GANNY'S POV
"Krab ko diba hindi naman tayo hiwalay? Diba nagbibiro ka lang naman kanina? Kase ako biro ko lang yun ehhh. Mahal na mahal kita Krab ko.. diba hindi mo naman kase ako iiwan?"
"Krab? Diba gagala tayo bukas? Hmmmmm sasamahan kita bukas sa palayan. Manghuhuli tayo ng mga tutubi."
"Hehehehehe uso yun dito Krab, kukuha ka ng tingting tapos lalagyan mo ng dagta ng langka yung dulo. Tapos.. Susungkitin natin yung mga tutubi para dumikit sa dagta. Diba masaya yun Krab ko?"
"Krab ko, pagkatapos naman natin manghuli ng tutubi. Pwede naman tayo mamasyal sa peryahan. Maganda dun Krab ko.. Sila Kuya Brenth, andun sila ngayon. Sayang sana kasama tayo"
"Krab ko?"
"Krab ko? Hmmmm gusto mo bang sumakay sa Kalabaw? Ako kase gusto ko ehhh sakay tayo dun sa kalabaw ni Lolo. Masaya yun.. Carabao Back Riding Hehehehehe"
"Tapos Krab pag pyesta na.. *HIK* Sabay tayong mamemyesta. Tapos pag sayawan na. Hindi kita bibitawan. Manunuod lang tayo.."
Parang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa aking pananahimik! Hindi ko alam ang gagawin. Patuloy ko lang na pinapakinggan ang mga sinasabi niya..
Ang sakit! Bakit pa ba kaylangan mangyare sa amin ang lahat ng ito?! Yung kalungkutan na aking nararamdaman ay dahan dahan nagbabadyang umakyat sa aking puso, patungo sa aking mga mata.
"Sige Krab ko, baka nakaka-abala na ako.. *HIK* Di na muna kita iistorbohin"
Sabay kalas niya sa pagkakyap sa akin at sa pagkaka-unan sa aking mga braso.
Shit!
Nang maka-alis na siya ay, biglang namulat ang aking mga mata. Kitang kita ko yung pag-gilid niya ng husto sa may Pader.
Kitang kita ko yung lungkot ni Krib.
Hindi ko na nga napigilan pa ang emosyong napuno sa aking mga mata. Umagos ng mabilis ang luhang inipon simula ng yakapain nya ako.
Napatingala ako sa may bubung nila at naisip ang ginawa niya. Gusto kong gumanti sa yakap niya!
Gusto kong hindi lang niya sa pisnge ako halikan! Gusto ko sa labi ko!
Gusto ko siyang ipitin sa kilikili ko at kilitiin gamit ang mga mumunting buhok na dito'y tumutubo. Pinigilan ko yung ngiti sa aking mga labi.
Pinigilan ko ang lahat ng kasiyahang nadarama sa bawat paglalamping na ginagawa niya at panunuyong salita na kanyang inihahayag ng buong Puso sa akin.
AYOKONG IPAKITA NA MASAYA AKO! NA NATUTUWA AKO SA GINAGAWA NIYA! NA NAPAPAWI NG MGA AKSYON AT SALITANG YUN ANG TAMPO'T MUNTING GALIT SA AKING PUSO.
..(+_____+)...
Ayokong ilabas ang mga ngiti sa aking puso, gusto kong ipakita rin sa kanya na hindi lang siya ang nasasaktan. Na pati ako ay buong pusong naapektuhan at nag-aalala sa kanya.
Yung pakikipaghiwalay niya sa akin, Biro lang daw?
Hindi ko siya maintindihan. May saya sa puso kong malaman na hindi niya talaga gustong makipaghiwalay sa akin. Pero yung sabihin niyang Biro? Parang nalilito ata ako.
Harap Harapan niya akong sinasaktan sa pakikipagtext at pakikipagtawagan niya, Tapos sasabihin niya. Biro lang?
Oo masayang malaman na Biro lang ang pakikipaghiwalay niya. Pero ang masakit, ay ang katotohanang sinaktan niya parin ako.