Siete

2 0 0
                                    

Ilang araw nadin bumabagabag sakin ang sinabi nung babae nung sinauli ko iyong aso. Bakit ano ba talaga ang pinasukan ko at bakit ganon nalang ang muka niya na para bang mali ang desisyon ko?

"Miss Mason?"

Napangiwi ako dahil hindi ko talaga alam ang sinasabi ng babaeng yon. Ano bang mali sa desisyon ko? Gusto ko lang naman makahanap ng pera sa madaling paraan inalok ako nung Zayn nayon kaya dapat ay mag pasalamat ako.

"MISS MASON!" natauhan ako ng may tumawag sakin napatingin ako kung sino yon, nang makita na si Manager Ebelle ay agad akong umayos ng tayo.

"Im sorry Manager Ebelle ano po iyon?" nahihiyang sabi ko.

"Kanina pa kita tinatawag muka atang malalim ang iniisip mo may problema ba?" agad naman akong umiling gusto ko nalang batukan ang sarili dahil sa hiya.

"Wala po Manager Ebelle pasensya napo."

"Okay sige na tinatawag ka ng isang empleyado nagpapatulong siya doon sa counter." agad naman akong tumango.

"Okay po Salamat po Manager." Ngumiti naman ito sakin at tinapik ang balikat ko bago umalis.

Napangiwi ako habang pumupunta sa counter. Kasalukuyan akong nagtratrabaho ngayon sa resto. Si Amaris ay hindi padin nakakabalik sobrang tuwa ni tita dahil naoperahan na si tito at doon sa pinadala kong pera para sa operasyon ni tito.

"Good morning po mam what's you-----" nahinto ang sasabihin ko ng humarap sa babae, siya yung babae doon sa may thunder house. Napatingin naman ito sakin at nginisian ako. "Ano pong order niyo?"

"Im not here to eat, Im here for you." nangunot ang noo ko para sakin kaya siya andito? Ano naman ang kailangan niya sakin?

"Im sorry po mam pero oras papo ng trabaho ko." ngumiti ako ng mapait sa babae nakita ko naman tumaas ang kilay nito.

"I know hihintayin nalang kita."

"Po?" bakas sa mata ko ang gulat seryoso ba siya hihintayin niya ako eh mamayang hapon pako matatapos.

"Yes may kailangan kang malaman sa pinasukan mo." sabi nito sakin habang nakatitig sa mata ko sinabayan ko naman ang titig niya parang may sinasabi nadin ang kanyang asul na mata. "So Im going to order nalang." tinigil kona ang pakikipag tinginan sa kanya.

"Ano pong order niyo mam?"

"C'mon wag kana nga mag Po muka bakong matanda tsss." Iritang sabi nito. Napairap naman ako ang arte! malamang kailangan kong gumalang sa customer tsk. "1 order of bufallo and 1 order of Soy garlic and 1 big glass beer." tumango naman ako habang pinipindot iyong order niya sa screen binigay niya sakin ang card agad ko din itong binalik pag tapos makuha ang kanyang bayad.

"Okay mam iserve ko nalang po ng mga ipang minuto." tumango naman ito at humanap na ng upuan.

Napatingin ako don sa babae diko alam pero may something sa kanya. Mga ilang minuto din ay luto na ang order niya agad ko naman itong dinala sa table niya.

"Here's your order mam." magalang na sabi ko habang binababa ang order niya.

"Thanks btw What time is your out?" napatingin ako sa kanya, talaga palang seryoso siya na hintayin ako ganon ba ka importante ang sasabihin niya.

"3pm mam." napatingin siya sa kanyang relo.

"4 hours left okay." napairap naman ako pano ba naman kasi ang arte mag salita. Bumalik nadin ako sa trabaho.

Naging busy ako sa buong apat na oras dahil madami ang kumakain ngayon sa resto. Kasalukuyan akong nag papalit ng damit dito sa staff room pinalitan ko iyong polo ko ng gray long sleeve pinalitan ko nadin iyong suot kong sandal ng sneakers kong white, inayos ko lang ng onti ang aking buhok at nag lagay ng liptint bago lumabas. Naabutan ko yung babae na prenteng nakaupo doon sa inuupuan niya. Pumunta ako sa upuan niya at kinalabit ito, napatingin naman siya sakin alam niyang out ko na dahil iba na ang suot ko, tumayo ito at kinuha ang maliit na bag ngayon ko lang napansin ang suot niya naka all black siya bakit sa kanya bagay na bagay ang ganyang porma pag sakin muka akong masamang tao.

GAMEOVER the last heathen'sWhere stories live. Discover now