Note:Ang nasa larawan po ay si Derrick Monasterio gumaganap bilang Mikel Angelo "Milo".
"Dennis?!"
"Kuya Prince?!"
Halos magkasabay naming sambit. Pagkatapos ay muling nagngitian at tawanan na tila naiilang sa isat-isa. Parang naging lugar naming dalawa ang loob ng umaandar na pampasaherong dyip.
Muli siyang ngumiti at tinulungan na ako ng tuluyan, ako naman ay di parin makapaniwala na muli ko siyang nakita! Ang isa sa mga lalaking nagbigay ng masasayang ala-ala sa akin dito sa probinsya!
Luhhhh! Bigla kong naalala yung itinago kong bigay niya sa akin. Yung Brief niyang naarbor ko at yung santol na may ukit na puso. Arrrrfff nakaka-hiya paano kung maalala niya yung brief? pati yung mga nangyari sa amin nung nakaraan. Bawal dito! Andito kuya ko #*...*#
Pero di niya naman ata gagawin o magsasalita ng tungkol sa aming past sa santolan station hehehehehe.
Umusog siya at pinatabi niya ako sa kanyang kina-uupuan. "Uy musta, andito ka na pala?", nakangiti niyang tanong.
"Ahh okay lang kuya Prince, kaw po bakasyon rin kayo po?"
"Wag mo naman ako i-Po.. nakakatanda ehh"
"Ahh heehee sorry"
"Oo nung nakaraan pa akong lingo dito"
"Ako, kararating ko pa lang.."
"Sinong kasama mo?"
"Aaa yun po, kuya ko yun (Sabay turo ko kay Kuya Brenth), Tapos mga kaibigan ko yung iba, sinundo ako hehehe", Nahihiya ko namang sagot. Nakatabi parin ako sa katawan niyang napakalambot! Uhmmmm Yummmmy like a santol!
"Ahh heloo po..", Nagulat ako ng binati nito si kuya sabay saludo na parang cool na sundalo. Ngumiti naman din si Kuya brenth.
Bumalik naman ulit ang tingin niya sa akin. "Musta ka na?", bigla niyang tanong sa akin. "Aaaa ako po? Aaaa okay naman po. Kayo po?"
"Ayus lang naman din ako. Dennis may itatanong ako, nagcamp ba kayo sa may antipolo?"
CLINK! Biglang may bumalik sa aking isipan. Ommeeeeeeey Hindi kaya? "Oo kuya bakit?"
"Sabi ko na nga ba ehhh.. ikaw yung nakita ko nuon sa may paanan nung bundok?"
"Hala! wag mo sabihin kuya ikaw din yung parang tumawag sa akin mula dun sa umaandar na bus?"
"OO nga ako yun! sabe ko na nga ba ikaw yun ehhh!"—Biglang akbay nito sa akin at parang ang saya saya niya.
"Small World noh? Pero di man lang tayo nagkalapit ng husto sa camp na yun. Anu palang ginagawa mo dun kuya prince?"
"Nagvolunteer yung NSTP Class namin sa CWTS para mag assist sa isang napakalaking camping ng isang private school"
"Aaa ganun, sayang di tayo nagkita dun!"
"Oo nga ehhh konting araw lang kase kame dun ehh"
"Di talaga ako makapaniwala kuya prince na ikaw yun.. Iniisip ko nga rin na pamilyar talaga yun nakita ko ehh"