CHAPTER 6: Paubaya

5 2 0
                                    

February 25, 2019

"Ate, oorder lang muna ako ng lunch natin. 12 o'clock na pala. Magtanghalian muna po tayo. Wait lang po ha."

"Sige sige. Dito lang ako. Nakapause na ba 'to?"

"Opo Ate. Na-pause ko na po..."

----------

December 8, 2010

"Christopher pwede ba tayo mag-usap?"

"Bakit Pong? Himala ngayon lang kita narinig tawagin ako sa pangalan ko!"

"Paano naging kayo ni Josh?"

"Wala ba siyang nababanggit sa'yo? Balita ko kasi matagal kayong hindi nagpapansinan. Pati sa campus, iisa lang tayo ng room pero hindi mo siya malapitan. Masyado ka atang in love kay Shanelle!"

"Seryoso ako. Kailan pa?"

"Pre, seryoso din ako. Alam mo namang matagal ko ng gusto si Aya 'di ba? Anong masama kung maging kami?"

Mga salitang hindi makapaniwala si Polo. Hindi niya maisip kung kailan at paano naging si Aya at Tope. Aminado siya sa sarili niyang nawalan siya ng panahon sa kanyang pinakainiingatang prinsesa. Pero alam niya ring wala siya sa lugar para pagbawalan ito.

"Wag mo siyang sasaktan. Please pre, matagal na panahon ko siyang iningatan."

"Talaga ba pre? Iningatan? O binakuran? Nung nagsabi ako sa 'yo na gusto ko siyang makilala, walang lakad na hindi ka kasama. Kahit gusto ko siyang ligawan hindi ko magawa, alam mo kung bakit? Kasi selfish ka pre! Ayaw mo siyang mapunta sa iba. Pero ikaw malaya kang gawin yung gusto mo!"

"Pre, hindi ako nandito para makipag-away. Mahalaga din sakin si Josh pre. Matagal na panahon kaming magkasama. Alam mo 'yan. Andito ako kasi may gusto akong hilingin sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Ingatan mo siya. Gawin mo lahat para mapasaya siya. Wag mo siyang pababayaan. Wag mo siyang sasaktan. Kung hindi mo na siya kayang mahalin, ibalik mo siya sakin ng buo."

"Ano bang sinasabi mo?"

"Hindi ko na siya guguluhin pre. Maging masaya tayo sa kanya kanya nating relasyon, hindi na tayo mga bata. Pero pag nalaman kong sinaktan mo siya, ako mismo babasag sa mukha mo."

"Sabihin mo yan sa sarili mo Pong. Wag sakin."

"Pinapaubaya ko na siya."

-----------
February 25, 2019

"Ate Josh, tara kain na."

"Ay salamat!"

Sariwa pa sa alaala ni Josh ang napag-usapan ni Polo at Christopher nung mga panahon na 'yon. Alam ni Josh na hindi niya sigurado kung totoo ang nangyari pero naging daan ito para lumayo kay Polo. Nabigyan siya ng pagkakataon na ilaan ang nararamdaman sa taong minamahal siya pabalik. Kahit hindi sigurado ay sumugal ito kay Tope.

------------

January 2011

'Ang bilis ng panahon. Gagraduate na ako, ano kayang mangyayari sa akin sa hinaharap? Magiging successful kaya ako? Hay Lord, sana talaga! Balato mo na po sakin 'to'

"Ayang, may bisita ka! Andito si Tope.."

"Sige po Tita pababa na po!"

Nagulat si Aya ng biglang bumukas ang pinto, isang bouquet ng puting rosas ang bumungad sa kanya.

"Happy Monthsary!"

"Tope! Nag-abala ka pa! Hahahaha ikaw talaga hindi mo ko sinabihan pupunta ka!"

Tanaw ni Tope si Aya sa higaan nito na nakasando lamang at shorts. Aminado si Tope hindi niya mapigilan ang sariling mapatunganga sa ganda ni Aya.

"Aya para sa'yo", sabay abot ng bulaklak kay Aya.

"Kumain ka na ba? Kain na muna tayo!"

Umupo sa tabi ni Aya si Tope. Hindi alintana ang gulo sa higaan ni Aya at hinawakan ang kamay nito.

"Mahal kita. Mahal na mahal."

Niyakap ni Aya si Tope, isang mahigpit na yakap. Yakap na sana ay para kay Polo.

"Gusto kita Tope..."

Alam ni Tope na hindi niya mapapantayan ang nararamdaman ni Aya para kay Polo. Pero alam ni Tope na matututunan din siya nitong mahalin balang araw. Hinawakan nito ang mukha ni Aya at dahan dahang nagdikit ang kanilang mga labi ng hindi sinasadyang maitulak ni Aya si Tope.

"S-sorry! Sorry Tope, hindi ko pa kaya..."

"Pasensya ka na din Aya... Sorry... Nadala lang ako..."

--------
February 25, 2019

"Ate okay ka lang? Tulala ka po. Hindi bale po, malapit na tayo matapos Ate..."

"Ha? Wala, walang problema. Hehehe may naalala lang ako."

'Tuwing naaalala ko 'yon. Nagi-guilty ako. Alam kong hindi tama na iparamdam ko kay Tope na hindi kami parehas ng nararamdaman para sa isa't-isa..."

Itutuloy...

The Last Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon