NOTE: Ang nasa Pic po ay ang bunga ng “Uhuy” na mababanggit sa kwento.Maraming Thanks din po pala kay Kuya Ralphyzon Baluyot ko sa pagcreate ng napakagandang cover ng SSIII. Love You Matz..
Hindi ko alam kung nagkakatotoo yung panaginip ko o nagkakataon lang. Bumili rin kase siya ng mga pagkain sa jollibee para daw ipasalubong sa bahay. Kung anung inorder niya sa panaginip ko yun din ang dala namin ngayon.
Pilit ko man umiwas na sumakay sa pwestong unahan ng dyip.. di parin kame nakalusot. Yun nalang kase ang tanging pwesto para umalis na yung dyip na naghihintay. Alangan naman maghintay pa kame ng another more than 1 hour para maghintay.
Kaya no Choice napasakay parin kame, nasa topload ang iba naming gamit. Tanging kalong namin ay ang pinamili niya sa jollibee. Kinikilabutan ako sa mga nagaganap, bakit ganito? Di man kaperkpekto nung nangyayari sa panaginip ko, pero nangyayari talaga!!
Sa unahan kame ng Dyip nakasakay tapos bumili siya ng jolibee tulad na tulad sa panaginip ko!
Nababaliw na ako! Ano tong mga nangyayari!
“May Problema ba? Kanina ko pa napapansin na parang balisang balisa ka at di mapakali”
“Aaaa.. ahh hindi kinakabahan lang ako, kase ngayon ay nandito na tayo”, Tulad ng nasa panaginip ko ay wala kameng kasabay na bumaba. Umalis na yung dyip sa aming harapan.
HALA!!
Nanlaki ang mata ko ng makita ang pagkakatulad ng mga bagay na nasa aking harapan sa mga bagay sa aking panaginip! Yung arkong luma na, tapos yung bura ng mga nakaimprentang pangalan dun sa parang pentagon na konkreto. Tapos yung waiting shed.. HALA! HALA! HALA!
“Hala..”, yung itsura ko ay ramdam kong napapalukot sa kaba at pagtataka. “Bakit .. may naiwan ka ba dun sa Dyip? Krib naman naninibago ako sayo.. simula nung pumasok tayo dun sa jolibbe eee di ka na mapakali. Ano bang meron?”
“Hala.. krab naman ohhh antok lang siguro ako, wag mo na nga akong pansinin. Tara na”, Pinilit ko ng ngumiti kahit masyado parin akong kinakabahan.
“Wala bang text sila kuya Brenth?”
“La ehh.. tara na lakad nalang tayo”—Ewan ko ba imbis na suwayin ang nangyayari ay.. tumambay parin kame dun sa waiting shed pagkatawid. Nakakaloka! Premonition! Final Destination lang ang Peg!!
“Sure ka? Hindi ka ba napapagod??”
“Krib excited na akong makarating sa bahay niyo!! Dali na tsaka tong pasalubong natin sa kanilla baka lumamig na”
“OO na..”—Feeling Creepy inside of mine!! Ayan papalapit na kame dun sa sabungan area na walang katao-tao!
“Pahinga na muna tayo..”, Nakangiti niyang sabi sa akin. Di na ako nakapagsalita pa dahil sa nauna na tong tumungo at naupo sa blankong bangko sa harap ng parang saradong pansitan o tindahan ata ng merienda.