Dieciséis

1 0 0
                                    

Pagtapos ng pag uusap namin ni Zayn kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa huling nalaman. Kasalukuyan akong nakatingin ngayon kay Max na nag eensanyo mag isa. Tingin ko ay hindi lamang siya isang normal na tao na nasali sa larong ito. Kung ako ang tatanongin ay parang kasing lakas niya na ang mga ibang Frontline. Masasabi ko din na ang galing nitong tumuklas sa isang bagay.

Sino ka nga ba talaga Max?

Nandito kami sa secret base at halos lahat samin ay busy sa pag eensanyo. Simula nung nangyare ang test kahapon ay hindi kona nakita si Jillian, sa Top 10 Rank Gamer ay si Jillian ang madalas na wala dito sa Heathens House. Kailangan ko pa siyang makausap ng maayos kung bakit siya kasali sa larong ito.

Sa totoo lang medyo tanggap kona ang pinasukan kong laro unti unti ng nag proproseso sa utak ko na kailangan kong maligtas sa larong ito. Napatingin ako sa aking relo malapit na mag 12 na ng tanghali. Bukod sa di ako agad nakatulog kagabi ay napag pasyahan ko pumasok ngayong araw sa resto dahil lagi nakong absent don. Kahit naman mas malaki ang premyo na makukuha ko dito ay kailangan ko padin tapusin yung unang trabaho na pinasukan ko bago ito. Nag palit na ako ng damit tsaka lumabas sa secret base.

"Hey bitch." Napahinto ako sa paglalakad tsaka tumingin kay Celene.

"Bakit bitch?" Syempre tinawag niya akong Bitch kaya ganon din dapat ang gagawin ko. Umirap ito tsaka lumapit sakin.

"Gusto ko lang sabihin sayo na alam kong sinabi sayo ni Zayn ang tungkol sa last test. Kaya wag kang tanga tanga dahil sikreto iyon ng 10 ranked gamer, hindi ko nga alam kung bakit pa sinabi sayo ni Zayn yon samantalang di ka naman kasali sa rank gamer. So you better shut your mouth bitch." Malditang sabi ni Celene well mas bet kopa si Celene kaysa kay Liv si Celene kasi ay maldita which is same lang kami dahil maldita din ako pero bihira ko lang ipakita yon, samantalang si Liv naman ay maarte.

"Salamat sa pag papaalala Celene pero hindi ako madaldal. Be careful with your words baka sa susunod ako na ang nasa posisyon mo ngayon." Ngumiti ako sa kanya bago ko siya tinalukuran, matik naman na iirap siya sakin. Isang ngisi ang sumilaw sa labi ko ng maalala ang huling sinabi ko kay Celene.

Sumakay na ako sa jeep at ilang minuto lang din ay nakarating na ako sa resto medyo malayo ang unit ko sa resto kaya siguro late nakong makakauwi nito. Binati ako ng mga kaempleyado ko binati ko din sila bilang ganti. Dumeretsyo ako sa office ni Mam Aida.

"Come in." Pagsabi niyon agad ni Mam Aida ay pumasok na ako.

"Magandang tanghali po Mam Aida." Magalang na pag bati ko.

"Oh Miss Mason buti naman at pumasok kana ngayon. And wag ka mag alala sinabi naman sakin ni Helen kung bakit hindi na kayo nakakapasok ni Miss Valencia."

"Im sorry po mam mag papasa po ako sa inyo ng apology letter para po sa mga araw na hindi kami nakakapasok ng pinsan ko."

"No need Miss Mason, I have an offer to the both of you." Napatingin naman ako kay Mam Aida, offer ano kayang offer yon? "Bibigyan ko kayo ng 5 months leave ni Miss Valencia. Well I have a new bussines at dalawa kayo sa napili kong mag tratrabaho doon. So it means hindi na kayo papasok ni Miss Valencia dito sa resto ng 5 months then after 5 months don na kayo papasok sa bago niyong trabaho. So are you willing to accept my offer Miss Mason?" Napaisip ako mas maganda siguro yung 5 months leave kasi paniguradong magiging tutok ako sa Heathens wala nakong time makapasok dito sa resto, kaysa naman sa hindi ko tanggapin ang offer ni Mam at matanggal ako dito sa resto. Oo tama tatanggapin ko ang offer.

"Of course Mam I will accept your offer." Nakangiting sabi ko kay Mam, ngumiti din ito. May pinirmahan akong kontrota patunayan na tinanggap ko ang offer. Medyo mamomoblema pako dahil sa pinsan ko dahil ko pa siya nakokontak. Ibinigay nadin ni Mam Aida ang sahod namin ni Amaris siguro ay itong sahod ni Amaris ay itatabi ko nalang muna.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GAMEOVER the last heathen'sWhere stories live. Discover now