Nueve

0 0 0
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas ng malaman ko ang tungkol sa Heathens at Hidious. Kasalukuyan akong nagtratrabaho sa resto. Si Amaris ay hindi pa din bumabalik hanggang ngayon dito sa Manila, wala nadin akong balita kila tita at tito doon, siguro ay tumutulong pa doon si Amaris kaya hindi pa siya nakakabalik. Napatingin ako sa aking relo alas tres na nang hapon at maya maya lang ay makakauwi na ako.

Hanggang ngayon ay iniisip ko padin kung pano ako makakakuha ng pera para pambayad sa bahay, nahihiya naman akong tawagan sila tita sa leyte alam ko din na wala na silang pera. Sa totoo lang ay wala pa talaga akong pambayad kahit na piso dahil hindi pako sumasahod ang paalala sakin ni Ate Lucy ay bago mag katapusan ay kailangan ko nang bayaran ang upa namin pero ang sahod ko naman ay saktong katapusan kaya paniguro kapag di ako nakapag bayad ng bago mag katapusan ay mapapaalis na kami doon.

Tinawag ako ng isa sa ka empleyado ko, napatingin ako ulit sa aking relo 3:30 na buti ay pinaalahanan ako na out kona. Agad akong pumunta sa staff room para makapag palit na, nag suot lang ako ng black hoodie at tinanggal ko nadin ang aking sandals na pinalitan ko ng sneakers ko na white pag katapos ay inayos ko lang ang buhok at naglagay ng konting liptint. Nag paalam nako sa iba at tuluyan ng lumabas ng resto. Sumakay nadin ako agad ng jeep mga ilang minuto lang din ay nakababa nako sa kanto. Nilakad ko nalang ito.

"Sige ayan ilabas niyo nadin yan." naagaw agad ang atensyon ko ang boses ni Ate Lucy nagulat ako nang nilalabas na ng mga tauhan niya ang gamit namin ni Amaris.

"Ate Lucy bakit niyo po nilalabas yung gamit namin." naguguluhang tanong ko habang kinukuha ko ang mga gamit namin na naka kalat.

"Umalis na kayo dito alam ko naman na di mo mababayaran ang upa dito kaya mas mabuti na umalis na kayo." mataray na sabi ni Ate Lucy.

"Pero Ate Lucy hindi pa naman po tapos ang katapusan bakit naman po ganito may usapan ho tayo Ate Lucy." nanghihinang sabi ko bakit ngayon pa wala naman akong ibang matutuluyan.

"Bakit may ibabayad kaba?" napatingin sakin si Ate Lucy tila hinihintay ang sasabihin ko, hindi ako makapag salita dahil hindi ko din naman sigurado kung may ipambabayad ba talaga ako. "See wala kang ipangbabayad sakin kaya mabuti pang umalis na kayo dito at may bago ng titira dito. Sige ilabas niyo lahat ng gamit nila siguraduhin niyong walang matitira nakakahiya sa bagong titira baka may makita pa silang basurang gamit diyan." hindi ko alam kung bakit bigla akong naines kung paano siya makapag salita samin ng ganon tinignan ko si Ate Lucy ng masama ngunit tinarayan lang ako nito.

"Oo na ho aalis na ako pero pwede naman ho dahan dahan lang ang pagkuha ng gamit namin hindi niyo naman ho kailangan na ihagis pa." mariing sabi ko at isa isa kong pinulot ang mga gamit namin ni Amaris. Nang matapos ay tumapat ako kay Ate Lucy. "Maraming salamat ho and pasensya nadin kung di kami nakakapag bayad. Ayaw din naman namin sa bahay mong mukang haunted eh kaya ilaklak mo nayan sa malaki mong bunganga akala moba sa loob ng tatlong taon namin diyan sa bahay mo tatlong taon nadin kami nagtitiis sa katarayan mo akala mo naman ikinaganda mo yan tsss." nakita ko ang mga mata ni Ate Lucy na galit na galit, buti nga akala niya ah ako pa talaga ang ginanon niya. Tinarayan ko ito bago siya tinalikuran may sinabi pa siya ngunit hindi ko nayon pinakinggan.

Bitbit ko ang dalawang maleta at dalawang malaking backpack namin ni Amaris. Kanina pako palakad lakad hindi ko alam kung saan pupunta napahinto ako sa isang silong at umupo doon. Kinuha ko ang aking cellphone napamura ako ng makitang lobat ito kaya binalik ko nalang ulit sa aking bag. Napabuntong hininga ako bakit ba ngayon pako dinampuan ng malas una na hospital si tito pangalawa nalaman ko yung tungkol sa napasukan ko pangatlo nabangga pako ng bike dahil sa bike nayon ilang araw ko din tiniis ang natamo kong malaking pasa tas ngayon naman wala akong matuluyan nakaka tang inang buhay na ito. Napatingin ako sa langit ng makita ang kalangitan na puro star siguro isa diyan si Papa at Mama.

GAMEOVER the last heathen'sWhere stories live. Discover now