CHAPTER 5: Sembreak

9 2 0
                                    

Oras. Araw. Linggo. Buwan ang lumipas, hindi namalayan ni Polo ang pag-iwas. Naging busy siya kay Shanelle, hindi niya napapansing umiwas na pala sa kanya si Aya. Samantalang si Aya, iginugol ang sarili sa pag-aaral. Wala ng isang taon at malapit na silang grumaduate, kailangan niyang pag-igihan para makakuha pa ng mataas na marka. Hindi niya namalayang sembreak na pala sa isang linggo.

October 27, 2010

'Sembreak na pala bukas, parang kailan lang nung aminin ni Pong na sila na ni Shanelle. Tatlong buwan na rin pala mula nung maging sila, 4 na buwan na mula nung naramdaman ko 'to. Isang malaking pagkakamali'

~Naalala kita 'pag umuulan (sembreak)
Naaalala kita 'pag giniginaw (sembreak)
Naaalala kita 'pag kakain na (sembreak)
Naaalala kita, ilang bukas pa ba
Bago tayo ay magkita?
Ako'y naiinip na, bawat oras, binibilang
Sabik na masilayan ka, ha...~

"Beep! Beep!"

"Hello Tope? Bakit?"

"Wala lang. Mangangamusta sana. Haha, ano gawa mo?"

"Ito tamang soundtrip lang, ang bagal ng araw 'no?"

"Huy ayos ka lang? Kakaumpisa pa lang ng sembreak gusto mo na pumasok ulit? Wag muna enjoyin muna natin. Nga pala, si Pong kamusta?"

"Si Pong? Wala akong balita. Nakita mo naman kahit sa campus hindi na kami nagkakausap. In love masyado tropa mo."

"Ganon ba? Kawawa ka naman wala bespren mo."

"Wag kang ano diyan, wala naman akong pake don!"

"Talaga ba?"

'Talaga ba? Aya talaga ba? Wala kang pake kay Pong? Wag kang sinungaling. Si Tope, andiyan palagi kapag kailangan mo. Ganon din naman si Pong e, hindi na nga lang nung tatlong buwang lumipas'

"Sige na Tope, maya na lang. May gagawin pa ako. Ingat ka."

"Gusto kita", sabay baba ng linya.
--------

"Ano pong naisip mo nung umamin si Tope sa'yo?"

"Hindi ko alam e, nakaramdam ako ng kuryente, para akong kinuryente. Noon ko lang kasi naranasan na may magkagusto sa akin e. Parang masaya...."
--------
'Tope? Gusto ako ni Tope? Seryoso ba siya don? Bakit nakaramdam ako ng kuryente sa puso ko? Aya, umayos ka please. Sabagay walang masama kung susubukan. Matagal mo ng kilala si Tope 'di ba?'

Sa pag-amin ni Tope, nakaramdam ng gulo si Aya sa nararamdaman niya. Tila nakuryente ang puso niya at hindi niya maialis ang ngiti sa kanyang mukha. Excitement, 'yan ang pakiramdam niya sapagkat ito ang unang pagkakataong may nagtapat sa kanya. Kaibigan niya si Tope noon pa kahit na una nitong nakilala si Pong. Si Pong ang tulay kung bakit sila nagkakilala.

November 4, 2010

Lumipas ang isang linggong sembreak, madalas magkausap sa videocall si Aya at Tope. Mas napalagay ang loob ni Aya kay Tope hindi tulad ng dati. Naramdaman niya ang pagpapahalaga, pag-aalaga at pagmamahal. Walang minuto, oras at araw silang hindi nag-uusap sa chat at sa videocall. Hanggang napagtanto ni Aya...

[Chat]

Aya Alvarez: Tope!

Dione Christopher Cruz: Bkit Aya?

Aya Alvarez: Tope...

Dione Christopher Cruz: Aya may prob ka?
Sabihin mo lang makikinig ako.
Tungkol ba kay Pong 'yan? Balita ko di kayo nagpapansinan.

Aya Alvarez: Mahabang istorya, pwede ba magkita tayo mamaya? Kung okay lang...sa hulo doon sa may park.

Dione Christopher Cruz: Sige mga 3pm g?

Aya Alvarez: Oo hintayin kita doon Tope...

Alas-3 ng hapon dumating si Aya. Naabutan niya si Tope habang tinatanaw ang Ilog Pasig. Hindi maikaila ni Aya ang tindig at gandang lalaki ni Tope. Mukhang tarantado lang si Tope pero taliwas ito sa totoong ugali at pagkatao niya. Dahan dahang lumapit si Aya at tinapik ang likod nito.

"Tope."

"Aya, bakit ka nakipagkita? May problema ka?"

"Wala...gusto ko lang sabihin-"

Isang pamilyar na boses ang narinig nila mula sa malayo...

"Tope! Josh!"

Tumatakbong lumapit si Polo kay Tope at Aya. May halong pagtataka kung ano ang ginagawa ng dalawa at bakit sila magkasama.

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi kayo nagsasabi may lakad pala kayo ha!"

"Si Aya nakipagkita, may problema ata."

"Ano yun Josh? Ano problema ng Josh ko? Tagal natin hindi nagkita masyado 'no? Buti umuwi si Shanelle sa province kaso lagi tumatawag kaya hindi ako makalabas. Ang bebe eh."

"Kami na Pong, kami na ni Tope", sabay hablot ni Aya sa kamay ni Tope. Tila nagpapahiwatig ng pagsang-ayon ni Tope.

"Seryoso?", tanong ni Polo.

"Oo kami na...", ani Tope.

Nabalot ng katahimikan ang maingay na park. Parang silang tatlo lamang ang naroon sa diwa ni Polo. Hindi maipinta ang mukha nito at gulat na gulat sa narinig.

'Kailan pa? Ganon na ba katagal simula nung maging kami ni Shanelle? Hindi ko alam na nakalusot na 'tong kupal na 'to? Bakit hindi nagsabi sa akin si Aya? Ano ba ko sa kanya?"
--------
February 25, 2019

"Nagawa mo pong magtapat kay Pong tungkol sa inyo ni Tope pero bakit hindi ka nakapagtapat ng nararamdaman mo po kay Pong?"

"Hindi ko alam e, basta ang alam ko gusto ko na din si Tope. Hindi nga lang kasing lalim ng kay Pong. Pero naguguluhan ako nung panahon na 'yon."

--------

"Ganon ba? Congrats sa inyong dalawa nice nice!"

Hindi maitago ni Polo ang pagkabahala, gusto niyang kausapin si Tope tungkol dito. Alam niyang may mali pero hindi na niya ito inintindi dahil sino nga ba siya para pagbawalan si Aya na umibig ng iba.

Natapos ang Sembreak na maraming nangyari. Naging magbf/gf si Aya at Tope, higit sa lahat, maraming napagtanto si Polo tungkol kay Aya.

Itutuloy...

The Last Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon