Chapter 13

61 7 16
                                    

Baka nga crush ko lang siya. Hinahangaan ko lang ang pagiging mabait niya. That's normal. Lahat naman tayo ay dumadaan sa ganitong stage. Nothing more, nothing less.

And I shouldn't entertain this 'noh! I mean, we're friends.

"Liam! Where's your grey tee?" Bwisit 'kong kinakalkal ang drawer ni Liam. "Yung Nike!"

"Bat mo ba hinahanap!?" Sigaw niya naman mula sa labas. Pumasok siya sa kwarto niya at inis na isinara ang drawer. "Epal mo! Wala ka 'bang sariling mga damit?"

"This was...cozy." I rolled my eyes after I finally found the shirt.

"Magnanakaw! Sa'kin yan!"

Hindi ko na siya pinansin at nagpalit na ng damit sa kwarto. Today was Sunday at gaya ng dating gawi, pumupunta rito ang mga kaibigan namin para mag-review. That had been a habit, every final exams.

I stared at myself at the mirror. My lips were kind of pouty and pinkish. Medyo dark brown na rin ang dati'ng light hazel brown na buhok ko, dala siguro ng pagdadalaga.

I caressed my belly only to fall in love with my body shape. I was freaking sexy! Parang gusto ko nang ligawan ang sarili ko. My small waist was striking because of my sharp shoulders. Parang noon lang ay puro bilbil pa ako.

My features changed a lot but my resting face remained intimidating. I look like a grown woman because of the changes. Tumangkad rin sana...

"Ano ba 'yan! Kaya pala nawawala 'yung mga t-shirt at sweaters ko. Inangkin mo na!" Pag-aalburoto ni Liam nang lumabas ako ng kwarto at suot ang t-shirt niya.

"Oh? Sinong naglalaba?" Binato ko siya ng tsinelas. "Atsaka hiram lang! I always return it to you naman."

"Tatadyakan kita, April." Liam threatened while he's busy, organizing his drawer again. "Nawawalan na'ko ng pasensya sayo ha!"

I laughed. Ibinabalik ko naman talaga ang mga damit niya. Feel ko lang magsuot ng mga ganoon dahil nauumay na ako sa mga damit ko. I should buy more oversized shirts, para hindi na nagmamaktol itong Liam Adezer na 'toh.

A few minutes later, ay dumating na sina Luis, Daryl, Kevin and Jiro. Followed by Erin and Missy. Si Aira na lang ang hinihintay dahil nasa mall pa raw siya. I jumped out of excitement dahil kumpleto kami. I'm sure that the excitement was brought by my friends and not particularly because of...him.

"So eto nga yung chika ko," Liam giggled as he took a bite from the cheetos. "Alam niyo, si April...may crush na!"

I suddenly choke from the bread I was chewing. Inabutan kaagad ako ng tubig ni Jiro at uminom ako roon. Ano 'bang trip ni Liam?

"See? Nabulunan. Ibig-sabihin, totoo." Liam added.

"Crackhead! Anong pinagsasabi mo?" I threw a pillow over Liam's face.

"Oo nga," nakangisi si Luis at halatang gusto akong asarin. "Pano mo nasabi?"

"Nakita ko siya kanina! Nakangiti habang nagsasandok ng kanin!" Walang kwentang paratang ni Liam.

Napuno sila ng kantyawan and I was forced to deny it. Si Luis naman ay tinatapik-tapik ang likod ni Daryl. I just smiled. There's nothing serious on his feelings about me, right? At ilang buwan na rin ang lumipas. Siguro naman ay nawala na ang pagkakagusto niya sa'kin.

When Aira arrived, we all settled ourselves on our reviewers. Exams na rin kasi nila Aira kaya dito na rin siya magre-review. Kita ko naman sakanila ang pagpupursigi sa mga notes and books nila. After 2 hours of reading, memorizing and writing, si Aira ang nangunang dumaldal.

Crime In Love LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon