"C G D Am..."
Napasimangot ako kay Jiro na mukhang hindi makuha ang gusto niyang tugtugin sa gitara. We are sitting at a bleacher underneath a tree. Abala siya sa pagtugtog habang ako naman ay may hawak na soft drinks at chichirya, nakasalampak sa bleacher at pinapanood ang mga estudyanteng dumadaan.
"Loving can hurt...loving can hurt sometimes..." He sang while strumming on his guitar. I was swaying my head along his gentle voice. It's more soothing listening with the music of his guitar, watching his slender fingers slowly strum on its strings.
Hindi pa nakatulong yung loombands na nasa wrist nya! Lalo tuloy nakaka-attract tignan ang kamay niya! Ugh, this is so wrong!
"So you can keep me, inside the pocket of your ripped jeans..."
Pinakinggan ko lang siyang kumanta roon at hindi na nakakapagtaka na maraming atensyon ng babae ang naaagaw niya. Bakit kasi dito pa siya nag practice!
"S-si Jiro, tangina hulog na hulog na ko." Rinig 'kong pagbubulungan ng mga babae sa bandang gilid ng kinauupuan namin.
I opened my phone to see some update for Missy. Hindi ito nakapasok ngayon at si Erin naman ay abala sa pagrereview sa upcoming exams ng STEM. Nakasalubong ko lang kanina sa canteen si Jiro and as I expected, he asked me to eat snacks with him.
"Ahh," kumunot ang noo ko nang ilapit ni Jiro ang mukha niya sa'kin, pero sa songbook pa rin siya nakatingin. He opened his mouth! Papel sana ang isusubo ko sakaniya pero mabait naman ako.
I took one V-cut chip and fed him. Ngumuya naman ito kaya napangiti ako. May isinusulat rin siya sa notebook kaya nakatunganga lang ako habang kumakain.
One hour ang lunch break namin at kanina pa ako kumain ng heavy meal. Wala naman rin akong ibang gagawin kaya dito na lang ako tumambay kasama si Jiro.
Nakasuot si Jiro ng white hoodie na alam 'kong hindi dahil sa malamig, pero dahil sa tinatakpan niya sa mga braso niya. I feel that I have to ask him but I can't find the right words to do so.
Tumingin sa akin si Jiro at bumaba ang tingin sa palapulsuhan ko. Itinaas ko ito para ipakita sakaniya na suot ko ang loombands. Ang arte naman ng lalaking 'toh!
"I wore it na, SIR." I rolled my eyes and he just chuckled.
"Si Morales 'yon diba?" Dinig 'kong sabi ng isang babaeng estudyanteng naglalakad sa harapan namin.
"Oo...girlfriend niya siguro yan. Tara na nga. Nakakabadtrip!"
Alam 'kong narinig 'yon ni Jiro but he didn't bothered. He just glanced at the girls and went back on his guitar.
Dito sa school, mga ICT ang madalas pinagkakaguluhan dahil raw mga 'pogi'. And I understand the girls who would literally turn their heads on Jiro's presence. Malakas ang appeal nito kaya naman ang sasama ng tingin sa akin ng mga babae!
Kasama na rin sa madalas pinagbubulungan si Daryl. At hindi rin makakatakas sa 'crush list' nila ang kapatid ko! He's just an insect sa house.
I scoffed when I remembered na naka-confine nga pala ito sa hospital. Hindi pa ako nakakapunta ulit sa hospital dahil bukod sa malayo ito, ay wala na rin akong time kahapon. Sasabay na lang ako sa mga tropa niya na pupuntahan raw siya mamaya.
"Mag request ka nga ng kanta," Seryosong sabi ni Jiro.
"A thousand years, by Christina Perri." I answered and took a bite on my V-cut.
Kaagad niyang hinalungkat sa songbook ang chords ng kanta. Ipinatong niya yon sa hita at nagsimulang mag strum sa gitara.
"Heart beats fast, colors and promises. How to be brave, how can I love when I'm afraid to fall... But watching you stand alone, all of my doubt suddenly goes away somehow."
BINABASA MO ANG
Crime In Love Line
RomansaShe appeared when I'm in the midst of my darkness, lifting me up high. I wanted to shelter her, I wanted to make her mine but my secret would someday destroy us. If loving her have a consequence of risking her dreams, then I would rather stay hidden...