Trece

0 0 0
                                    

Pangalawang araw na nang pag eensanyo naming mga Heathens. Masasabi ko na hindi pa sapat ang lakas at liksi ko sa pakikipag laban. Kahit na hindi ko intensyon mapasali sa Frontline ay kinakabahan padin ako sa test bukas, sana lang ay kasing galing ko lang ang makakatapat ko. Kasalukuyan akong nag lalagay ng takip sa tenga mageensanyo ako ngayon sa pag baril dahil napansin ko na hindi pa ako bisaha dito. Kumuha ako ng simpleng baril lang at nilagyan ko ito ng tatlong bala. Ilang metro din ang layo ng target ko kaya tingin ko ay mahihirapan ako dito. Inangat kona ang baril at tinapat sa tatamaan kong lata, pinikit ko ang kaliwang mata ko para tyansahin kung doon nakatapat ang ulo ng baril sa lata. Pinutok ko ito, pag baba ng baril ay nakita ko ang lata na nakatumba na napangiti naman ako.

Kailangan di lang lata ang mapatumba mo Yvaine, kailangan ay kalaban din.

Inubos ko ang natitirang dalawang bala, nagdiwang ako sa loob loob ko nang makitang nakatumba nadin ang dalawang lata. Kumuha ako ulit ng bala at nilagay iyon sa baril. Pumwesto nako at pini---------.

"Yvaine." naibaba ko ang baril at tumingin sa likod ko nakita ko si Eisen.

"Bakit sen?"

"Zayn is looking for you." nakangiting sabi nito. Napaismid naman ako diko ipagkakaila na pogi din si Eisen.

"Bakit daw?"

"Hindi sinabi eh punta ka nalang sa office niya."

"Sige salamat sen."

"Welcome." sabi nito tsaka ako kinindatan. Tsss halos lahat ata ng miyembro ng heathens na babae ay kinikindatan niya.

Binalik kona ang baril at tinanggal ang nakalagay sa tenge ko. Umalis nako doon at lumabas na ng training ground. Lahat ng miyembro ng Heathens ay nandito sa Heathens House ang iba ay busy sa pag eensanyo at yung iba ay may kanya kanyang ginagawa. Dito nako sa backdoor lumabas, pagtapat sa pinto ni Zayn ay kumatok na ako.

"Come in." pag pasok ay naabutan ko di Zayn na seryosong nakatingin sa kanyang cellphone.

"Bakit moko pinatawag?"

"May pupuntahan tayo." sabi nito habang nakatingin padin sa kanyang cellphone ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Saan?"

"You need a tattoo malapit na ang second stage kailangan mo non." kinabahan naman ako. Sabi kasi nila ay masakit daw ang tattoo.

"Pano yung ibang newbie?"

"Si Lene na ang bahala sa kanila bukas din ay magkakaron na sila."

"Bakit hindi pa sabay?" napatikom ako ng bibig ng tumingin na nang seryoso sakin si Zayn.

"Ikaw lang ang naka schedule ngayon." malamig na sabi nito. Nakakangilabot talaga ang isang ito lalo na ang kung paano siya ngumisi. "Get ready we're leaving now."

"Okay sige."

"Make it fast."

"Tss oo na." inirapan ko ito tsaka lumabas na ng office niya. Ang moody din ng isang iyon.

Pumasok ako ulit sa training ground para kunin ang bag ko. Nag tungo ako sa banyo at nag hilamos ng muka, hindi naman ako pawis dahil naka aircon naman dito. Pinalitan ko lang ang sando ko ng fitted red longsleeve, nakasuot ako ng cargo pants at combat boots bagay naman siya. Nagsuklay nadin ako at nagliptint nang makuntento nako sa itsura ko ay lumabas nadin ako ng banyo.

Paglabas sa gate ay nakita kona si Zayn nakasandal sa kotse niya. Nakasuot ito ng black pants at red polo, parehas pa kaming naka red baka mamaya pag kamalan na mag couple kami. Nakabagsak ang buhok nito para siyang oppa dahil singkit din ang mata. Pag lapit ko sa kanya naamoy ko ang manly scent niya.

GAMEOVER the last heathen'sWhere stories live. Discover now