Nagising ako sa sigaw ng bruha kong pinsan na kanina pako tinatawag. Pag bangon ay medyo nahilo pako dahil apat na oras lamang ang tulog ko dahil nag overtime ako kagabi sa pinapasukan kong Cafe. Nagtungo nako sa banyo para makaligo pag tapos maligo ay nag suot lang ako ng black jeans at plain black tshirt, nag suot lang din ako ng sneakers na white kinuha kona ang backpack at lumabas na ng kwarto.
"Yvaine? Napaka tagal mo naman!" sigaw ni Amaris ang bruha kong pinsan kami lang dalawa ang nakatira sa apartment na inuupahan namin wala na akong magulang si Amaris ay meron nakatira ang magulang niya sa Leyte pinapadalhan lamang kami ng pera ni tita at tito kada buwan.
"Ang aga aga ang ingay mo" iritang sabi ko.
"Sabi ni Helen ay agahan natin dahil ayaw ng boss niya ang nalalate baka di pa tayo matanggap sa katagalan mo" inirapan ko lang ito, ngayon ang aming interview sa inalok samin ni Helen isa sa mga kaibigan namin ni Amaris, hindi na namin natapos ang college dahil hindi sapat ang pinadala nila tita at tito samin kaya kahit may trabaho nako sa Cafe ay kailangan ko padin ng extra racket.
Lumabas na kami ni Amaris at naglakad papuntang sakayan ng jeep kikitain nalang namin si Helen sa Mc Arthur.
Wala pang 15 minuto ay nakarating nadin kami sa Mc Arthur, its 7am at ang interview namin ay 9am ang aga aga pa pero kung makapag madali ang bruha wagas naistorbo pa tuloy ang tulog ko.
"Yvaine!Amarissss ang aga inferness ah" masayang sabi ni Helen napairap nalang din ako isa pa ito ang oa mag set ng oras tss.
"Nako kung diko inagahan ang pag gising dito kay Yvaine ay baka malate pa kami ang bagal bagal kumilos" pagsusumbong na sabi ni Amaris binatukan ko naman siya. "Aray! Yvaine naman pag naalog utak ko at wala akong maisagot sa interview mamaya yare ka s----"
"Oh ano gagawin mo?" walang gana kong sabi ngumuso nalang ito at hinihimas ang ulo napatawa naman ako wala naman kasing laban sakin tong bruhang ito.
Napag desisyunan muna namin na kumain sa isang karinderya pareparehas kaming walang pera kaya sa karinderya nalang kami kumain mas masarap naman dito noh lutong pinoy talaga. Umorder lang ako ng menudo si Amaris naman ay adobong atay favorite na favorite kasi ang atay ewan koba ang panget naman ng lasa non halos masuka ako ng maisip ko yung atay si Helen naman ay Pritong bangus ang binili.
8:30 am na ng matapos kaming kumain buti nalang at malapit lang dito ang pupuntahan namin sabi ni Helen mga 12 mins ay nandon na kami.
Huminto kami sa isang Chicken Wings Resturant ang daming tao ang kumakain dito, kung dito kami magtratrabaho ay mapapadali ito sakin dahil kaya kong kumuha at mag serve ng order ewan ko nalang dito kay Amaris dahil maarte din ang isang ito.
Pag pasok namin ay amoy na amoy ang chicken kakakain ko lang pero feeling ko nagugutom na naman ako.
"Miss Aida" tawag ni Helen sa isang babae maputi ito,matangkad din,kulot ang itim na buhok at medyo may kulubot nadin ang balat dahil sa edad nito, hindi siya mukang matanda dahil napaka ganda niya padin.
Lumakad ito patungo samin. "Iyan naba hija ang sinasabi mong naghahanap ng trabaho?" tinignan niya kami ni Amaris mula ulo hanggang paa at matamis itong ngumiti ginantihan naman namin ni Amaris ng ngiti si Miss Aida.
"Opo Miss Aida magagaling po ang dalawang yan hindi po nila kayo bubuguin" ngumiti naman si Miss Aida ng marinig iyon.
"Okay lets go to my office para makita ang mga resume nyo ladies" nauna na siyang mag lakad sumunod naman kami ni Amaris binigyan naman kami ni Helen ng thumbs up.
Tumigil kami sa maliit na pinto at pag pasok ay bumungad samin ang magandang disenyo ng opisina.
"Have a seat ladies" mahinahon na sabi ni Miss Aida. Umupo agad kami ni Amaris medyo nakaramdam ako ng kaba sana ay matanggap kami. "Please introduce yourself ladies you first" ngumiti ito at tumuro kay Amaris.
YOU ARE READING
GAMEOVER the last heathen's
Mystery / Thriller[On-Going] "ONCE YOU JOIN THERE'S NO TURNING BACK." "BE READY TO KILL" "DONT TRUST EASILY." Dahil sa hirap ng buhay ay ito lang ang isang paraan para makakuha ng pera si Yvaine ang pagsali sa laro, sumali siyang walang alam sa laro na akala niya ay...