PROLOGUE

98 3 1
                                    

"Get out of here! Mamatay tao ka" Pinatatag ko ang sarili ko habang pinagpipilitan niya akong itulak palayo.


Hindi ko inalintana ang lakas ng pwersang binibigay niya at hinayaan siya sa kung anong gusto niyang gawin.


I deserved this.


"Chad tama na, babae yan!" Saway sakanya ni Zale pero hindi naman siya nito pinansin at pinag patuloy lang ang pag tulok saakin. "Putangina" Wala ng pasensya ng sabi.


Napikit nalang ako ng bigla siyang sinuntok ni Zale kaya agad itong nabuwal sa sahig.


Gulo nanaman ito.


"Zale, tara na!" Sigaw ko nung tangka pa niya itong susuntukin.


"Hinding hindi ka magiging masaya Yvough!" Sigaw niya saakin habang nakalupasay parin sa sahig. Pikit mata naman akong umiling bago siya talikuran habang akay akay si Zale palayo sa lugar na iyon.


"Mommy wake up!" Napadilat ako ng marinig ko ang sigaw ni Muriel na iyon.


"Anong nangyare? Nasaan ang ipis?!" Pilit ko namang hinanap yung ipis at nung wala akong makita ay nag aalala ko siyang tinignan "Ano? Wala namang ipis eh!"


"Do I told you na meron?" Maarte niya pang pag kakatanong saakin at napairap nalang ako


"Nagsusuplada ka nanaman bata ka!" Sermon ko sakanya. Nilingon ko naman ang orasan at napahampas nalang ako sa noo ko ng makita kong 4 am palang ng umaga "Ke aga aga naman Muriel!"


"You're having a nightmare again kaya I wake you up tapos your angry pa" Umarte pa siyang nag tatampo at napabuntong hininga nalang ako.


Lecheng nightmare yan, hindi mawala wala.


"Edi sorry na" Pero hindi niya naman ako pinansin at bumalik nalang sa pag kakahiga sa tabi ko "Hindi mo ako papansinin o susunugin ko yung mga laruan mo?" Pananakot ko pa at napangiti nalang ako mung agad siyang lumingon saakin habang naka taas pa ang kilay


Aba batang to


"Then burn it, who bought it anyway?" Nanlaki naman ang mata ko sa sobrang pag kabigla.


"Amorette Muriel!" Saway ko sakanya at wala siyang nagawa kundi ang yumuko


"I'm sorry" Her voice broke when she said that at para namang nabiyak ang puso ko dahil don.


Why so maldita kase?


"Wag kang matapang ha" Sermon ko padin pero sa kalamadong paraan. Hindi ko naman kayang magalit sa isang to eh.


Bakit naman kasi sa dami dami ng pwedeng mamana eh yung kasupladahan pa?


Umay


"I'm sorry" Hinila ko siya palapit saakin at inupo sa kandungan ko "I'm just worried about you lang naman eh tapos magagalit ka. You know naman na I'm getting scared when you get a nightmare"


Hinimas ko ang mahaba niyang buhok at marahang hinalikan ang ulo nito. Napabuntong hininga nalang ako nung maalala kung bakit ba nangyare ang lahat ng yon.


"Mommy is fine okay? And I'm sorry if I shouted you, I'm just tired at work tapos gigisingin mo pa ako in the middle of the night" Tumango siya saakin na para bang naiintindihan niya ang lahat.




"I'm sorry again. I'll sleep na" Hinalikan niya lang ako bago mag padausdos pahinga ulit sa pwesto niya. At ako naman ay napabuntong hininga nalang sa napakaraming pag kakataon


Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon