Dos

8 2 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon medyo nabawi ko naman na ang puyat na natamo ko nung isang araw na nag overtime ako sa Cafe. Agad akong bumangon at nag tungo sa banyo para makaligo, pag tapos maligo ay nagsuot lang ako ng velvet dolphin short at plain black oversized tshirt. 7am palang naman at 10am pa ang pasok namin ni Amaris sa Chicken Wings Resturant.

Bumaba ako ng walang naabutan sa sala siguro ay tulog padin ang bruha napagpasyahan ko na ako muna ang magluluto ng almusal ngayon. Nagluto lang ako ng fried rice, tocino, tuyo, at scramble egg. Kasalukuyan akong naghahanda ng pinggan ng bumaba na ang bruha kong pinsan.

"Ugh tuyo bayon?" may takam na tanong sakin ni Amaris. Umupo siya sa unahan ko nakita ko nadin na nakaligo na ang bruha.

"Himala ako ang unang nagising sating dalawa late ka nabang natulog kagabi?" tanong ko habang nag titimpla ng kape.

"Ako din bruha pag timpla mo ng kape" kaya sinunod ko naman ang sinabi niya at kumuha na ng isang tasa para matimplahan din siya ng kape. "Hindi lang ako agad nakatulog kagabi ewan baka sinusumpong na naman ako ng insomia ko" narinig ko naman na bumuntong hininga siya.

Tumango na lamang ako at inilgay ang kape sa mesa nag simula na kaming kumaing dalawa.

"Kamusta sila tita at tito nakausap mo naba sila?" Tanong ko kay Amaris natigilan siya sa pag kain at malungkot ang matang tumingin sakin.

"Nakausap ko sila kahapon sabi lang nila sakin ay maayos lang naman daw sila pero hindi ako kumbinsido don alam kong di magsasabi si mama at papa sa mga nangyayare sa kanila sa leyte dahil ayaw nila akong mamoblema" tila nawalan ng gana kumain ang pinsan ko dahil sa sinabi.

Napansin ko din na tila may problema sila tita siguro dahil nadin sa perang napapadala samin na tila bumababa.

"Kung ganon kailangan na talaga natin makaipon ng pera para hindi na mag abala pa sila tita sa pagdadala satin." Tumango naman sakin si Amaris halata sa kanyang mata ang lungkot.

Nang matapos kaming kumain ay nag hugas nadin agad ng plato si Amaris. Napansin kong puro alikabok na ang bahay kaya napagpasyahan ko muna ang mag linis tumigin ako sa orasan 8:30am maaga pa naman kaya nag linis nalang ako. Inumpisahan kong mag punas ng mga gamit namin gaya ng frame, display etc. Nagwalis at nag mop nadin ako. Habang si Amaris ay nag paalam muna sakin na may bibilhin lang siyang make up sa kanto, ang bruha inaalala ang magiging itsura mamaya sa trabaho tsk akala mo mga artista makakaharap.

Nang matapos mag linis ay dumeretsyo na ako sa kwarto upang makapag ayos. Naligo ako ulit dahil sa alikabok na kumapit sa katawan ko. Nang matapos maligo sinuot kona ang uniporme ko habang nag susuot ay narinig ko ang bukas ng pinto sa baba si Amaris na siguro yon. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin napangiti nalang ako sa sayang nararamdaman bagay sakin ang black jeans at sky blue polo shirt nagsuot naman ako ng black shoes na may taas na 2 inch buti nalang at meron ako nitong sapatos na ito dahil ginamit ko ito sa mga una kong trabaho noon. Hindi ko muna tinali ang brown kong buhok at hinayaan na lamang ito na nakalugay nagsuot ako ng jacket para di marumihan ang polo ko tsaka bumaba. Naabutan ko ang aking pinsan na nakaayos na din iba ang uniporme niya sakin nakalugay din ang buhok nitong hanggang balikat at syempre ayos na ayos naka make up pa na akala mo ay sa okasyon pupunta tss.

"Ay taray cous ah bagay sayo ang unipormeng assistant." Kinindatan naman ako nito.

"Bagay din sayo yung uniporme wag ka papatalo." Natawa naman siya sa sinabi ko kaya napatawa nalang din ako. "Tara na nga."

Sabay kaming lumabas ng bahay at naglakad papunta sa kanto. Sumakay kami ng jeep at mga ilang oras din ay nakarating na kami sa Mc Arthur napatingin ako sa relo ko 9:30am na napag desisyunan namin ni Amaris na mag tricyle na kahit 12 mins ay nasa resturant na kami kailangan maaga padin kami dahil ito ang first day sa bagong trabaho.

GAMEOVER the last heathen'sWhere stories live. Discover now