A/N: Si Brenth (Dar Bernardo) ang nasa Multi Media Image.
GANNY'S POV
"HmmmmmMuahhh"
Hinalikan ko siya sa labi.
Siniguro ko ring hindi siya magigising sa halik kong yun. Ayokong makita siyang malungkot, ayokong makitang lumuluha ang mga mata niya at ayokong madurug ang puso niya pag nalaman niyang aalis na ako.
Hindi ko masagot ang ma tanong niya kagabi, ayokong masaktan siya. Alam kong hindi niya matatanggap yun.
Tsss.. hindi ko talaga alam kung anong gagawin, kung gigisingin ko pa ba siya o hayaan nalang maidlip. Baka pagdramahan nanaman ako nitong si Loko ee..
Alam kong magagalit ka sa una pero alam kong matatanggap mo rin itong ginawa ko. Mahal mo ako diba? Basta tiwala lang krib. HINDI MAWAWALA SI KRAB SAYO. Pangako yan..
Bago pa man mag als siyete ay nakapag-ayos na ako, handa na ang lahat. Kinuha ko yung bracelet kong si Krib.
Hinawakan ko yun at muling lumapit sa kanya, kinuha ko ang kamay niya at ipinahawak ko rin sa kanya. Kapwa namin hawak yung bracelet kong si Krib.
"Hangga't hawak ko to, hangga't suot ko ito sa aking mga mga kamay. Hinding hindi kakalas ang pagmamahal ko sayo, hinding hindi bibitaw ang sipit ko diyan sa puso mo. Tandaan mo yan Prinsesa ko"
Eto nanaman..
Muling nangilid ang luha sa aking mga mata. Napakagat labi akong pinigilan yun tumayo na ako at sinuot yung bracelet sa aking kanang kamay.
Kinuha ko naman sa taas ng kabinet ang pirasong papel na may sulat. Sulat na iniwan ko sa kanya.
Tch! Gagawa sana ako ng bidyo ee etong Prinsesa ko pinalitan nga pala yung password ng cellphone. Kaya Epic Failed.
Kaya ayan sa balot ng Philip na Sigarilyong napulot ko sa labas nalang ako nag iwan ng mensahe. Alam kong mauunawaan niya ako.
Napabuntong hinga ako ng mapagtanto kong medyo natatagalan na ako dito sa loob. Nakakatawang, hindi parin siya nagigising. Sobrang napagod ba kita kagabi Krib ko? Nakadalawa ba naman ako (!____^)
Siguro mas okay na rin yan para di mo makita ang pag-alis ko.
Ayokong maging malungkot sa pag-alis kong ito, katawan ko lang naman kase ang lalayo sa Krib ko. Hindi ang puso't isip ko.
"Paano ba yan Krib ko kaylangan ng umalis ni Krab, baka malate sa bayeh ee.. tsaka baka magising ka at pigilan mo ako" bulong ko sa aking isipan.
Natatakot kase akong pag ginawa mo yun. Biglang magbago ang lahat, baka sa isang iglap...
Mas gustuhin kong manatili nalang sa tabi mo.
Napangiti ako at napatingin sa kung saan. Sige.. Woahhhh kaylangan ko bang gawin ito?
Pag magising ka diyan at puntahan mo ako sa labas at iyong pigilan. Sisiguraduhin kong hindi na ako aalis. Pero pag hindi ka naman bumangon Krib ko o hindi mo ako pigilan.
Isa lang ibig sabihin nun..
Nagtitiwala ka sa akin..
Nauunawaan mo ako..
At higit sa lahat
MAHAL MO AKO AT HINDING HINDI MAGBABAGO YANG NARARAMDAMAN MO. AT HIHINTAYIN MO AKO KRIB KAHIT ANO MANG MANGYARE SA ATING MUNDO.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya, umibabaw ako ng bahagya sa katre at inilapit ko ang aking mukha ulit sa mga labi niya. Hahalikan ko siya ulit..