CHAPTER 9: The Proposal

5 0 0
                                    

Lumipas ang isang taon mula nung Graduation.

Huling pagkikita ni Aya at Polo ang araw na 'yon. Nangupahan si Polo sa isang apartment sa Taguig. Nakakuha ito ng trabaho sa BGC kaya pinili niyang humanap ng apartment malapit doon samantalang si Aya ay nanatili sa Mandaluyong. Kasalukuyang nagtatrabaho si Aya sa isang Call Center sa Greenfield.

Nanatiling sila ni Tope, nanatili si Pong at Shanelle. Marahil ay nahanap na nila pagmamahal na para sa kanila.

May 15, 2012

"Ring! Ring!"

"Hello, Tope napatawag ka?"

"Aya, tingin ka sa labas.."

Dumungaw si Aya sa labas ng building. Nakita niya ang isang lalaking may hawak na bouquet ng puting roses. Parang nangyari na ang lahat. Bouquet din ng puting roses ang dala ni Tope ng mga college pa sila. Nang makita ito ni Aya, dali dali itong lumabas.

"Tope? Bakit may dala kang roses? Ikaw nagaabala ka pa!"

"Gusto ko lang iparamdam sayo na araw araw mahal kita."

Lahat ng tao sa paligid nila ay kinikilig, natutuwa at naiinggit.

"Uy sana lahat!"

"Mapapasanaol ka na lang talaga!"

"Kuya, kami din pahingi ng roses!!"

Nahihiya si Aya pero hindi niya maitago ang pagka-proud. Yumakap ito kay Tope.

"Tara?"

"Saan tayo pupunta?"

"Basta magtiwala ka lang."

Sumakay si Tope at Aya sa kotse. Walang ideya si Aya kung saan sila pupunta ni Tope. Nakakaramdam lang siya ng kaba at excitement.

"Tope, wag mo kong bibiglain ha."

"Hindi, promise. Matutuwa ka."

Pamilyar ang lugar kung saan sila pupunta. Isang mamahaling restaurant. Mula sa malayo, kita ni Aya na walang ibang tao sa restaurant maliban sa mga staff nito. Nagtataka siya kung bakit sila lang ang papasok dito.

"Tope ano 'to? Tayo lang nandito?"

"Oo. Nirentahan ko 'to para sa ating dalawa."

Pagpasok nilang dalawa ay siya namang pagtugtog ng isang kanta. Agad na nagpabilis ito sa tibok ng puso ni Aya. Parang isang eksena sa mga pelikula na napapanood niya ang nangyayari ngayon sa kanya.

"Nagustuhan mo ba Aya?"

"Grabe ka Tope, sabi ko wag mo kong bibiglain e."

"Para sayo talaga 'to Aya."

"Salamat Tope...I love you."

"Mas mahal na mahal kita."

Si Tope yung klase ng tao na alam mong maraming kalokohan. Marami na siyang pinaiyak na babae. Marami na siyang niloko at sinaktan. Pero isang babae lang ang nagpatino sa malikot na puso ni Tope at iyon ay si Aya. Nung mga kolehiyo pa lamang sila ay gusto na niya ito ng unang beses niya itong makita. Kaya walang ibang choice si Pong kundi protektahan si Aya dito. Pero nabigo si Pong dahil sa hindi sinasadyang pangyayari, naging si Tope at Aya.

"Gusto kong sariwain lahat Aya, mula nung paano kita unang nakilala. Paano mo pinabagal ang ikot ng mundo ko. Kung paano mo kinuryente yung puso ko. Aya, ayaw na kitang pakawalan. Ayokong mapunta ka pa sa iba.."

Lumuhod si Tope sa harap ni Aya. Nilabas jito ang singsing sa bulsa niya at binuksan. Aminadong blangko si Aya sa nangyayari. Parang gusto niyang tumakbo palabas. Sinabayan pa ang nangyayari ng malakas ng tugtog.

~Forget the world now, we won't let them see
But there's one thing left to do
Now that the weight has lifted
Love has surely shifted my way
Marry me
Today and every day
Marry me
If I ever get the nerve to say hello in this cafe
Say you will
Say you will~

'Tope, wag. Hindi ko pa kaya. Pero ayokong saktan ka. Paano ba gagawin ko?'

"Teka Tope.."

"Will you marry me Joshiah Alvarez?"

"Tope?"
--------

February 25, 2019

"Hala! Nagpropose po siya?"

"Oo, Nagpropose siya sakin. Nung panahon na 'yon. Ayoko siyang saktan. Sa pangalawang pagkakataon, nagsinungaling ako sa kanya..."

--------

May 15, 2012

"To--tope, ah.. tumayo ka na diyan..oo.. I do.."

Tumayo agad si Tope at niyakap ng mahigpit si Aya. Ang lahat ng staff sa restaurant ay nagpapalakpakan. Sa pangalawang pagkakataon, pinabagal muli ni Aya ang ikot ng mundo ni Tope.

"Salamat Aya, mahal na mahal kita.."

~Marry me
If I ever get the nerve to say hello in this cafe
Say you will
Say you will
Marry me~

Itutuloy...

The Last Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon