Chapter Eleven : Apple Farm III
Seinah's POV
Tension. Pity. Curiosity.
Yan ang mga emosyon na nangingibabaw sa akin ngayon habang hinihintay naming magbigay ng statement sina aling Delia. Kararating lang din namin, ngunit naiyak agad si aling Dema sa simula pa lamang.
"Hindi ko alam, k-kung bakit kailangan nyong imbestigahan a-ang farm. Malinis a-ang farm a-at mabait si Sir Paolo s-sa amin. M-Mainit lang ang ulo nya at m-may pagka m-manyak s-sa mga d-dalaga pero nasolusyunan na n-naman namin...Pero, magbibigay ako ng statement, para sa apo ko" nautal utal pang sabi ni aling Dema, hinanda ko na ang recorder ng phone ko, huminga naman muna ng malalim si aling Dema,
"Kung pwe-pwede po ay kwentuhan nyo ho kami tungkol sa mga aksidente ng panggagahasa at nasangkot si Mr. Enriquez. Pati na rin ho sana kung ano ho ang ugali nya, ng mga magulang nya, at kung ano hong nangyari sa serial killings five years ago" malumanay kong sabi, as much as possible ay ayoko syang pwersahin,
"K-kasambahay ako noon dito, may asawa na ako noon at mga anak, nasubaybayan kong lumaki si P-Paolo. Parang yaya ba. Masyadong busy ang mga magulang nya sa pagtatayo ng farm, kaya naman, kakaunti nalang ang oras n-nila kay Paolo. M-makulit si Paolo, mainitin ang ulo, pag naiinis sya, ay nananakit sya, p-pero minsan lang naman iyon, kadalasan ay ipinagtatanggol nya ang k-karapatan namin sa farm, laban sa papa nya. Nasa pito, o a-anim na taon na ang nakakaraan ng magtalo si P-Paolo, at ng ama nya, n-nalaman kasi ni Paolo na ayaw ng papa nya na ipamana s-sa kanya ang f-farm. M-masyado daw pikon si P-Paolo, at maloko, lalo na sa babae, kaya naglayas sya. D-dalawang linggo ayang nawala noon. Sobrang nag alala ang magulang nya noon. N-Nagsisi din ng sobra ang kanyang ama, dahilan para atakihin ito sa puso, at na stroke"
"Umuwi si P-Paolo, paglipas ng dalawang linggo. Ngunit kasabay ng paguwi nya, sunod sunod na kaso ng p-panggagahasa sa limang dalaga ang nagpakamatay, h-hindi ko alam ang buong detalye, ngunit dalawa sa limang biktima ay namatay. At si Paolo ang itinuturong s-suspect, s-stroke na ang ama nya noon at nakaratay nalang sa kama" mahabang sabi ni aling Dema, napatungo pa ito tuwing nauutal,
"Naging matunog ang balitang iyon sa buong probinsya, kaya nang magpakamatay ang isa sa mga biktima ay muling kumalat ang balita. Habang ang isa naman ay...namatay, dahil sa pagdurugo sa tiyan, sinaksak daw ito ng dalawang beses at naubusan ng d-dugo. Noong kuhanin ng pulisya si sir P-Paolo, ay wala itong emsoyon sa mukha, kinilabutan ako non! Hindi man lang sya pumalag, o kinaila ang paratang sa kanya, umuwi rin sya kinabukasan, pangisi-ngisi" animong kinikilabutan pang nagkwento si aling Delia,
"Ah oo, naalala ko nga iyon" biglang sabi ni manong Nino, napailing iling ito, "Paminsan minsan talaga ay may ginagawa sya o ekspresyon na hindi mo maipaliwanag. Napaka wirdo!"
"Ano hong nangyari matapos non?" Tanong ng katabi kong si Seth, sa gitna ng imbestigasyon ay bigla kong naisip ang napagusapan namin sa teresa kagabi, palihim akong umiling, umaasang makakapagfocus muli ako sa imbestigasyon,
'You're in work, Seinah, focus!'
"P-Pagkatapos non, naging tahimik nang ilang buwan, unti unti na ring humupa ang tsismis t-tungkol don, nag-anunsyo pa nga ang pulisya na hindi si P-Paolo ang suspect at wala pa silang ibang suspect ukol sa kasong iyon. Ilang b-buwan lang matapos non, napabalitaan nalang naming namatay na ang ama ni P-Paolo, dahil sa kalungkutan, namatay din ang nanay ni Paolo, nasa tatlong buwan l-lang pagkalibing ni señor. Matapos non, nagpatuloy sa pag aaral si Paolo, n-nagpatuloy din ang pagtakbo ng farm, na pinamunuan na ni P-Paolo. Ngunit, l-limang taon na ang n-nakakaraan, nakakatakot na k-krimen ang naganap, at isa, s-sa pitong b-biktima non, ay apo k-ko, unang apo ko, disisais anyos lang sya noon" patuloy na pagkwento ni aling Dema, at tuluyan na itong naiyak, agad naman syang inalo ni aling Delia,
BINABASA MO ANG
Detective Series 1 : Apple of the Eye (COMPLETED)
Mistério / SuspenseWho's your apple of the eye? Is she/he great? Good looking? Or kind? Let's follow the Serious Crime Unit 1's adventure to a 'Mysterious Killer' that have done 'Mysterious Killings' in four universities. Having two or more apple of the eye...