Tres

7 2 0
                                    

Nandito ko sa Cafe ngayon wala kaming masyadong customer, ilang araw nadin ang nakalipas ng mag trabaho kami ni Amaris sa chicken wings resturant tila naging busy at pagod kami parehas. Kaninang umaga ang pasok ko sa isang trabaho, maya maya lang din ay uuwi na ako.

Hindi padin maalis sa utak ko ang isang katanungan na hindi pa din masagot, sino ba kasi yung mga kabataan na merong black at red hoodie?Bigla nalang sumakit ang sintido ko kaya itinigil kona ang pag iisip doon.

"Miss?" Tawag sakin ng isang customer.

"Yes po mam?" Tanong ko.

"Another slice pa ng strawberry cheese cake" nakangiting sabi sakin ng customer.

"Okay po mam is that all?"

"Yes"

"For a while mam I will serve in a few minutes" nakangiti kong sabi, kumuha ako agad ng isang slice at sinerve nadin agad sa customer.

Habang lumulubog na ang araw ay kumukonti na ang customer namin napatingin ako sa relo 6pm na, pumunta nako sa staff room para makapag palit ng damit. Nag paalam nadin ako kay Mikel ilang araw ng hindi pumapasok si Jillian sa hindi ko alam na dahilan kaya kami lang ni Mikel ang naiiwan sa cafe. Sumakay na ako ng jeep, mga ilang oras din ay nakarating nako sa kanto namin nilakad ko na lamang iyon hanggang makarating sa apartment, bago pumasok sa bahay ay napatingin pako sa gilid ng bahay namin kung saan doon makikita ang maliit na iskinita, saglit lang akong tumingin at pumasok na sa bahay.

Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig kumuha ako ng pitchel at nilagyan ng tubig ang baso uhaw ko yung ininom. Umakyat ako sa taas at nag tungo sa kwarto dumeretsyo ako sa banyo upang maligo, nang matapos maligo ay nag suot lang ako ng panjama na black cotton ito at malambot sa katawan nag suot din ako ng black hoodie, tumingin ako sa salamin medyo pumayat ako dahil nadin sa puro trabaho at minsan ay hindi pako nakakakain ng tanghalian o hapunan. Bumaba ako upang magluto, bago ko buksan ang ref para kumuha ng sangkap ay tumunog ang cellphone ko.

From: Amaris Bruha

Cous late nakong makakauwi pero diyan padin ako kakain ng hapunan may pupuntahan pa kasi ako pag out ko dito sa resturant.

To: Amaris Bruha

Ok ingat

San naman kaya pupunta ang bruha nayon? Nilapag ko nalang ang cellphone at binuksan na ang ref, binuksan kodin ang freezer yelo nalang ang nakita ko doon at hotdog lang napailing naman ako wala na pala kaming pagkain dito sa ref. Umakyat ako ulit sa kwarto hindi nalang siguro ako kakain bahala na si Amaris mag luto nalang siya ng hotdog. Humiga ako sa kama at mga ilang minuto ay nakaramdam ako ng antok.

"Mama" umiiyak kong sabi andito ako sa abandonadong bahay kung saan iniwan ako ni mama.

Niyakap ko ang tuhod at yumuko iyak ako ng iyak nasa utak ko padin ang ginawa nilang pag saksak kay papa. Natatakot ako baka isunod nila si mama.

"Mama balik ka napo" hikbi kong sabi. Hindi nako makahinga ng maayos dahil sa iyak bumibigat nadin ang talukap ng aking mata.

Kinabahan akong tumingin sa labas ng may nakita akong dumaan baka yun yung mga lalaki na sumugod samin bigla ko naalala si mama, tumayo ako at kabadong pumunta sa labas walang tao sa labas.

"Mama?" mahinang tawag ko.

Sumakit ang ulo ko at umikot bigla ang paningin ko nahihirapan din akong huminga kahit umiikot ang paningin ko may naaninag akong isang lalaki na palapit sakin kahit nahihilo ay sinubukan kong umatras ngunit naramdaman kong babagsak nako at unti unti ng babagsak ang talukap ng mata ko, bago tuluyan bumagsak naramdaman kong may kamay na nakahawak sa balikat ko tila sinalo ako sa pag kakabagsak hindi kona nadilat ang mata pero narinig kong may sinabi siya.

GAMEOVER the last heathen'sWhere stories live. Discover now