Chapter Twenty-six : Olympus
Seinah's POV
Gusto kong maiyak.
Honestly, I really want to cry. I was feeling hopeless. Before I get here, I planned everything already, for me it's perfect, but now I'm here, I realized how dumb my plan is. And now I'm stuck at the demon's den as an Apple Killings victim.
Hindi ko alam kung ilang oras na ako dito, pero sa tantsa ko, nasa apat na oras na kong gising. Kahit papano rin ay nababawi ko na ang lakas ko, pero nahihilo pa rin ako, isa pa ay medyo nanghihina ako at nauuhaw.
Napatitig ako muli kay Pomie Lazardo. Nakakulong siya sa kulungan sa kaliwa ko. Gusto ko siyang tulungan sa kalagayan niya. Gusot gusot ang suot niyang hospital gown, ni hindi ko nga alam kung bakit siya naka hospital gown. Magulo ang buhok at dumudugo pa ang ibang mga sugat niya, puno din siya ang pasa sa katawan. Madungis siya at nakahandusay lang sa sahig ng pawang kinalalagyan niya.
May anim na selda sa loob ng kwarto. Maliliit lang ang espasyo nito, tig tatlo sa magkabilang gilid ko, habang sa gitna ay may higaan, kung san ako naroroon. Hindi nakatali ang kamay o ang mga paa ko, ganun din sila, pero naka padlock ang parehong kulungan nila.
Sa kanan ko ay naroon si Apple Farseno. Siya yung umiiyak. Panay ang siksik niya sa sulok ng kinalalagyan niya. Naka hospital gown rin siya tulad ni Pomie. Kahit papano ay mas maayos ang lagay niya kaysa kay Pomie, hindi ko siya masyadong makita dahil nasiksik siya sa sulok yakap yakap ang tuhod niya, pero bukod sa magulo niyang buhok at ilang pasa ay wala na kong nakikitang sugat o pasa sa kanya. Napabuntong hininga ako, sigurado akong nakikita niya ako dahil nakita ko siya kaninang napasulyap sa akin, sinubukan ko siyang kausapin pero hindi siya sumasagot at panay lang ang hikbi.
'I need help. I'm weak, and tired'
"A-Ahhh"
Napalingon agad ako kay Pomie nang marinig ko siyang dumaing. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang gumalaw. Unti unti kong sinubukang tumayo, napangiwi pa ako nang makaramdam ako ng sakit sa sikmura at ulo ko, pati na ang ngipin ko. Dahan dahan akong lumapit sa tapat ng selda ni Pomie tsaka ako napaupo sa harapan non, gamit ang buong lakas ko ay pinilit ko siyang abutin at yugyugin.
She groaned repeatedly. I'm sure she's in so much pain, her body is full of cuts and bruises. Hindi maiwasang mapaluha sa kalagayan naming parepareho. Napabuntong hininga ako bago nilakasan ang loob ko at mas nilakasan pa ang pagyugyog kay Pomie.
"P-Pomie...P-Pomie..." pabulong kong sabi habang panay ang yugyog sa kanya, she groaned, ilang beses ko pa siyang niyugyog nang marinig ko siyang humikbi at lumayo sa akin,
"S-Sino k-ka?" Naiiyak na sabi nito habang pilit na lumalayo sa akin, ilang beses rin siyang napasigaw sa sakit,
Naramdaman kong nanubig ang mga mata ko habang nakikita ko siyang pilit na umuupo kahit panay ang ngiwi at hiyaw niya sa sakit, nakailang subok siya bago tuluyang makaupo paharap sa akin, tsaka niya niya hinawi ang buhok niya, lalo akong nahabag nang makita ang mukha niya. Pati ang mukha niya ay may pasa, putok pa ang labi niya, may bahid pa ng dugo ang ilong niya, madumi rin ang mukha niya at may guhit rin na pula sa may leeg niya, tanda na sinakal siya. Bakas ang takot sa mukha niya pero nagulat siya nang makita ako.
"S-Sin...B-Bik..." Putol putol na sabi niya, mukhang hindi niya alam ang sasabihin at halatang naguguluhan siya,
"I-I'm a v-victim t-too...D-Don't be scared" I said in a low voice, hirap din akong magsalita dahil sa sakit ng ngipin ko, napaiyak siya at unti unting lumapit sa akin, napahawak siya sa rehas ng selda'ng kinaroroonan niya,
BINABASA MO ANG
Detective Series 1 : Apple of the Eye (COMPLETED)
Misterio / SuspensoWho's your apple of the eye? Is she/he great? Good looking? Or kind? Let's follow the Serious Crime Unit 1's adventure to a 'Mysterious Killer' that have done 'Mysterious Killings' in four universities. Having two or more apple of the eye...