DENNIS POV
~ FLASHBACK ~
"Hindi ka daw matawagan ng Kuya Erjuan mo" galit si kuya Vince. Kitang kita ko yun. Tsss..
Ano namang pakay sakin ni Kuya Uno?
Ayokong sabihin na nakapatay ang cellphone ko. At hanggang ngayon parang ayoko parin yun buksan. Ayokong umiyak pag may mabasa man akong mga message ni Krab.
I need more time to heal this painful feeling. Miss na Miss ko na siya (+____+)"
Kaylangan ko nalang muna huminahon, magtiwala at maniwala kay Krab. Yun nalang ang pinanghahawakan ko sa ngayon.
Siguro darating ang araw ako nalang ang kusang gagawa ng paraan para muling magka-usap tayo Alimango ko.
Napapangiti tuloy ako. Kaylan kaya yung araw na yun? Hmmmmm excited na ako V(o^____^o)---O
"Dennis anong nakakangiti sa tanong ko?" Ay shit!
"Kuya?" Kabado ako sobra. Takte gutom na rin ako!
"Ako di lang ako nagsasalita pero napapansin ko.." Napatingin siya sa kabuuan ko. "Anong nangyayare sayo't parang puro na sugat yang katawan mo?"
"Po?"
"Aksidente ba ang pinunta mo dito? Kase pansin ko rin di ka nakikisama sa mga pinsan mo. Nakakabastos na bunso yang pinapakita mo.." Galit na sabi ni Kuya.
Napatingin naman ako sa sugat ko sa braso tapos yung munting gasgas sa tuhod ko na tuluyan naman ng hilom.
"Sorry po kuya..." Nakatungo kong sabi.
"Mag-impake ka na" Mabilis ko siyang tinignan. Gulat na gulat ako!
"Kuya bakit po?" Hindi ko mapigilang malungkot. Napatingin ako kay Kuya Brenth. Pero tinanguan lang ako nito.
"Akala ko ba ayus na ang mga kailangan mo dun sa eskwelahan" Shit! Bigla kong naalala! "Tumawag si Uno at pumunta daw sa bahay yung kaibigan mong si Joey" Bakit daw kuya?!
"Marami ka pa daw hindi napapirmahan at di naasikaso para sa enrollment mo" Napatungo ako at naalala ko nanaman si Krab.
Naku Krab ko may isang pangako ka nanaman na hindi matutupad Huhuhuhuhuhu (--____--)
"Ako na bahala Krib, madali lang yan.."
Yan yung binitiwan niyang salita nuon. Natapat kase sa 8th monthsary namin yung simula ng enrollment. Pero ang sabi namin nuon kay Kuya Vince ay Okay na nung isang araw pa yung Enrollment! Nagsinungaling kame siyempre!
Kaya ang paalam naman namin nung oras na yun ay tutulungan ko si Krab sa mga dadalahin niya dito sa Bicol!
Siyempre nagtiwala naman ako sa plano ni Krab na matutulungan niya ako sakaling malate ako sa pag-enroll. Kase magsasabay kame! Siyempre malakas siya dun! Eskwelahan nila yun ee!
Ang problema wala na siya. At hndi na siya dun mag-aaral! Tsk!
Wahhhhh Krab ko Pina-asa mo nanaman ako. Hmff Paano na ito? Ang pag-kaka'alam ko ang last na enrollment ay this coming Wednesday. Wahhhhhh!
"Kaylangna mo ng mag-ayos.. Bukas ihahatid ka ng kuya Brenth mo pasakay ng bus" Aniya.
"Kuya di po kayo sasama sa akin?" malungkot kong tanong.
"Gusto pa namin maranasan ang pyesta dito Bunso.. Kaya mo naman na diba?" Si kuya Brenth na nakangiti Tch! Sana pala sumabay nalang ako nuon kay Krab! Pakshheett Bat di ko kase naalala?