Chapter 12: Rebound

4 0 0
                                    

Februrary 25, 2019

"Pero ibig sabihin po pala Ate, binalikan mo si Pong para sabihing mahal mo siya?"

"Oo. Ang sama ko 'no? Tinalikuran ko yung nagmamahal sakin para habulin yung mahal ko."

------
"Anong ginagawa mo dito? 'di ba dapat nasa trabaho ka? At saka, si Tope. Dapat kasama mo siya 'di ba?"

"Wala na kami. Nakipaghiwalay siya sakin."

"G*go talaga 'yon! Pagkatapos kong-"

"-ipaubaya ako sa sa kanya?"

"Josh...sorry..."

"Mukha ba akong laruan? Para ipamigay mo lang?"

"Josh, Aya, Joshiah. Sorry...alam ko mali ako sa part na 'yon. Pero gusto lang kitang maging masaya habang ako masaya na din sa iba..."

"Masaya naman kahit kaibigan lang tayo, natiis ko nga ng ilang taon yung feelings ko 'di ba?"

"Josh, mahal kita...pero hanggang doon lang yun..."

"Gawin mo kong rebound..."

Hindi alam ni Josh nung panahong iyon kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Mahal niya si Polo, at hindi na niya papakawalan ang pagkakataon. Ito na ang sandaling inilaan ng Diyos para sa kanilang dalawa.

"Wag."

"Handa ako. Pong, kahit gaano kasakit titiisin ko...ayoko lang makita kang mag-isa. Malungkot. Kahit ako na yung masaktan ayos lang."

------
February 25, 2019

"Wala na ako sa sarili ko non. Sa sobrang desperada ko, ginawa ko yung mga bagay na 'yon. Ang bobo ko 'di ba? Totoo talagang kahit yung pinakamatalinong tao magiging bobo sa pagdating sa love."

"Ate, sorry. Naaalala mo pa tuloy yung mga dati."

"Ano ka ba, okay lang yun. Sabi ko nga darating yung araw na maikukwento ko 'to ng tinatawanan ko nalang. At pag nagkita kami ni Pong, matitignan ko na siya ng walang pagmamahal..."
------

Tuluyang nagquit si Josh sa trabaho para sumama kay Polo. Ito ang yugto ng buhay ni Josh na naging tanga at sunud-sunuran sa nararamdaman wag lang mawala ulit si Polo sa kanya.

"Talagang wala ka na sa trabaho Josh?"

"Uh-hmm... Sasamahan kita dito. Kahit mairita ka pa sakin."

"Paano yung bahay niyo? Sinong tao don?"

"Pwede naman akong umuwi isang beses sa isang linggo. Mula nung grumaduate ako, ako nalang ang nakatira doon."

"Bakit? Si Tita Miring nasaan?"

"Wala, umuwi ng probinsya. Nag-asawa na yung anak niya at si Tito Peds naman na-stroke. Kaya nakiusap ako kay Mama na pauwiin na si Tita tutal, malaki na ko. Kaya ko na sarili ko."

"Kayo ni Tope, sa loob ng 2 taon, kamusta kayo?"

"Maraming nangyari...masasayang pangyayari. Ni minsan nga hindi niya pinaramdam sa akin na mag-isa ako. Lagi siyang may surprise. Lagi siyang dumadating. Madalas sa bahay na siya natutulog."

"Tabi kayo?"

"Oo, pero hoy! Yung iniisip mo walang ganon ha! Virgin pa ako!"

"Hoy Josh! Wala naman akong sinasabing ano ah! Ikaw nag-iisip ng ganyan! Hahahaha!"

Muling narinig ni Josh ang tawa ni Polo. Masaya itong nakikitang tumatawa na ulit ito at sana ay hindi na maalis ang mga 'yon.

"Kayo ni Shanelle? Kamusta kayo?"

"Wag na natin siyang pag-usapan", sabay lapit ng mukha nito kay Josh na tila hahalikan niya ito.

"Ah-- oh sige hindi na...sorry naman."

"Anong pakiramdam mong kasama mo na ako ngayon?"

"Sa totoo lang Pong, kung panaginip 'to sana hindi na ako magising...sana ganto na lang palagi..."

Hinawakan ni Polo ang baywang ni Josh, ramdam ni Josh ang tibok ng puso niya na parang kakawala sa loob ng dibdib niya sa sobrang kilig at tuwa.

'Ang bilis naman mag-move on ng taong 'to.'

"Kung ganito kalapit, anong pakiramdam mo?"

"Polo Miguel, kinakabog yung dibdib ko..."

"Easy", hinawi nito ang buhok ni Josh at hinaplos ang pisngi.

"Polo, naka-move on ka na ba agad?"

"We're just having fun. Rd ko ngayon, we have all day para maglaro...", bulong nito.

"La-laro?"

At hinalikan ni Polo si Josh sa labi. Ramdam nito ang init sa mga labi ni Polo. Napahawak si Josh sa braso ni Polo ng maramdaman nito ang init sa kanyang dibdib.

"Hmmm!"

Hinalikan ni Polo si Josh siya leeg habang dahan dahang gumapang ang kamay nito sa baywang ni Josh at inilapit si Josh ng mahigpit sa kanya pero pumiglas si Josh at itinulak si Polo

"Polo Miguel Bermudez! Anong ginagawa mo?!", pasigaw na tanong nito.

"Nagsasaya. Sabi mo tutulungan mo kong makalimot? Josh, help me. Nalulunod na ko."

"Pero hindi sa gantong paraan...kaya kitang pasiyahin sa paraan na kaya ko!"

"Sorry, nadala lang din ako...lalabas muna ako... Bibili ako ng makakain.."

Hinawakan ni Josh ang kanyang labi...

'Siraulo ka! Kunwari ka pa gusto mo din naman, nag-inarte ka pa! Tanga mo talaga. Tanga mo!'

------

February 25, 2019

"Sorry may rated spg. Hahaha!", sabay tawa ni Josh.

"Okay lang po Ate. Hehehe!"

"Pero alam mo sa totoo, lumipas yung ilang linggo, nabalitaan ko si Tope nagpunta ng Amerika para magbakasyon. Tapos ako naman, nagpabalik balik kay Pong, ayoko siyang iwan kasi alam ko kung ano yung kaya niyang gawin pag mag-isa siya."

'Hindi ko maisip yung sarili ko kasama si Pong, sobrang desperada ako, sobrang selfish. Akala ko wala akong pagsisisihan sa huli.'

Itutuloy...

The Last Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon