CHAPTER 7: Marriage Booth

3 2 0
                                    

February 25, 2019
"Ate roll camera na po tayo ulit ha."

"Ah sige.."

"Para po sa iyo, ano ang true love?"
---------

February 12, 2011

"Aya, sa February 14 alis tayo..manood tayo ng sine o kaya kain tayo sa labas.."

"Hmm..sige, pero tatapusin ko muna lahat ng kailangan ko i-submit sa school."

"Susunduin kita sa inyo, magbihis ka ng maganda ha."

'Kamusta na kaya si Pong? Masyado ng matagal simula nung huli kaming nagkita at nag-usap. Kahit sa room magkalayo na kami ng upuan, hindi na rin kami sabay umuuwi. May lakad kaya siya sa 14? Malamang may date sila ni Shanelle'

"May iniisip ka Aya?"

"Ahh--wala Tope hehehe, iniisip ko lang kung anong susuotin ko sa 14.."

Hinawakan ni Tope ang kamay ni Aya at naglakad pauwi. Masaya si Tope, sa wakas at naging sila ng babaeng matagal na niyang pinapangarap. Alam niya sa sariling kaibigan lang ang turing ni Aya sa kanya pero mahal niya ito kaya handa siyang maghintay at magtiis. Handa siyang magmahal kahit walang kapalit.

"Andito na tayo. Pasok ka na sa inyo", sabay hawi sa buhok ni Aya at hinalikan ito sa pisngi.

Mula sa malayo ay tanaw ni Polo ang paghalik ni Tope sa pisngi ni Aya. May naramdaman itong selos at inis, alam niyang maraming kalokohan si Tope kaya ganon na lang ang pagprotekta niya kay Aya para hindi ito maligawan ni Tope.

"Sige Tope uwi ka na, maggagabi na din. Ingat ka ha."

"Oo para sa'yo. Mahal kita."

"Sige..ingat.."

Ramdam ni Aya na mali ang gawing rebound si Tope para sa nararamdaman niya kay Polo. May gusto siyang patunayan. May gusto siyang malaman. Mula ng umiwas siya kay Polo ay madaming nagbago sa kanya.

Dumating ang February 14, may pakulo ang eskwelahan para sa lahat. Kulay pula para sa may kasintahan. Kulay pink para sa mga single, kulay violet para sa mga naghahanap ng partner at kulay itim para sa mga sawi sa pag-ibig.

February 14, 2011

"Uy in love na in love Pong ha! Namumula kayong dalawa ni Shanelle! Hahaha!"

"Tarantado! Teka, bakit hindi mo kasama si Aya?"

"Papunta pa lang daw siya. Pinaghandaan ngayong araw."

"Double date tayo? Ano Bhie? Magandang idea 'yon", sabay ngiti ni Shanelle habang nakahawak sa braso ni Polo.

"Ang tanong kung gusto ba ni Tope, ano pre?"

"Ang korni non. Hahaha."

Nakakulay pula noon si Tope habang umaasang nakakulay pula din si Aya. Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Aya papunta sa promenade para makipagkita kay Tope. Suot nito ang kulay itim na bestidang bigay sa kanya ng kanyang Mama.

"Tope!!"

Nagulat si Tope ng makita ang suot ni Aya, nagtataka ito kung bakit nakaitim si Aya samantalang sila na.

"Bakit ka nakaitim?", nagtatakang tanong ni Tope.

"Ha? Hindi ko kasi alam na may color coding. Sorry..sabi mo kasi magbihis ako ng maganda.."

"Hoy Josh, ano ka brokenhearted?", sabay hampas nito sa braso ni Aya.

"Aray! Ano ka ba sabing hindi ko nga alam yang coding coding na 'yan! Uy, hi Shanelle."

"Hi Aya, kamusta ka na? Kayo na pala ni Tope? Congrats ha!"

"Salamat.."

Masakit sa paningin ni Aya ang ka-sweetan ni Polo at Shanelle. Parang gusto niyang tanggalin ang mata niya para hindi na makita ang dalawa.

"Aya, bibili lang muna ako ng merienda bago tayo umalis."

"Sige Tope..hintayin kita dito.."

"Tope, sabay ako! Bibili din ako ng merienda namin ni Polo."

"Tara."

Rinig ang hiyawaan ng mga estudyante sa campus, tuwang tuwa sa Valentine's Fair para sa lahat. Mula sa kinatatayuan nila ang marriage booth, cell booth at maraming iba pang pakulo...

"Mga kapwa ko estudyante, humanap ng dalawang magkasintahang gagawing bride at groom!", sigaw ng naka-mikropono sa marriage booth.

May lumapit kay Aya at nilagyan ito ng posas, kasama si Polo. Nilagyan ito ng belo na parang ikakasal. Si Polo naman ay nilagyan ng bulaklak sa bulsa ng kanyang damit. Inabot kay Aya ang bouquet ng rosas. At hinatak sila papuntang marriage booth.

"Uy, hindi kami magbf!"

"Anong pangalan?", tanong ng nakabihis pari.

"Pong."

"Ikaw Miss?"

"Nagkakamali po kayo hindi ako yung gf niya.."

"Josh, makisakay ka na lang. Wag kang kj. Josh, josh pangalan niya."

"Pong ano ka ba. Parang gago!"

"Pong, tinatanggap mo ba si Josh bilang iyong kabiyak sa hirap at ginhawa?", tanong muli ng nakabihis pari.

"Opo, father."

"Josh, tinatanggap mo ba si Pong at handang pagsilbihan, hindi iiwan sa hirap at ginahawa?"

"Ha? Ah-- eh-- opo father.."

Sabay ang malakas na hiyawan ng mga nanonood na estudyante sa kanilang dalawa.

"Magkikiss na 'yan!"

"Kiss mo na!!"

"Father kiss the bride na!"

Kantyawan ng mga boses sa paligid nila. Hindi alam ni Aya ang gagawin. Gusto na lang niyang umalis sa lugar na iyon. Gusto niyang tumakbo palayo. Ayaw niyang may masaktan, ayaw niyang masaktan.

"Groom, you may now kiss the bride", wika ng nakabihis pari.

Hinawakan ni Polo ang belo na nakatakip sa mukha ni Aya, inalis niya ito at dahan dahang inilapit ang mukha niya, isang eksena na parang sa pelikula. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Aya. Parang may mali sa nangyayari.

"Pong wag mo ituloy."

Pero dumampi ang labi ni Polo sa labi ni Aya ng akma itong iiwas. Nagulat ang lahat, nagulat si Shanelle at Tope. Mula sa kinatatayuan nila, napanood nila ang aksidenteng nangyari. Naghiyawan ang lahat at tila kinilig at natuwa. Itinulak ni Aya si Polo at pinunasan ang labi sabay tinanggal ang belo sa kanyang ulo. Tumakbo ito palayo habang nakatingin lamang si Polo. Lumapit si Shanelle kay Polo na may halong lungkot at dismaya.

"Tara na, alis na tayo dito.."

"Bhie, yung kanina, aksidente lang yon. Sa pisngi dapat yon."

"Ang alin?", kunwaring hindi alam ni Shanelle ang nangyari.

Hinabol ni Tope si Aya papunta sa Gym. Lugar na silang dalawa lang ang magkasama. Nakita nitong umiiyak si Aya kaya nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit.

"Wag ka ng umiyak, mahal kita."

"Tope..So-sorry.."

---------

February 25, 2019

"Ang tunay na pagmamahal, walang hinihinging kapalit."

'Kung paano ko mahalin si Pong ng walang kapalit, ganon din ang pagmamahal na binigay ni Tope sa akin. Walang kapalit.'

Itutuloy...

The Last Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon