walang emosyon kong sagot sakanya. Gamit ang palad ay pinunasan ko ang luha ko.
Saglit kong nilingon si Chad na kasalukuyang walang emosyon na nakatingin saakin. Nagiwas lang ako at muling tinignan si Reese.
"Dala ko na nga pala ang susuotin mo" Ipinakita niya saakin iyon at tumango nalang ako.
Bababa sana ako sa kama para makapagpalit ng bigla akong inalalayan ni Chad. Walang pag aalinlangan kong binawi ang braso ko sakanya at malamig siyang tinignan.
"I'll be back" Sabi ko habang nakatingin kay Reese bago kunin ang dress na hawak niya.
Pagsara ko ng pintuan ng comfort room ay dun ko lang marealize na hindi pala ako humihinga. Kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko ay siyang ilang beses kong pagbuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)
General Fiction[COMPLETED] (ES#2) Yvough Maya is a living person, like the sea waves. She is full of hope because she believes that there will come a time when everything will be alright. All she wants is to have a good vibe wherever she is, especially when she's...