Chapter Eighteen : Sleepover

22 2 1
                                    

Chapter Eighteen : Sleepover

Seinah's POV

     'Biro lang, seryoso mo naman'

     Yan ang sinabi niya sa akin matapos akong natulala sa harap niya. Para akong tanga na natulala habang nakatingin pa sa kanya, hindi ko talaga inaasahan na sasabihin niya iyon. Para akong binalot ng kahihiyan sa ginawa ko, ang mas nakakahiya pa ay nag expect talaga ako.

     'Ano ba yan Seinah, nag expect ka pa talaga ha?!'

     Hindi ko alam pero para sa akin ay naging awkward ang sitwasyon matapos non. He volunteered to go cook for dinner for the two of us since it's the rain is still pouring so hard. I was quite shocked to know na marunong siyang magluto, then I remeber he's living by himself years already, he must learn how to cook then.

     Nanatili ako sa sala at inubos ang hinanda niyang juice at pie. I'm really hungry. Ang huli kong kain ay simpleng sandwich lang bago ako pumasok sa trabaho, plus pagod pa ako sa dami ng nangyari ngayong araw. Finishing a small pie is a piece of cake for me right now.

     'Masarap nga namang kumain talaga'

     Mag iisang oras nang nagluluto si Seth sa kusina at talaga namang naglalaway na ako sa amoy nito. Malapit lang ang kusina sa kanauupuan ko kaya naman amoy ko ang kung ano mang niluluto niya, at talaga namang mabango ang aroma kaya naman lalo akong nagutom.

     'Gusto ko na kumain bigla'

     Napalingon ako sa bintana, muli dito ay kita at rinig ko pa rin ang malakas na pagbuhos ng ulan. It's raining so hard, minsan ko pang narinig ang pagkidlat kanina. Nilabas ko ang phone ko mula sa jacket ko atsaka binuksan iyon. I want to check the news regarding weather pero tsaka ko lang namalayan na may mga text messages pala ako pagkabukas ko ng phone, nakunot noo ko iyong binuksan isa isa.

          New Message from : Mom
               7:11 PM ~ Seinah, umalis ka raw, nasaan ka?
               7:16 PM ~ Seinah, where are you?
               7:24 PM ~ It's raining hard, be safe, okay?
               7:33 PM ~ Seinah, mommy's worried na, where are
                                     you?

      Napabuntong hininga ako at pinagalitan ang sarili ko sa isip ko. How can I not read mom's messages sooner? I'm sure nag aalala na iyon. Pero ang sasabihin ko? Idadahilan ko? Napabuntong hininga ako bago i-check ang iba pang messages.

          New Message from : Dad
               6:53 PM ~ Seinah, where will you go?
               7:04 PM ~ Malakas ang ulan, naka motor ka pa, umuwi
                                    ka na ha?
               7:18 PM ~ Seinah, nasaan ka ba? Umuulan.
               7:24 PM ~ Umuwi ka na Seinah. Nag aalala na kami ng
                                    mom mo.
               7:37 PM ~ Seinah Ashienna. Where are you?

          New Message from : Napoleon Green
               7:06 PM ~ Hoy, di ka daw macontact. Nasan ka ha?
               7:19 PM ~ Don't tell me nasa apartment ka ni Seth?
               7:35 PM ~ Hoy pag di ka pa nagreply sasabihin ko sa
                                    kanilang lahat na nasa apartment ka ni Seth.

     Napailing iling nalang ako at mas lalo pang naguilty. Lalo ko pang pinagalitan ang sarili ko sa isip isip ko. Don ko lang din narealize na nakasilent pala ang phone ko. I sigh as I type my replies on them.

Detective Series 1 : Apple of the Eye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon