Cuatro

5 2 0
                                    

Busy akong nagtratrabaho ngayon sa resto hindi pumasok si Amaris dahil daw may lakad siya, napapansin ko na madalas na siyang umaabsent sa resto at madalas ay hating gabi na umuuwi. Tanghaling tapat na at medyo madami ang kumakain ngayon, mamayang 2pm pa ang break time namin.

Nang 2pm na ay break time na namin hindi ako sumama sa ibang empleyado, sumasama lang ako sa kanila pag kasama si Amaris. Lumabas ako ng resto at nag hanap ng makakainan nag libot ako sa buong Mc Arthur para makahanap ng kakainan. Dahil wala akong makita na pwede kainan ay sa Jollibee nalang ako kumain umorder lang ako ng burger steak with sprite nag padagdag nadin ako ng isang extra rice. Pag tapos kumain ay umalis nadin agad ako sa jollibee meron pakong natitirang 30 mins bago bumalik sa resto kaya pumunta muna ako sa malapit na palengke dito sa Mc Arthur bibili ako ng sangkap para sa hapunan mamaya. Nakarating ako sa palengke ang daming tao na bumibili ng lulutuin, pumunta ako sa nag titinda ng baboy bumili ako ng 1 kilo baboy, para sa adobo meron na sa bahay ng mga condiments na gagamitin ko para sa pagluluto ng adobo. Bumili din ako ng 1 kilo ng giniling, carrots, sibuyas, at pambalot ng lumpia gagawin ko ito mamaya para bukas ng maaga ay mag babaon nalang kami ni Amaris.

Nang matapos sa palengke ay napadaan ako sa bilihan ng mga tv may mga tv na naka bukas at may mga balita na pinapalabas doon.

Need moba ng pera?

Napahinto ako ng lakad ng marinig iyon sa tv.

Kung need mo ng pera Find The Poodle Missing Dog! Para ito sa lahat pwede mag hanap ang  teenager at mga matatanda except lang sa bata ang makakahanap nito ay may premyo na 30,000 pesos.

Nanlaki ang mata ko 30,000? Shit ang laking pera non ganon ba kaimportante ang aso nayon at ganon kalaking halaga ang premyo. Pinaka din ang katauhan ng nawawalang aso brown ang kulay ng balahibo nito, nakasuot ng pink collar at merong scar sa belly, may pinakita din na picture ng aso. Sinabi din don kung sino gusto mag participate na mahanap ang aso ay sagutan lang ang mga sumusunod na pangalan, age, gender at isesend sa no. 09*********.

Habang pabalik sa resto ay iniisip ko padin ang napanood sa tv 30k? Malaki nayon makakatulong nadin yon kila tita at tito, pero mukang mahirap mahanap yon lalo na't madami din sigurong sasali para mahanap yung aso 30,000 ba naman ang premyo eh. Sa mga nag daang oras ay naging busy ako dumadami din kasi ang customer sa resto. Kasalukuyang nag lilinis ang janitor ng resto nakauwi nadin ang ibang empleyado, nag tungo nako sa staff room para makapag palit na, hindi kona pinalitan ang black pants ko tanging pantaas na lamang nagsuot nalang ako ng white hoodie at tinanggal ko ang sandal at pinalitan iyon ng sneakers na white hindi naman panget tignan kahit medyo fit ang black pants ko. Nagpaalam nako sa janitor at umalis na ng resto, sumakay ako ng jeep.

Ilang minuto din ay nakababa nako sa kanto namin kaya nilakad ko nalang iyon. Napatingin ako sa orasan ko 7:30pm na sana naman ay nasa bahay na si Amaris. Nakita kong patay ang ilaw ng buong bahay mukang wala pa ang bruha, pumasok nako sa bahay at nag tungo sa kusina na hindi man lang nag bubukas ng ilaw tanging buwan lang ang nagbibigay ng liwanag sa bahay namin, kumuha ako ng pitchel at nilagok iyon nakalahati ko naman ito inilagay ko nadin muna sa loob ng ref ang baboy at giniling na binili ko pati ang mga ibang sangkap. Umakyat ako ng kwarto at ibinaba ang bag sa kama pumasok nako agad sa banyo para makaligo nag linis ako ng katawan pag tapos ay nag suot lang ako ng terno velvet sando at short, nagsuklay nadin ako ng buhok. Kinuha ko muna ang aking cellphone bago bumaba.

Pagbaba ay nag tungo ako agad sa kusina binuksan kona ang ilaw dito, nilabas ko ang baboy at giniling sa ref uunahin ko munang lutuin ang adobo, naghiwa nako ng bawang at sibuyas nag lagay nadin ako ng kaldero at pinihit ang apoy sa tamang lakas lang, nang mainit na ang kaldero nilagay kona ang mantika pinainit ko muna ang mantika bago isunod ang bawang at sibuyas, nilagay ko nadin ang baboy at hinalo ito ng makitang luto na ang baboy at naglagay nako ng toyo at suka, nilagyan ko nadin ng asin at paminta bago isunod ang konting asukal to balance the taste, pinakulo ko ito ng ilang minuto at pinatay na. Sinunod ko naman ang pag gisa ng lumpia nag lagay ako ng panibagong kaldero at pinainit iyon, nang mainit na nilagyan kona ng mantikan isinunod ko ang maliliit na hiwa ng sibuyas at carrots hinalo ko ito hanggang sa maluto, pag tapos ay nilagay kona ang giniling at hinalo iyon para mapagsama ang sibuyas at carrots nag lagay din ako ng asin at paminta mga ilang minuto lang ay pinatay kona ang apoy. Pinalamig ko muna ang ginisang giniling, habang pinapalamig ko iyon ay nag saing na muna ako.

GAMEOVER the last heathen'sWhere stories live. Discover now