Once

5 0 0
                                    

Pag labas ko nang resto ay hindi padin ako makapaniwala sa narinig kong boses kanina sa banyo. Sigurado talaga ako na si Mama yon naniniwala akong di pa siya patay dahil hindi ko siya nakita nung namatay siya maski sa burol hanggang paglibing ay hindi ko ito nasaksihan. Posibleng namang buhay pa si Mama, tama dahil sa narinig kong boses kanina aasa akong buhay pa talaga si Mama.

"Tsk panda I said make it fa------ hey are you okay panda?" napansin ni Clif na tila malalim ang iniisip ko napatingin ako sa abong mata nito kitang kita ko doon ang pag aalala.

"Wala ayos naman ako tara na pagod lang siguro ako." ngumiti ako ng mapait kay Clif tumango naman ito at tahimik kaming sumakay ng kotse niya.

Buong byahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nararamdaman kong tumitingin sakin si Clif siguro nanibago dahil sa biglang pagkatahimik ko. Hahanapin kita Mama alam kong buhay kapa.

"Can I have your address?" rinig kong sabi ni Clif.

"Ibaba mo nalang ako diyan sa may kanto okay nako don." tugon ko tsaka ngumiti.

"No I'll drive you home so give me your damn address." mariing sabi nito napairap naman ako galit na naman tss. Binigay ko ang address ko sa kanya kaya tumahimik na siya.

Umayos ako ng upo nang mapansin na andito na kami sa harap ng building ng unit na tinutuluyan ko. Agad din akong bumaba at pumunta sa side niya. Binuksan naman nito ang bintana ng kotse.

"Thank you sa treat Clif babawi ako sa susunod." ngumiti ako sa kanya.

"Don't do that again."

"Huh?"

"I said don't you dare do that again."

"Ang alin ba wala naman akong ginawang mali ah?" ano ba ang tinutukoy nang lalaking to parang timang eh.

"Wag muna ulit gagawin yung bigla pananahimik mo." sabi nito tsaka biglang umalis. Napatulala naman ako first time niya mag tagalog HAHAHA ang cute lang talaga ng accent niya pero ano daw wag kona uulitin biglang manahimik tss ang labo niya ah.

Napangiwi ako bago pumasok sa lobby. Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang 10th floor pag bukas ay agad din akong pumunta sa unit ko, tinype ko muna ang password bago iyon magbukas. Pag bukas ay hinubad ko agad ang combat boots ko bago nag tungo ng kusina para kumuha ng tubig. Napatingin ako sa orasan 5pm na pala. Nag tungo nako sa kwarto at pumasok sa banyo upang makaligo, natagalan pako sa pagligo dahil kumikirot ang dalawa kong hiwa sa balikat. Bigla kong naisip si Zayn kamusta na kaya siya panigurado galit sa akin yon, hindi ko din alam kung bakit nagawa ko iyon, nahihiya na tuloy akong pumunta sa Heathens House bukas hayts. Nang matapos maligo ay ginamot ko ang sugat sa aking balikat at nilagyan iyon ng bandage. Pagod akong humiga sa kama hindi ko binuksan ang aircon dahil nakabukas na ang aircon sa sala ang ginawa ko ay binuksan ko nalang ang pinto ng kwarto ko para pumasok doon ang lamig.

Napabalikwas ako nang makarinig ng kaluskos kaya dahan dahan akong tumayo at pumunta sa gilid ng pinto ko napatingin ako sa paligid madilim na siguro at napahaba ang tulog ko dahil sa pagod. Lalabas nako nang kwarto nang maestatwa ako ng maramdaman ang malamig na metal na nakadikit sa leeg ko.

"Don't move or else I'll stab your neck." malamig ang tono nang pagkakasabi nito, lalaki siya base sa lalim ng boses nito.

Hindi ako gumalaw gaya ng sabi niya bigla kong naalala ang mga tinuro sakin kanina ni Zayn at Eisen kaya napag desisyunan kong manlaban dahil kung hindi ako lalaban ay ako ang mamamatay. Siniko ko ng malakas ang sikmura nito kaya napabitaw siya sakin agad akong humarap sa kanya nakasuot siya ng mask at sumbrelo kaya hindi ko makita ang muka nito. Akma itong susugod sakin kaya mabilis ko itong iniwasan. Namangha ako dahil sa bilis niyang pagkilos para atakihin ako ng patalim niya. Nagkaron ako ng tiyansang makalabas ng kwarto kaya agad akong tumakbo sa kusina para kumuha ng patalim aktong kukuhanin ko na ang patalim nang sumugod na naman ito kaya napayuko ako agad, ang bilis niya talagang umatake mas mabilis pa sa atake ni Zayn sakin kanina. Sinipa ko ang binti niya at agad tumayo mabilis kong kinuha ang patalim at pumwesto.

GAMEOVER the last heathen'sWhere stories live. Discover now