CHAPTER 17

4 0 0
                                    

Nagpark muna ako ng sasakyan at nag ayos ng kaunti para maganda naman ako tingnan. After applying light make up and grabbing the lunch I brought before coming here. I wear my shades and cap ang hirap talaga lumabas pag nasa industriya ka ng showbiz lalo na ngayon at maingay pa rin ang pangalan namin ni manos sa social media dahil daw sa pagbubuntis ko hahaha funny, bir lang yun ng una tas tinotoo naman ng mga tao. Basta talaga chismis lumalaki mga tenga eh. Sumakay na ako sa elevator papuntang pinakamataas since nakapunta na rin ako dati rito saulo ko na ang pasikot sikot.   



Papasok na sana ako sa opisina ni manos ng harangan ako ng sekretarya nito "Excuse me po is there any scheduled meeting?" tanong nito na magalang. 


tinangal ko ang shades na suot ko at nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito at unti unting ngumiti "Pasok po" nilahad pa nito ang mga palad sa pinto at tumabi, ngumiti lang ako at tumango. 



"Hey" sabi ko ng makitang busy ito kaharap ang laptop niya habang nakakunot ang nuo. napa anagt agad ito ng tingin at ngumit ng tipid.



"What are you doing here?" agad nitong tanong at tumayo.


"Ayaw mo ba?" mataray kung tanong.


tumawa ito ng mahina "No, 'm just asking you're not busy?"



"Kakatapos lang ng photoshoot ko kaya dumiretso na ako dito para maglunch. Naglunch kana?"


"Hindi pa i'm kinda busy nakalimutan kung lunch time na pala" tumingin pa ito sa relos niya bago ibalik saakin ang tingin.



"Ganito ka ba lagi ha?" nakakunot nuo kung tanong. nagulat naman ito sa boses ko.



"Sometimes pag sobrang busy ako" inirapan ko naman ito dahil sa sagot niya.



"it's not healthy you know, kahit na busy ka pa you should eat pano pag nagkasakit ka" naglakad na ako palapit sa mesa niya at ipinatong ang lunch namin.



"sorry" usal niya bago ako tulungan sa pag unpack ng pagkain.



"Let's eat there" turo nito sa mesa sa may mini sala ng opisina nito tumango ako at nagsimulang maglipat ng mga pagkain katulong siya.



Nagsimula na rin kaming kumain pero hindi ko siya pinapansin naiinis kase ako dahil sa hindi siya kumakain ng maayos napapaisip tuloy ako kung nakakain ba siya ng maayos this past few days. 


"Hey.. are you mad?" hindi ako sumagot at pinagpatuloy ang pagkain. Ibinaba niya ang kinakain at humarap sakin hindi pa rin ako umiimik. He hug me and kiss my temple "Sorry" yan lang ang sinasabi niya sorry lang na parang paiyak na bata. Diko alam kung matatawa ako o ano.



"Wag mo na ulitin" tumingin ako sa kaniya at tumango naman ito. "Good" pinagpatuloy na namin ang pagkain habang nagkukwentuhan. 



"I miss you" bigla nitong singit sa usapan namin. Pigil kung mapangiti dahil sa kilig, ang tanda na namin pero ang cheesy pa rin e. "I miss you too" ngumiti ako ng malapad mas lalo kung namiss ang lalaking to parang isag taon kaming hindi nagkita. I hug him at sinandal ang ulo ko sa dibdib nito. I like hugging him he feels warm and home, hindi ko mapigilan ang ngiti ko nakakawala ng stress ang ganito. 



"Halatang miss na miss mo ako ah" pagbibiro nito. Tinawanan ko ito at humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.


"Uyyy marunong na siyang magbiro oh" panunukso sa dito na ikinasama lang ng mukha nito, mas lumakas ang tawa ko dahil sa itsura niya.



"Stop" masama pa rin ang timpla nito, pinipigilan ko namang hindi tumawa pero mas lalo akong natatawa sa reaksyon niya. Muntek akong mabulunan ng walang pasabing hinalikan ako nito. Nanlalaki ang mga mata kung nakatingin dito. "Ayaw mo kasing tumigil" swabing sabad nito pagkatapos akong halikan at naglakad pabalik sa upuan niya para magtrabaho na ulit. The fuck hindi man lang ako nakagante hahahha. 



I pouted and fix my hair napakadaya di man lang ako pinagante hmpp! "Dito lang ako hihintayin kitang matapos sa work mo"  ngumisi ito. "Behave ka lang diyan, don't be wild" namula ang pisngi ko hindi dahil sa hiya kundi dahil sa inis inirapan ko nalang ito at inilabas ang phone ko pampalipas oras.



Naglaro nalang ako  ng mga pambatang laro dahil wala naman akong ibang magawa sa phone ko. Nakatanggap ako ng mensahe galing kay chris 



From: Chris

Hey, you busy?



To: Chris

no, not really why?


Ilang minuto wala pa ring reply si chris pabalik balik na ang tingin ko sa phone ko. Ano kaya ang problema ng isang yun? 



"What's with the face?" Napa angat ako ng tingin ng biglang nagsalita si manos. Ngumiti lang ako at umiling. Itinago ko ang phone ko at humiga sa sofa bigla akong tinamaan ng antok. 



Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa may uluhan ko. Inaantok pa rin ako kaya hindi ko parin iminumulat ang mga mata ko pero naramdaman kung may gumalaw sa uluhan ko kaya iminulat ko ang mga mata ko nakita ko si manos hawakl ang telepono ko nakakunot ang nuo bigla kung naalala si chris agad akong bumangon at kinuha ang phone ko sa kamay niya.



Maraming missed calls si Chris saakin "Who is he?" seryosong tanong niya umiwas agad ako ng tingin. "Nothing important" hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kaniya kaya ayoko muna iopen up sa ibang araw nalang.






A/N

Hiiiiii guys I hope nagustuhan niyo ang new update :)


warning not edited po ang mga chapters ng mga book na ginagawa ko I plan to edit all after na matapos. Medyo busy and tamad ako nalugaw na utak ko sa subjects namin hahahaah kaya mabagal updates.




Illegal Series #1: Amor PeligrosoWhere stories live. Discover now