A/N: Sana naman kahit na updated na itong chapter 11 ay magkomment parin at magvote kayo dun sa mga nakaraang Update. Aasahan ko yan ahh? Comment at Vote narin kayo dito sa Chapter 11' inspirasyon man lang para matype ko na yung Chapter 12. Agad Agad! Hehehehe..
Maraming Salamat! o^__^o
DENNIS POV
Pagkatapos nga naming maligo ay naglakad na kame pauwe. Ang binabaktas namin ngayong daan pauwe ay ang kanang bahagi ng sapa.
Papunta yun dun sa tuytuy, sa tuytuy kong saan meron isang napakagandang alala. Di ko mapigilan mapabuntong hininga. *SIGH*
Hindi ako nagkakamali! Siya talaga yung nakita ko kanina (0___<)
Kapwa kame naglalakad sa may gilid ng sapa, suot parin ang mga basang damit. Di kase kame nakapagbaon ng tuwalya.
Pero ayus lang ang pogi niyang pagmasdan sa basang suot habang dala-dala yung baldeng may lamang mga pinaglabhan. Habang ako naman ay bitbit yung palangana at kahoy na tabla, isama pa yung sabonera.
Pero kita mo parin ang pagkaseryoso ni krab. Tila ang lalim ng iniisip, ano bang problema nito?
Dahil parin ba ito kay Mr. White?! Letse naiinis ako sa taong yun' dahil sa kanya nagkaroon ng insekyuriti ang mahal ko.
Meron pala siyang kinakatakutang karibal sa lahat ng bagay, di mo yun mapapansin sa kanya.
Isang gwapo, habulin ng mga babae, tinitilian ng mga bakla, mayabang, bastos (Pero ngayon, maginoong bastos na ang Krab ko), ano pa nga bang sasabihin ko? Hmmmm basta lahat ng katangian ng isang perpektong mayabang at masungit na Mr. Right ay nasa kanya na.
Kaya naman di ko expect na may ganun pala siyang insecurity sa buhay. Ramdam ko yung pag-aalala niya.
'OA nga ehh ako maagaw nung White na yun sa kanya? Anu siya sira ehh di ko nga kilala yun at never kong gugustuhin na makilala pa yun! Dahil si Krab ay sapat at sobra na sa akin'
Sobrang tahimik namin habang naglalakad, kaya nga ang sarap pagmasdan ng kalikasan. Ang daming puno, ang daming lumilipad na ibon, mga kalabaw na nakapwesto sa blankong palayan tsaka yung mga taong nasa pilapil naglalakad.
Malayo man sila sa amin, tanaw parin ang mga kulay ng damit nilang naglalakad sa napakalwak na palayan.
Gumiginto ang paningin namin sa sobrang taas at lago ng mga palay #^_^#
'So Fresh!'
"Krab?" pagbasag ko sa katahimikan. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.
"Tahimik mo naman ata, kanina pa yan ahh. Tsk.. nagtatampo na tuloy ako" kunwari ay tumingin ako sa malayo.
"Di naman sa ganun Krib"
'Di sa ganun?'
"Di kita maintindihan.. Hmmm sa sobrang katahimikan nga natin baka maringig na natin ang mga ungol niyang mga kuhol sa palayan" kapwa kame napahinto sa paglalakad. "Krab kung tungkol pa ito kay White na yan, wag mo na siya---"
Nagulat naman ako nung hinila niya ako papalapit sa kanya. Kapwa nagdikit yung mga katawan naming nababalutan ng mga suot na damit.
*PLANNNNGGGG*
Tunog yan ng nahulog na palangana! Wag kang ano hahahaha (^___~)
Dahil nga sa gulat ko ay nahulog ko yung palangana. "Krab nakakagulat ka naman" tugon ko.
"Wag mo na kase banggitin pangalan niya" ramdam ko yung init ng hininga niya. "Kase bangitin mo lang ang pangalan na yun, nagseselos na agad ako. Pakiramdam ko magkakilala na kayo" sobrang lungkot ng boses niya.
