Isang linggo na ang nakakalipas ng pumunta si Amaris sa leyte para tignan kung anong kondisyon nila tita at tito doon. Nag paalam ang aking pinsan kay Miss Aida na hindi muna siya makakapasok ng mga ilang araw, pinayagan naman niya ito kaya nadoble ang trabaho ko sa resto. Gusto akong pasamahin ni tita kay Amaris sa leyte ngunit tumanggi ako dahil sayang din ang kikitain ko dito sa manila nangako na lamang ako na papadalhan sila ng pera para sa pang gamot ni tito.
Sabado ngayon at wala akong pasok sa dalawa kong trabaho. Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa sofa namin habang nakatingin sa kisame, inaalala kung ano ng lagay ni tito sobrang laki ng utang na loob ko kay tito kung di dahil sa kanya ay patay nadin ako nung mga panahong sinugod kami ng 10 lalaki.
Pag mulat ko ng mata tanging liwanag lang ang nakikita ko, nasa langit naba? ako kasama ko naba si papa? Bigla kong naalala si mama, hindi pako pwede mamatay kailangan kopang iligtas si mama.
Please papa wag mo muna po ako isama kailangan ko papong iligtas si mama.
Biglang pumasok sa isip ko yung lalaki na palapit sakin. Sino yon siya ba ang sumalo sakin kaya hindi ako tuluyan bumagsak sa sahig.
"Salamat sa diyos at nagising kana hija" nagulat ako sa nagsalita akala koba nasa langit nako tumingin ako sa gilid at nakita ko ang muka ng isang babae.
"T..tita?" siya si Tita yung asawa ng kapatid ni papa. Napatingin naman ako kabilang gilid at doon ko nakita si tito ang kapatid ni papa.
"Ano pong nangyare?" sinubukan kong umupo agad naman akong tinulungan ni tita.
"Nakita ka nalang namin na walang malay sa labas ng bahay niyo." Sabi ni tito bakit ako napunta sa labas ng bahay namin? Sa pag kaka alam ko nawalan ako ng malay sa labas ng abandonadong bahay na medyo malayo samin, teka dinala bako don nung lalaking nag ligtas sakin?
Bigla akong nalungkot ng maalala ang nangyare sa bahay namin si papa wala na si papa.
"A..san p...po si mama?" Nakita kong nagkatitigan muna si tita at tito bago bumaling ulit ang tingin sakin.
"Patay nadin ang mama mo hija" hindi ako nakasagot di mag sink in sa utak ko ang nangyare hindi, hindi pa patay si mama hindi pwede yon babalikan niya pako. Unti unti ng tumulo ang luha ko.
Naramdaman kong malamig ang aking pisnge, tumulo na pala ang luha ko ng maalala kung pano ako naligtas at nalaman na wala nadin si mama.
Ringgggggggg
Napatingin ako sa cellphone kong nakapatong sa aking tiyan pag tingin ko ay si Amaris ang tumatawag agad ko naman itong sinagot.
"Hello Amaris" bungad na sabi ko.
[Cous kailangan na ni papa na maoperahan.] nang marinig iyon ay tsaka ako napa upo si tito may sakit siya kaya nahimatay siya non sa bukid.
"Oo sige sabihin mo kay tita na paoperahan na si tito."
[Pero saan tayo kukuha ng pera konti nalang ang ipon ko dito, yung ipon nila mama noon ay pinangbayad na nung nakaraan sa ibang bill ni papa dito.] namomoblemang tono ni Amaris.
"Gagawan ko ng paraan mag hahanap ako ng iba pang trabaho at sideline."
[Yvaine dalawa na ang trabaho mo magkakasakit kana pag humanap kapa ng ibang trabaho masyado ng mapapagod ang katawan mo niyan.] Kahit na hindi ko kasama ang aking pinsan alam kong nag aalala ang mga tingin niya sakin.
YOU ARE READING
GAMEOVER the last heathen's
Mystery / Thriller[On-Going] "ONCE YOU JOIN THERE'S NO TURNING BACK." "BE READY TO KILL" "DONT TRUST EASILY." Dahil sa hirap ng buhay ay ito lang ang isang paraan para makakuha ng pera si Yvaine ang pagsali sa laro, sumali siyang walang alam sa laro na akala niya ay...