*pop
*pop
*pop
*pop
*popPong Pong: Uy
(Seen 9:15am)Pong Pong: Puro seen ka nalang ba?
(Seen 9:16am)Pong Pong: Ano ba prob mo?
(Seen 9:18am)Pong Pong: Josh!
Josh!
Aya!
(Seen 9:20am)Aya Alvarez: Ano na naman ba Pong? Ang kulit mo...
Pong Pong: Kung hindi pa Aya, hindi pa magrereply. May sasabihin ako sayo...
Aya Alvarez: Good news o bad news?
Pong Pong: Good news syempre!
Aya Alvarez: Ano ba 'yun? Sabihin mo na kaya?
Pong Pong: Kami na!
(Seen 9:30am)Nanlamig si Aya, hindi niya inakala ang ibabalita sa kanya ni Polo. Ito ang ayaw niyang mangyari kaya kung bakit pilit niyang tinalikuran ang mahulog sa kanya. Sampung taon niyang nilabanan yung nararamdaman niya, sampung taon niyang pinilit na maging kaibigan lang. Pero dumating yung araw na kinatatakutan niya. Iyon ay ang mahulog ang loob kay Polo pero nangyari na.
'Sabi ko na, sabi ko na talaga. Mali na inisip ko ulit e. Mali na nagpadala ako ulit. Hindi na ako natuto. Aya, hindi ka na natuto. Ang tanga tanga mo naman! Alam mong hindi ka magugustuhan ni Pong. Bakit hinayaan mo? Nasaktan ka tuloy ngayon.'
Aya Alvarez: Teka nga? Sinong kayo? Bakit may nililigawan ka ba?
Pong Pong: Naalala mo ba si Shanelle? Yung sa CBET? Niligawan ko 'yun. Hindi ko na lang nasabi sa'yo. Kami na, sinagot na niya ko kanina!
Aya Alvarez: Edi Congrats!
Pong Pong: Labas ka dali! Libre kita, totoo na 'to!
Aya Alvarez: Hindi na Pong. Nagluto si Tita Miring ng almusal ko. Bi-video call ko pa si Mama.
Pong Pong: Sige, mamaya nalang meryenda ha! Kain tayo ng isaw doon sa bagong nakita kong ihawan.
(Seen 9:45am)Nakatitig si Aya sa cellphone habang paulit-ulit na binabasa ang chat ni Polo tungkol kay Shanelle. Hindi siya makapaniwalang may girlfriend na si Polo. Aminadong may kurot sa puso niya ng mabasa ang chat niya na 'yon.
"Ayang! Tanghali na anak, kain ka na! Mamimili lang ako sa palengke ng ulam natin para mamaya."
"Sige po Tita, bababa na po ako."
------
February 25, 2019"Anong naramdaman mo po nung panahon na 'yon?"
"Ha? Ah-- eh-- may konting sakit, konting kurot sa puso. Normal ata maramdaman sa Crush 'yon", sabay pagtawa na tila may luha sa kanyang mga mata.
"Crush lang po ba? Hindi po ba mahal?"
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Josh ng marinig ang tanong ni Mikayla sa kanya. Alam niya sa sarili niyang pagmamahal na 'yon pero pilit niyang nilalabanan. Ayaw niyang masaktan...
------'Ayokong masaktan. Ayoko ng ganito. Alam ko kasing mali, itinuloy ko pa rin.'
Hindi namalayan ni Aya na alas-12 na pala. Kung hindi niya narinig ang tinig ng kanyang Tita Miring, hindi pa ito babangon.
"Ayang, may sakit ka ba? Parang namumutla ka at yung mga mata mo namamaga? Umiyak ka ba?"
"Masama lang po pakiramdam ko Tita..."
"Halika nga at uminom ka ng gamot pagkatapos mo kumain"
"Wala po akong gana..."
"Ganon ba? Nakasalubong ko pala si Pong sa kanto kanina, ibinilin sa akin na susunduin ka daw niya mamayang alas-4 at may pupuntahan daw kayo, pero mukhang hindi ka naman tutuloy."
"Mamaya nalang po ako kakain Tita, wala po talaga akong gana..."
Umakyat si Aya sa kanyang kwarto para magpahinga. Batid niyang ramdam ni Tita Miring ang nararamdaman niya. Hindi niya mapigilang pumatak ang luha habang nakatakip ng unan ang kanyang mukha. Tila sariwa pa sa alaala niya ang mga katagang nabanggit ni Polo sa kanya dahilan kung bakit tila nahulog siya rito.
*pop
Pong Pong: Tuloy tayo mamaya ha? Hintayin kita sa labas niyo.
(Seen 12:15pm)Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Last Love Story
General FictionMikayla is a college student of an university who is in search for a volunteer to perform an interview with her for her thesis. She crossed her path with Josh, a lady she just met and invited through social media. The interview open the door for Jos...