Chapter Sixteen : Shaina Apple Alejo
Seinah's POV
Damn it.
Muli akong napabuntong hininga. Sa halong pagod at inis. Idagdag mo pa ang sakit sa kaliwang braso ko. Pinalibot ko ang tingin sa seldang kinaroroonan ko. Muling dumapo ang tingin ko kay Seth na noon ay animong nag aalalang nakatangin sa akin. Inirapan ko lang sya.
'Bwiset ka! Argh! Kasalanan mo to!'
I never imagined or think even onced I'll be locked up in a cell. I'm a police for god's sake! Bwiset din kasi yung Willie Teilon na iyon, nang inis pa, at eto namang magaling kong kasama ay nagpainis. At ngayon ko pa talaga nakalimutan ang ID o kaya naman ay ang badge ko. Maswerte nalang ako na dala ko ang phone ko.
"Seinah..." Pabulong na pagtawag sa akin ni Seth, hindi ko sya pinansin at sumandal nalang sa kinaroroonan ko, makailang beses na rin nya akong tinatawag pero hindi ko sya pinapansin, mainit pa rin ang ulo ko at baka kapag pinansin ko pa sya ay magkaron ng panibagong gulo dito,
'Kainis talaga! Sarap manapak!'
Mas lalo akong nainis nang maalala ang nangyari kanina. Matapos mang asar ni Willie Teilon ay biglang sumugod si Seth, nuong una ay hindi pumalaga ang doctor pagkuwan ay gumanti na rin ito. Pinigilan ko si Seth syempre, pero dahil nainis na rin ako ay pareho ko silang sinipa para mapaghiwalay sila. Nagulat nalang ako ng may dumating na mga pulis, hindi ko alam kung anong koneksyon ang ginamit ni Willie Teilon para ikulong kami.
'Ang pulis nakulong. Does it make sense?!'
I protested of course. Pero dahil wala akong dalang ID o kahit ang badge ko ay wala akong nagawa. Although tinawagan ko nalang si dad para malaman ang nangyari. Sa kabilang station kami nakulong, mas malapit kasi iyon sa hospital. Dad said he'll use his connections at pupunta rin daw sya.
Pero naisip ko rin ang mga pinagsasabi ni Willie Teilon kanina. He indirectly said to us na sya ang pumatay kay Apple Alejo! Para na rin nyang pinatunayan na suspect nga sya, pero hindi naman namin iyon magagamit laban sa kanya, kaming dalawa lang ni Seth ang nakarinig non, no recordings, other witness or what so ever. So it's basically useless.
As of now, sya at si Paolo Enriquez ang main suspects sa kasong ito. He just admit that he was with Apple Alejo during her last breath, it's either sya ang pumatay o nakita nya ang pagpatay na nangyari. Does it mean na malaki din ang posibilidad na sangkot sya sa Apple Killings? Fifty-fifty ang tyansa pero wala kaming ebidensya.
The watch is the main evidence, nakita sa video na si Willie Teilon ang may suot ng relo, at nakita sa isa pang video na ang suspect ay may ganoong relo, pero ang relo ay binili ni Paolo Enriquez. Apat na relo iyon. Hindi pa namin tuluyang nakukumpirma kung may kasambwat nga ang suspect, at wala rin kaming ideya kung ilan ang kasambwat nito.
'Ang hirap naman nito. Ayoko na magisip. Ang sakit sa ulo'
"S-Seinah naman, please..."
Napatigil ako sa pagiisip nang marinig iyon. Muli ako nainis. Muli kong naalala na nasa selda nga pala ako. I become preoccupied in a minute and I forget I'm inside a cell with the most annoying man for me.
'I need to get out of here first'
Napalingon ako sa bandang pintuan nang marinig ang mga pamilyar na tinig. Tuluyan kaming napatayo ni Seth ng makita si dad, kuya, at kuya Garen, may kasama silang isang may edad na lalaki, nakauniporme itong pangpulis. I assume he was a police in this precinct? I don't know his rank though, may kalayuan sila kaya hindi ko makita,

BINABASA MO ANG
Detective Series 1 : Apple of the Eye (COMPLETED)
Misteri / ThrillerWho's your apple of the eye? Is she/he great? Good looking? Or kind? Let's follow the Serious Crime Unit 1's adventure to a 'Mysterious Killer' that have done 'Mysterious Killings' in four universities. Having two or more apple of the eye...