A/N
Hi my dear readers! Thank you for spending much of your time reading my works, I really appreciate it <3
I'm trying my best to update as soon as possible. Enjoy reading :)
WARNINGGG: NOT EDITED PO
Naiinis akong umuwi ng mansyon kanina pa ako tawag ng tawag kay manos at text ng text pero hindi niya sinasagot. Mag iisang oras na akong mukhang tangang kakahintay dun sa kanya dahil sabi niya sabihan ko siya pag tapos na ang photoshoot ko. Mas nainis pa ako ng nakita ko ang sasakyan niya na nakapark sa garahe. Hindi niya ako naalala pero nakaalalang umuwi?
"Manang si manos po?" Mahinahon kung tanong pagkapasok ko ng bahay ayokong ibuntong sa iba ang inis ko.
"Nasa taas po maam"
"Kanina pa po ba dumating?" tanong ko ulit bago tanggalin ang sapatos na usot at nag palit ng pambahay na tsinelas.
"Ay opo maam kasama po si maam amanda" WHAT!? gustong gusto ko ng itaas ang kilay ko pero pinigilan ko. ngumiti ako ng pilit at nagpasalamat bago umakyat sa itaas.
Kaya pala ako nakalimutan kase kasama ang babaeng higad na yun! Tatlong buntong hininga muna ang ginawa ko bago pumasok sa kwarto. Pinalibot ko ang tingin sa kabuoan ng kwarto walang bakas ni manos. I change my clothes and went out, ayoko mang isipin pero sa palagay ko tama ang hinala ko. Naglakad ako papuntang kwarto ng impaktitang kasama namin sa bahay. Nakaawang ng kaunte ang pinto kaya nakikita ko ang nasa loob.
I saw manos sitting beside amandas bed, he's feeding that btch. Nakikita ko na ngiting ngiti ang demonyita sa ginagawa ng JOWA ko, take note JOWA KO!
Ayoko ng makita kung ano pa ang gagawin nila. Sumasakit ang puso ko para itong kinukurot ng paulit ulit. Kakapalit ko palang ng damit pero nagpapalit na naman ako. Gusto ko munang lumayo, hindi alam kung bakit ganun sila hindi ko maintindihan. Alam ko na dapat wag muna magassume pero masakit kase eh. Ako nakalimutan niya sunduin samantalang yung amandang yun alagang alaga niya pa?
Nagdrive ako ng walang patutunguhan hindi ko alam kung saan ako pupunta sa ngayon. Ayoko namang abalahin si mika dahil may mga problema din ang isang yun ayoko ng dumagdag pa at parang ang babaw lang ng nararamdaman ko para mang abala pa.
I drove to the nearest Club, nagsuot ako ng sumbrero bago bumaba baka may makakilala saakin at maissue pa ako dagdag problema na naman.
I ordered margarita after I sat on the stool in the corner of the counter bar. Hindi ko na alam kung ilang baso na ang nainom ko at kung ilang lalaki na rin ang itinaboy ko. Nalulungkot ako ng sobra, nangalumbaba ako sa counter at napabuntong hininga.
YOU ARE READING
Illegal Series #1: Amor Peligroso
RomansaMeeting a sinful gorgeous Man can't keep her falling in love. This love is illegal and that man has an illegal sexy smile and face. How can Shane continue his plan when she is enjoying in his arms? Warning: Matured Content R-18