Quince

0 0 0
                                    

"Congratulations nanalo kayo sa Last Test. Pakilagay na ulit ang mga piring sa mga mata niyo." Sabi ni Zayn para hudyat na tapos na.

Umiiyak padin akong tinignan si Kuya na nakahiga sa sahig habang naliligo sa sariling dugo, unti unti akong tumayo dahil nanghihina ang tuhod ko sa nakita. Tinignan kopa ng mga ilang segundo si Kuya tsaka inilagay ulit sa mata ang piring.

Ang sakit makita na may namatay mismo sa harap ko, bakit napaka kumplikado ng mundo? Bakit kailangan humantong sa ganito na may buhay na mawawala?

Naramdaman ko na may humawak sakin at umalalay para makaalis kami sa Maze humihikbi padin ako dahil inaalala ko ang naging dahilan ni Kuya para isakripisyo ang buhay niya para sa anak. Nang huminto ay pinatanggal nadin ulit samin ni Zayn ang piring, pinunasan ko ang luha sa aking pisnge tsaka tumingin ng seryoso kay Zayn na wala ni isang bakas na emosyon ang makikita sakin. Napadako ang paningin sakin no Zayn nakipag sabayan siya sa aking mga tingin.

"Dito na natatapos ang Test. At congrats sa mga nalagpasan ang tatlong test na sumubok sa inyo. Isa lang ang sasabihin ko Welcome to Frontline." nagpalakpalakan lahat ang nandoon pati nadin ang mga kasama kong nanalo kami lamg ni Max ang hindi gumalaw sa kinatatayuan namin.

"Panigurado na handa na kayo sumabak sa Second Stages na ibibigay ng High Allumnia, pero di porket na Frontline kayo ay sapat na ang inyong lakas kailangan niyo pading mag ensanyo dahil hindi natin alam kung gano kagaling ang bagong miyembro ng kalaban." sabat naman ni Celene.

"That's all pwede na kayo mag pahinga at umuwi. The call time tomorrow is 8 in the morning, again congrats sa new member ng Frontline." Sabi ni Zayn tsaka umalis sa harap sumunod naman sa kanya ang mga Rank Gamer.

Nagsialisan na ang mga tao sa field kami lang dalawa ni Max ang naiwan. Napabuntong hininga ako tsaka tumalikod.

"Never let your emotion's drive your own body." napatigil ako sa paglalakad ng banggitin iyon ni Max, masyado ba talaga akong nadala sa emosyon kanina?

Nagpatuloy nako lumabas at kinuha ang gamit ko hindi nako nag aksayang mag palit ng damit basta tuluyan nalang akong lumabas ng Secret Base. Nagtama ang paningin namin ni Zayn na nakaupo sa table kasama ang mga Rank Gamer seryoso ko itong tinignan tsaka nag iwas ng tingin para tuluyan ng makalabas sa Heathens House. Hindi ko alam kung bakit ganon ako kay Zayn siguro dahil siya ang may plano nung huling test medyo masama ang loob ko na naisip pa nila yung ganoong test.

Pag uwi sa condo ay nagtungo agad ako banyo para makaligo nag babad ako sa bathtub, paglumog ay ramdam ko ang init ng tubig bigla tuloy nakaramdam ako ng kaginhawaan sa katawan. Mga ilang oras pako nag babad bago tuluyan matapos maligo. Napatingin ako sa glass wall ko na kita ang buong city madilim na pala. Nagtungo ako sa kusina para maghanda ng hapunan, nag luto lang ako pasta dahil wala akong gana kumain ng kanin. Nakaupo ako sa sala at doon kumain ng Pasta. Pag tapos kumain ay hinugasan ko agad ang plato at nag tungo na ng kwarto. Kinuha ko ang aking cellphone na umaasa na meron ng reply sakin ang pinsan ko pero napapikit ako ng makitang ni isang reply ay wala.

Nahiga ako sa kama ko habang nakatingin sa kisame. Bigla na namang pumasok sa isip ko yung nangyare kanina hindi ko talaga matanggap na ganon nalang kadali makuha ang buhay ng isang tao. Pumikit ako para hindi na ito maalala at sinubukang matulog pero hindi talaga ako inaantok.

Lumabas na muna kaya ako? Tanong ko sa sarili agad akong bumangon at pumunta sa kabinet para kumuha ng hoodie ang sinuot ko ay large mustard hoodie, kumuha din ako ng sumbrelo dinala ko nadin ang wallet at cellphone ko. Nagsuot lang ako ng tsinelas tsaka lumabas sa unit. Nag tungo ako sa elevetor hinihintay ko itong bukas habang nasa bulsa ng hoodie ang aking mga kamay.

*ting

Kasunod ang pag bukas ng elevator nabitin ang pag hakbang ko ng makita kung sino ang nasa elevator.

GAMEOVER the last heathen'sWhere stories live. Discover now