Catorce

1 0 0
                                    

Matapos ang laban namin ni Max ay nag laban nadin ang mga sumunod na mag lalaban. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba dahil sa biglang pagka himatay ni Max kanina sa laban namin, oo siya si Max nalaman ko dahil sinabi ni Zayn dahil nga siya ang kaunahang natalo sa versus pero sinali padin ni Zayn sa susunod na round.

Mabilis lang natapos ang First Test kaya mas lalo akong kinabahan para sa second test. Labing tatlo ang nakasama sa Second Test karamihan sa 25 na partner kanina ay puro mga newbie ang natanggal, siguro ay apat nalang kaming natitirang newbie ako si Max, Willie at Noel. Tingin ko ay konti lang ang mapapasali ngayon sa Frontline dahil mahigit nasa isang daan nadin ang Frontline dito sa Heathens dadagdagan lang ngayon.

Nagkaron kami ng 15 mins break para makapag pahinga at makapag handa sa Second test. Nakita kong pumasok na si Max sa training ground kaya agad ko itong nilapitan.

"Ah Max." tawag ko sa kanya napalunok pako ng tumingin ito sakin, wala talagang emosyon ang makikita sa mata niya. "Ayos ka naba pasen---------"

"Hindi mo kailangan huminge ng pasensya pag dating sa labanan. Pag ba nasa laban na tayo ay hihinge ka padin ng tawad sa makakalaban mo pag hindi naging maganda ang lagay niya? Kaya hindi mo dapat huminge ng pasensya dahil laban iyon. Wag kang mag alala ayos lang ako." deretsyong sabi nito tsaka ako tinalikuran.

Napahiya ka tuloy Yvaine tsss.

"Listen, for the second test ay dito masusukat ang pagiging asintonado niyo sa isang bagay o tao. Kailangan niyo lamang tamaan ang mga manequin na ilang layo sa inyo, sasabihin ni Ken kung saang part ang tatamaan niyo. Tatlong weapon ang gagamitin niyo para dito, una ay baril pangalawa ang dagger at pangatlo ang bow at arrow. There's no rules in this test but you have 3 chances each weapon. And each weapon ay may puntos, para manalo sa test na ito kailangan ay mataas ang makuha niyong puntos." Seryosong pagpapaliwanag ni Zayn.

Lahat kami ay pumwesto na sa kanya kanya naming pwesto. Medyo nagulat pako dahil diko inaasahan na sobrang layo pala samin nung mga manequin. Napatingin ako sa kanan ko nakita ko si Max na inaayos ang kanyang baril. Nakakakaba talaga ang presensiya niya masyado siyang seryoso. Inayos ko nadin agad ang baril ko ng makitang halos lahat sila ay tapos na.

Shit di nga pala ako masyadong nakapag ensanyo sa pag gamit ng baril. Bakit naman kasi nag pokus ka sa dagger Yvaine hayts bahala na.

"Are you ready mga ate and kuya?" Nakangiting tanong ni Ken. "Gaya ng sabi ni kuya Zy meron kayong 3 chances bawat weapon. Sa tatlong weapon na gagamitin niyo ay may mga puntos." Biglang seryoso na sabi ni Kenly nabigla naman ako dahil sa mukang pinakita niya gwapo si Kenly pero mas lalong gumwapo ng sumeryoso.

"Okay let's start please ready the first weapon. Sa weapon na toh ay may 5 puntos." dagdag na sabi ni Kenly.

Iniayos ko na ang hawak ko sa baril medyo kinakabahan ako kaya nanginginig pa ang mga kamay ko.

"Ang unang tatamaan niyo ay Tuhod magbibilang ako ng tatlo bago niyo paputukin ang mga baril niyo."

Ipinikit ko ang isang mata ko at tinutok ang ulo ng baril sa tuhod ng manequin. Hindi ko naman dapat seryosohin toh dahil okay lang sakin na di mapasali sa Frontline pero may kung ano sakin ang nagpush na galingan ko sa test na ito.

"1.......2.......3!" sigaw ni Kenly.

Kasabay non ang pagputok namin sa baril. Nang matapos namin paputukan ang tuhod ng manequin ay agad yon tinignan ni Jerome. Nakahinga ako ng maluwag ng matawag ang pangalan ko sa mga nakatama.

"Hmm mukang madali lang sa inyo ang baril dahil lahat kayo ay natamaan ang parte na sinabi ko, congrats mga ate at kuya." Nakangiti ng sabi ni Kenly.

GAMEOVER the last heathen'sWhere stories live. Discover now