Flashback
"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko kay mommy nung makita kong nililipat niya yung iba naming gamit sa maleta.
Napalingon naman ako sa labas na napakaraming mga naka men in black kaya ganon nalang din ang chismisan sa labas at nangunguna nanaman dun ang Bebang.
"Ano senyora ka? Magimpake ka din kaya!" Bulyaw saakin ni mommy at napailing nalang ako bago ako sumunod sakanya.
Inagay ko sa napakalaking maleta yung iba kong damit dahil sigurado naman akong babalik pa ako dito sa bahay ni lola.
"Saan nga tayo pupunta?" Tanong ko ulit kay mommy nung pag-kasakay namin sa artista van.
Sosyal naka artista van.
"Sa mansion na ng Tito Creed mo tayo and I'm telling you Yvough, ayusin mo iyang ugali mo!" Dinuro niya pa ako kaya nginiwian ko nalang siya.
"Sino nanaman yun?"
Sa sobrang dami ng lalaki ng ina kong to ay hindi ko na matandaan kung sino sino ba ang mga iyon. Wala din naman akong balak kabisadihin ang mga panagaln nung mga iyon.
"Wag ka ng madaming tanong" Taray niya saakin bago umiwas ng tingin.
Wala naman akong nagawa pa kundi ang mag buntong hininga nalang. Wala naman akong laban sa isang to eh, bakit pa ako papalag?
Halos malaglag ang panga ko ng nakita ko yung mansion na nasaharapan ko.
Mas malaki pa iyon sa mansion nila Nally!!
Nilingon ko naman si mommy na busy sa cellphone niya at napailing nalang ako sa naisip ko.
Mayaman ang nabingwit ng kire.
Ewan ko ba sa isang to kung bakit ang hilig sa mayaman eh may kaya naman kami kahit papaano. Gusto ata ay sakanya ang buong mundo.
Palinga linga langa lang ako sa buong paligid ng may dumating na sasakyan at hindi ako mangmang para hindi ko maisip ang presyo ng sasakyang iyon.
Ngina!
"Honey" Bati ni mommy dun sa lalaking bumaba ng sasakyan.
Sa tancha ko ay nasa 40s na iyon at kahit nay idad na ay malakas parin ang dating pero hindi ko alam pero nakakatakot siya kung tumingin. Para bang may hindi magandang gawain sa buhay.
Ang nega mo Yvough!
Nagiwas naman agad ako ng tingin nung makita kong naghalikan sila sa harapan ko.
OMG my innocent eyes!
"You are Yvough right?" Nilingon ko ulit sila at nailang naman ako nung pag-masdan niya ang kabuuan ko.
"Hello po" I forced myself to smile pero kahit ganon ay sigurado akong halatang halata na pilit lang iyon.
"Nako honey mahiyain lang talaga iyan" Gusto kong umirap dahil sa pagiging pakitang tao ni mommy pero ngumiti nalang ako dahil baka kung ano pa ang masabi ng isang yun mamaya.
"Oh it's fine. Come here hija, give me a hug"
Nagdadalwang isip ako kung lalapitan ko ba siya pero wala na akong nagawa nung ipagtulakan ako ni mommy.
BINABASA MO ANG
Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)
General Fiction[COMPLETED] (ES#2) Yvough Maya is a living person, like the sea waves. She is full of hope because she believes that there will come a time when everything will be alright. All she wants is to have a good vibe wherever she is, especially when she's...