Chapter 11: The Break Up (Tope and Aya)

1 0 0
                                    

February 25, 2019

"Isang tanong na lang po bago po tayo matapos, sorry po kasi malayo pa po uuwian ko. Ano pong mapapayo mo sa mga gustong pumasok sa relasyon?"

"Hindi mahirap pumasok sa isang relasyon, lalo kung mahal mo talaga. Ang mahirap, yung magsisi ka sa huli na hindi mo naparamdam sa taong yun yung pagmamahal na dapat laan para sa kanya."

"Thank you po sa pagsama sa araw na ito. Sana po mahanap niyo na po ang paglaya diyan na puso mo..."

Off Cam.

"Gusto mo bang malaman kung ano nangyari?"

"Hmm. Okay lang po ba? Medyo maaga pa naman po ng konti...curious lang din po ako sa ending..."

------

June 30, 2013

"Tope! Christopher? Ah-- Dione Christopher Cruz? May dinala po ba ditong ganong pangalan?"

Tanong ni Aya sa information ng Ospital, may takot at kaba ang nararamdaman niya, lalo na ng kumpirmahing may pasyenteng dinala doon ang rescue team mula sa car crash.

"Bed 3 Emergency Room Ma'am. Kayo po ba yung kamag-anak?"

"Ah, yes. Opo ako po."

"Sige Ma'am puntahan niyo na po."

Dali-daling tumakbo si Aya papunta sa pwesto ni Tope at nakampante ito ng makita na hindi naman ito malubhang nasugatan.

"Tope!", kasabay ang pagyakap nito ng mahigpit kay Tope.

"Oh, wag ka ng umiyak. Okay ako. May konting galos lang naman pero hindi malala."

"Pinag-alala mo ko...alam mong hindi ko kayang may mangyari sa'yo 'di ba?"

"Aya..."

May mga luhang pumapatak sa mga mata ni Tope habang tinitignan si Aya. Hindi man lubos na nasugatan sa aksidente, mas dinadaing nito ngayon ang sugat sa puso sa gagawing desisyon para kay Aya.

"Tope, wag ka na ring umiyak. Hindi na ako iiyak..."

"Si Pong...kailangan ka ni Pong..."

"Tope, napag-usapan na natin 'to 'di ba? Mananatili akong kasama ka. Mahal kita..."

"Pero mas mahal mo siya at ngayon, kailangan ka niya..."

"Tope bakit mo ginagawa sakin 'to."

"Aya, si Pong. Iniwan na siya ni Shanelle, 'di ba ito yung matagal mo ng gusto? Wag kang mag-alala sakin. Kakayanin ko. Para sayo, kakayanin ko kasi mahal na mahal kita at gusto ko lang maging masaya ka..."

"Pero masaya rin ako sa'yo Tope..."

"Pero hindi tulad ng kung gaano ka kasaya noon kay Pong...sige na Aya...pinapalaya na kita..."

"To-Tope, bakit?"

"Umalis ka na...tulad ng napag-usapan namin noon. Isosoli kita kapag nasaktan kita... Kaya ngayon, ibabalik na kita sa kanya..."

Tumalikod ito at humakbang palayo habang walang tigil ang pagpatak ng mga luha nito at si Tope ay naiwan sa higaan, tulala. Handa siyang maghintay sa pagbabalik ni Aya.

"Mahal na mahal kita Aya...", bulong nito.

'Bakit ngayon pa Tope? Kung kailan minahal na kita...bakit ngayon pa?'

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos ng luha ni Aya. Basang basa ito kakahanap sa apartment na tinutuluyan ni Polo.

"May nakatira po ba ditong Polo Miguel Bermudez?"

"Hi Ma'am, may I know who are they?"

"A friend. Long lost friend."

"Okay po. Ma'am upon verification nasa Apartment Room 4 po siya."

"Salamat po."

Sa wakas ay nahanap na nito si Polo. Basang basa ito pero hindi alintana ang lamig, mas nararamdaman niya ngayon ang pananabik na muling makita si Polo pagkatapos ng mahabang panahon.

-------

February 25, 2019

"Sa totoo lang, walang kasiguraduhan yung ginawa ko nung araw na 'yon. Tinatawagan nga ako ng TL ko pero sabi ko hindi na ako papasok. Sabi ko, magpapasa na ko ng resignation letter ko immediately at kahit galit siya balewala 'yon sa sakit na naramdaman ko pagkatapos makipag-split ni Tope sa akin kahit engaged na kami."

"Paano po yung singsing? Hindi niyo nabalik?"

"Ito pa rin oh.", pinakita ni Josh ang singsing sa kamay na bigay ni Tope.

"Hala! Oo nga 'no? Mahal niyo na nga po talaga si Tope, Ate Josh. Eh si Pong po mahal niyo pa rin po siya non?"

"Uh-hmm! Sa totoo lang, namangka ako sa dalawang ilog. Kaya nga siguro pinarusahan akong tatandang mag-isa eh."

"Hindi naman siguro Ate."

------

June 30, 2013

6:15PM

*Knock
*Knock
*Knock

"Pong? Andiyan ka ba Pong?"

*Click

'Nakabukas?'

*Dug
*Dug
*Dug

'Naririnig ko yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Pong bakit ganito? Tope, kahit kailan hindi mo inisip sarili mo, laging ako.'

"Pong?"

Nadatnan ni Aya ang kwarto na magulo, amoy sigarilyo at alak. Lasing si Polo. Hindi nito ni-lock ang pinto na parang may hinihintay na bumalik.

"Sha-shanelle. Bumalik ka Shanelle..."

Gumapang palapit si Polo kay Aya at hinagkan ito ng yakap.

"Polo Miguel, ano bang ginawa mo sa sarili mo?!"

"Sha-shanelle, mahal na mahal kita... Wag mo na kong iwan Sha-"

At nakatulog ito sa sobrang kalasingan. Magdamag na nanatili si Aya sa apartment ni Polo. Nilinis nito ang lahat ng bakas ng kasawian nito.
-------
February 25, 2019

"Naisip niyo pa rin po ba si Tope nung time na 'yon?"

"Hindi na eh. Doon ko nga napatunayan na mahal na mahal ko pala si Pong. Ang tanga ko lang na hindi ko nakita yung halaga ni Tope..."
-------
Nang magising si Polo kinabukasan...

'Ang sakit ng ulo ko, sh*t! Teka, bakit ang linis ng bahay? Jo-joshiah?'

"Josh?"

"Hmm.."

"Josh, anong ginagawa mo dito?"

"Gising ka na pala...sorry dito na ko nakatulog..."

Itutuloy...

The Last Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon