PROLOGUE

15K 206 25
                                    

NOTE: Ang nasa Pic ay ang daan na tinutukoy sa kwento.

Mula sa bus na aming sinakyan ni krab ay pumunta na kame sa terminal ng jeep papunta sa aming baryo. Iba ang jeep dito sa probinsya, kaylangan munang mapuno bago lumarga.

Nakakamiss makakita ng mga taong nag-uusap sa lengwaheng bicol. Mga namimili dala ang kanilang mga basket. Ang iingay rin ng mga tao sa terminal, puno ng mga nagtitinda at barker na nagtatawagan ng pasehero.

“Tulo pa dine!”

Sigaw yun ng lalaking nag-aalok ng pasahero sa aming jeep na nasasakyan. Sa loob nalang ang may ispasyo, pumwesto kame dito sa unahan ni Krab tabi ng driver. Yung mga gamit naman namin ay nakalagay na sa topload area nung dyip.

Yun pa ang isang nakakamiss..tanging dito sa probinsya lang pwedeng maglagay ng mga gamit sa topload ng mga jeep. Minsan pa nga may mga nakasakay pang pasahero para umalalay sa mga ito.

“Lunad na dale.. ta mahali na kita”

Hala malapit ng mapuno, asan na kaya yung mokong na yun? Bibili lang daw ng cup noodles pero ka tagal na. Yabang yabang kase.. siya na daw bahala. Hindi na daw siya isang bata para maligaw.

Kinuha ko na yung cellphone ko para tawagan siya ng biglang dumating naman na ito.

WALA SIYANG DALANG CUP NOODLES.

Pero may tatlong malalaking plastik siyang dala. Kada plastik ay puno ng Yum Burger, Frenchfries at yung nasa isa ay parang nakalagay sa aluminum tray.Apat na patong yun.

“Burger, Fries at Spag Krib.. pasalubong natin sa kanila”—Gumastos na nanaman siya. “Di ka na dapat nag-abala pa.. sila kuya may dala na yun”

“Nuh ka ba pabayaan mo na ako, gusto ko maypasalubong din ako sa kanila. Hindi ko na pala pinasama yung softdrinks. Baka kase matapon lang.. Bili nalang tayo softdrinks dun sa inyo”

“Ikaw ha.. sisipsip ka na agad sa pamilya ko dito noh?”

“Naman.. dapat lang na good shot ako sa kanila”, Sabay ngiti nito. Kita ko sa mata niya yung ngiti at pagka’excite. “San natin ngayon yan ilalagay?”.

“Eh di kalungin natin.. Isipin mo baby natin sila”, Medyo mahina niyang sabi. “Ssssstt!”—Sinenyasan ko siyang wag maingay. Sabay pisil ko sa kanyang pisnge. Maya-maya naman ay dumating na yung driver at sumakay na ito.

“Lunad na boy..”—Sita nito kay krab ko. Di man niya naintindihan, naget’s niya na rin siguro by action na pinapasakay na siya nito. Yung mga tao, kanina panay nakatingin sa kanya. Siguro sa kulay kase ng kanyang buhok tsaka sa taglay na kgwapuhan ng Krab ko.

Inabot ko yung mga pasalubong na binili niya sa jollibee. Tapos sumakay na rin ito, sa tabi ko. Sinara na niya yung munting pinto ng jeep at nagsimula na nga yung byahe namin papunta sa aming baryo.

40 minutes.

SUBDIVISION SCANDAL III 💚❤️💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon