Chapter Nine : Apple Farm

22 2 1
                                    

Chapter Nine : Apple Farm

Seinah's POV

     Gingo Province. Enriquez Fruit Farm. Apple Farm

      Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Kahapon pagkatapos naming malaman lahat ng impormasyong iyon ay agad kaming nagpaalam sa Superintendent ng station namin na may kailangan kaming asikasuhin sa Gingo Province, hindi lang kami naka-alis agad dahil ako mismo ang nag file ng missing report ni Apple Belano, kinausap rin namin ang pamilya nya ukol sa karagdagang impormasyon kaya kinabukasan na kami pumunta sa Gingo Province.

     Higit anim na oras ang layo ng Gingo Province sa Palero City, nadaanan din namin ang Vista City papunta sa probinsya. Sumama samin si Neon, sa kadahilanang bored na bored na sya at gusto nyang makatulong, pinasama naman namin sya. We left the city on midnight, and now I can see the sunrise, tatlong kotse ang dala namin, mas maganda na maraming vehicle na magagamit, kasama ko si Neon at Shien, papalit-palit kami sa pagdra-drive, nakatulog din naman ako pero sadyang di na ako makatulog. Hindi sumama sa amin si dad, bakit? Dahil inatake sya ng high blood, may hika si dad, ako mismo ang nagpa-iwan sa kanya, he works from the office tho, inasikaso na nya ang tutuluyan namin dito, at sabi nya ay magiimbestiga pa sya about the suspects' private lives.

     Napatingin ako sa side mirror ng sasakyan, ako ang nagmamaneho for three hours now, papasok na kami sa Gingo Province. Pareho silang nasa back seat, ang katabi ko sa driver's seat ay ang bagahe ko at ang briefcase ni Neon, payapa silang natutulog, magkayakap pa. Nakasunod sa akin ang sasakyan nina kuya Garen, kasama nya si Seth at kuya Stemly, habang nangunguna naman si Jin at Xean, nasa harapan ko sila.

     Natigilan ako ng tumawag ng conference call si Jin sa phone ko, sinagot ko naman iyon. Hinintay ko lang silang magsalita at patuloy lang na nag maneho.

     "We're currently entering Gingo Province, shall I say welcome?" Sarkastikong sabi ni Jin, napairap ako,

     "Hindi ka naman tourist guide para i-welcome kami" sarkastiko ko ring sagot sa kanya, narinig ko naman silang tumawa, bukod sa amin ni Jin ay si kuya Stemly lang ang nasa conference call,

     "Saan tayo didiretso?" Dinig kong tanong ni Jin,

     "Wag mo sabihing sa apple farm na agad, Seinah? Di pa tayo naliligo" sabi pa ni kuya Stemly, napangiwi ako,

     "Kayo lang yung hindi naligo, wag mo kong i-damay" sarkastiko kong sagot sa kanila,

     "Ay ganon, bad mood" natatawa pang sabi ni kuya Stemly,

     "Nag iisa lang ang kilalang hotel dito, kung meron man, nasa resort na, dupn tayo didiretso" sabi ko at binigay ang adress sa kanila,

     "Sige sige, mag checheck-in pa pala tayo" sabi ni Jin,

     "Hindi na, nagpa-reservation na si dad, bayad na rin, alam ko malaki yung room na nakuha nya, isa lang yon, pero limang kwarto" paliwanag ko sa kanila,

     "Nice, galante si papi" biro pa ni Jin, gusto kong matawa nang nagboses bakla sya, kaso ay wala ako sa mood, tumawa naman si kuya Stemly habang binabaan ko na sila, binilisan ko na rin ang pagmamaneho, kinuha ko naman ang bottled water na nasa tabi ko at binato kila Neon,

     Tinamaan sa tyan si Neon, konti lang naman ang tubig na laman ng bote kay nakasisiguro akong di sya gaanong masasaktan, pero hindi din sila nagising, binagalan ko ang pagmamanaho at niyugyog sila, pero masyado nga atang mahimbing ang tulog nila dahil hindi man lang sila natinag. Nangunot ang noo ko, naiinis na, pabalik balik din ang tingin ko sa daan, di din ako makapagmaneho ng maayos dahil nakadungaw ako sa may pagitan ng front seats.

Detective Series 1 : Apple of the Eye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon