Chapter 13: Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana

4 0 0
                                    

2015

'Dalawang taon kaming nagsama ni Pong. Dalawang taong hindi ko sinayang. Dalawang taong araw araw pinapasaya ko siya. Alam kong hindi tama na nagsakripisyo ako ng sariling kasiyahan ko mapasaya lang siya. Mahal ko siya, mahal niya ako pero may mas mahal siyang iba. Dalawang taong walang "label".'

"Oo, inaayos ko na mga papeles ko. Nakaready na ako para next month. Si Josh? Ako ng bahala, maiintindihan naman niya yun. Gagawin ko 'to kasi kailangan, ito yung tama. Alam ko, masasaktan siya pero andito na e. Ito na yung pagkakataon", mga salitang binitiwan ni Polo habang may kausap sa cellphone.

Narinig ni Josh lahat ng sinabi ni Polo, pero bakit wala siyang nababanggit sa pag-alis nito. Kailan pa? Bakit wala siyang alam. Nanginginig na pumasok si Josh sa apartment ni Polo, ang tanging naramdaman na lamang nito ay ang sama ng loob. Masakit, dahil akala niya ito na ang pagkakataon para sa kanilang dalawa, yung panaginip na ayaw niyang matapos ay magwawakas na.

"S-sinong kausap mo?"

"Ha? Si Tita 'yon."

"Aalis ka?"

"Sorry, narinig mo pala. Josh, kailangan kong gawin 'to para sakin."

"Paano ako? Paano yung atin?"

"Sorry Josh, pero-"

"Pero ano? Kasi walang tayo? Oo nga pala, ang tanga ko talaga. Sino ba ko? Kaibigan nga lang pala ako! Kaibigan mo lang!", mga salitang nasambit ni Josh habang umiiyak.

"Josh, hindi sa ganon...hayaan mo kong gawin 'to, ito yung makakabuti. Ito yung tama. Babalik naman ako eh, babalikan kita."

"Tapos ano? Maiiwan ako dito mag-isa?! Bakit lagi na lang Pong? Lagi nalang?!"

Napaluhod si Josh.

Nanghihina ang buong katawan nito pero nag ipon siya ng lakas ng loob para kunin lahat ng gamit niya. Lahat ng bakas na maaaring iwan ay kinuha niya. Hindi siya pinigilan ni Polo dahil alam nito na 'yon ang tama. Ang tapusin na ang lahat sa kanila ni Josh.

"Huli na 'to. Hindi na ko babalik pa sa'yo Pong."

"Kung yan ang gusto mo."

-----

February 25, 2019

"Mula noon Ate, wala ka ng balita?"

"Oo, mula noon wala na kong narinig tungkol kay Pong. Hindi ko rin alam na umalis na siya."

"Anong nangyari sa'yo Ate nung mga panahon na 'yon? Paano ka non?"

"Nagsisi ako, nagsisi akong iniwan ko si Tope. Nagsisi akong nilaan ko yung panahon ko sa taong hanggang kaibigan lang ako. Araw-araw, pakiramdam ko unti-unti akong namamatay. Gabi-gabi, pakiramdam ko nasa hukay ako, nawalan na nga ako ng ganang mabuhay. Apat na taon, apat na taon kong pinarusahan yung sarili ko. Apat na taon kong kinulong yung sarili ko sa apat na sulok ng condo ko."

"Sorry... Sana mahanap mo na yung kapatawaran diyan sa puso mo para makalaya ka na sa nakaraan. Sana nakatulong ako Ate. At least ngayon, nailabas mo na yang kirot sa puso mo."

"Sana nga mapatawad ko na yung sarili ko."

Nagpaalam na si Mikayla para umuwi, napili naman ni Josh na umikot muna kung saan-saan. Aminado itong kahit paano ay nabawasan ang nararamdaman niyang tinik sa dibdib. Parang nakawala ito sa pagkakakadena sa nangyaring interview at naghihintay na lamang ng ganap na paglaya.

Sa pag-iikot nito, hindi sinasadyang nabangga niya ang isang lalaki.

"Ayy, sorry Miss!"

"Sorry!"

Pamilyar ang boses ng lalaki. Pero imposibleng ito si Tope, malayong malayo ang itsura ng lalaki kay Tope pero nakaramdam si Josh ng kabog sa dibdib.

"A-aya?"

"Tope?!"

"Nagkita tayo ulit!"

Naka-move on na si Tope. Ang laki ng pagbabago dito at hindi makapaniwala si Josh na sa laki ng mundo, magkikita ulit sila ng taong ito.

"Tope, kelan ka pa bumalik?"

"Halika, treat kita. Doon tayo mag usap."

Nagpunta si Josh at Tope sa isang restaurant at doon ay pinag-usapan ang mga nangyari sa kani-kaniyang buhay.

"Ang gwapo mo na sobra Tope."

"Nagulat ka ba? Ikaw, kamusta ka na?"

"Ito, writer pa rin sa isang online novel, ikaw? May asawa ka na ba?"

"Yup."

Naramdaman ni Josh ang guilt sa puso nito. Alam niyang malaki ang kasalanan niya kay Tope sa pag-iwan niya nito sa ere dahil sa pagmamahal niya kay Polo. Itinaas nito ang kanang kamay at pinakita ang singsing na binigay nito sa kanya.

"See? Hindi kita nakalimutan..."

"Wow! Suot suot mo pa rin? Sayang lang talaga 'no?"

"Uh-hmm. Sayang talaga."

"Nga pala, nabalitaan mo na ba?"

"Ang?"

"Ikakasal na si Polo at Shanelle. One of the reason bakit din ako umuwi."

"Po-Polo? Si Shanelle? Paano? Wala akong balita, ang alam ko lang uuwi ngayon si Polo dahil end of contract niya."

"Nakapagpacitizen si Shanelle, nung time na umalis si Polo at nagtrabaho nagkita sila sa isang hotel habang nagbabakasyon si Shanelle. So 'yun nagkabalikan sila. Imagine 4 years pero parang ang dami ng nangyari."

"Madami talaga...sabi niya, babalik siya. Sabi niya babalikan niya ko..."

"So-sorry, sorry Aya. Wala ka pa bang alam?"

"Okay lang."

Ngayon, alam na ni Josh ang pakiramdam ng iwanan sa ere. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at hindi na nakagalaw sa kinauupuan. Pumatak na lang ang luha sa mga nito at labis na nasaktan sa mga narinig. Apat na taon siya umasa at naghintay na babalikan siya ni Polo pero huli na ang lahat para sa natitirang pag-asa nito.

Itutuloy...

The Last Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon