A/N: Para po sa mga interisadong malaman ang bago kong FB Account, just Search Bulba Dhenz
Note: Tanging FB Account lang po ang meron ako sa ngayon. WALA pa po akong FB GROUP at FB PAGE!
DENNIS POV
Kahit sobrang kirot nung pesteng sugat na namuo sa braso ko ay di ko maiwasang mapangiti.
#^___^#
Natotouch ako dun sa reaksyon niya, kitang kita yung pag-aalala sa mga mata niya. Ewan ko ba, di mapigilan ng puso kong matuwa.
At ang lalong nakakatuwa pa ay nung tanungin niya ako, kung okay lang daw ako! Yahhhhh!! Ibig sabihin naaalala na niya ako?
Bat ba ganito yung tuwa ko? Nahulog na nga kame sa tuytuy ganito pa yung saya ko? Tch! Ehh malay ko ito yung nararamdaman ko ehh!
Tapos nararamdaman ko yung braso niya na naging unan ng ulo ko. Hmmmmp Paano kaya yun nangyare?
Di kaya?..
Sinadya niya yung gawin para di ako masaktan?! Tchhhh nakakatuwa naman, he care's for me parin ^......^
.
.
.
.
.
.
.
Back to reality!
Parang nagulat siya dun sa tanong ko, muling nakakunot yung noo at salubong yung mga kilay niya.
Problema nito?
Siya na nga itong dahilan bat kame nahulog dito, tapos parang siya parin yung inis. Dali sagutin mo na ako! Naalala mo na ba ako?
Agad niyang inis na inalis yung braso niya sa uluhan ko at tumayo, sabay inis na nagpagpag na suot niya.
"Naringig ko lang kanina pangalan mo, hindi kita kilala" halatang inis na sagot niya.
"Totoo ba yan o galit ka lang talaga sa akin!"
Come on Daryle alam kong may tinatago ka! Yung pag-aalala mo, natural yun! Isang pag-aalala ng tao sa isang taong mahalaga sa buhay niya at di basta kakilala! Hmmmmmp..
Pero paano nga kung totoo?
Kwinento kase sa akin ng mabilisan ni Kuya Ram yung aksidenteng naharap niya. Nung umalis pala siya dito nung nakaraang taon ay nangyare yun. Anim na buwan rin daw na walang malay si Daryle.
At nang magising ay di na niya kilala ang nanay niya at pati ako di na rin niya naalala. Wowww ahhh kadalasan sa mga palabas lang nangyayare ang ganito.
At ang kadalasang nabubura sa memorya ng taong may Partial Amnesia ay ang mga taong mahalaga sa kaniya bago mangyare ang insidente!
Hmmmmm for sure mahalaga talaga ang nanay niya sa kanya. Pero ako? Bakit ako di rin niya maalala? Ibig sabihin ba nun ay!
"Assumero.."
Parang napahiya naman ako sa sinabi niyang iyon.
"Pwede ba tumahimik ka na! Nakaka-irita na ehh' kung isa ka mang kakilala na di ko maalala dahil meron akong pesteng amnesia na ito wala ka ng paki-alam! Hihilingin ko nalang din na wag ng bumalik ang ala-ala ko, kaysa naman makilala pa kita. Tiyak naman ako isa ka sa mga walang kwenta sa buhay ko" sabay ngisi niya at muling tumalikod. "Bakla.. Manloloko"