"Josh! Josh!"
"Oh Pong bakit?"
"Tita, si Josh po ba nandiyan? Hindi po kasi siya nagrereply sa chat ko. Yung bilin ko po Tita nabanggit niyo rin po ba?"
"Ay nako, oo. Kaso akyatin mo na lang siya sa taas. Mukhang masama ang pakiramdam. Hindi nga kumain kanina..."
"Ganon po ba? Sige Tita, puntahan ko na lang po siya sa kwarto niya."
"Oo sige iho, baka sakaling magkagana siya kumain..."
'Ano kayang problema nito? Ang lakas ng tama, kachat ko lang kanina ngayon wala na naman. Lagpas tanghalian na'
Pumasok si Polo sa kwarto ni Aya at tanaw niyang nakatalukbong ito ng kumot. Tulog si Aya. Nakatulog matapos muling umiyak dahil sa naramdaman niyang pagkabigo. Batid ni Aya na walang pag-asa para sa kanilang dalawa. Dahan dahang lumapit si Polo sa higaan ni Aya at umadya ng pagyakap.
"Huli ka!"
"Ay! P*tang*na!"
"Huy! Bakit nagmumura ka?" Habang yakap yakap nito si Aya.
"Tanggalin mo nga 'yang kamay mo! Nakakairita kaya! Alisin mo 'yan! Natutulog yung tao e. Ano ba ginagawa mo dito?!"
"May sakit ka daw sabi ni Tita Miring, e akyatin daw kita para kumain."
'Bakit mo ba ako ginaganito? Mas lalong sumasakit yung puso ko lalo ngayong alam kong walang ibig sabihin 'to. Mapanakit ka Pong! Mapanakit ka masyado!'
Hindi napigilan ni Aya ang pagluha na napansin ni Polo matapos nitong hawakan ang mukha ni Aya para iharap sa kanya.
"Bakit ka umiiyak Josh?"
"Hindi! Naghikab lang ako! Bitawan mo na nga ako!"
"Hikab e namumugto yung mga mata mo. Umiyak ka ba? Bakit? Sinong umaway sa'yo? Sabihin mo sakin gugulpihin ko!"
"Wala nga!"
--------
February 25, 2019"Bakit nung oras po na iyon, hindi mo nagawang sabihin kay Pong yung nararamdaman mo? Na siya po ang dahilan ng pagluha mo?"
"Hindi ko kaya. Tulad nung pilit kong pag-iwas at paglaban sa nararamdaman ko, hindi ko kinaya.."
---------
Hinatak ni Polo ang kumot at pumasok sa loob nito. Mas ramdam ni Aya ang init ng yakap ni Polo, yakap na sana para lang sa kanya. Hindi mapigilang umiyak ni Aya, at hindi niya inasahang mapayakap pabalik kay Polo na parang batang paslit na inaway at naghahanap ng magtatanggol.
'Pong, ako nalang sana e.'
"Pong alis na tayo. Sabi mo lilibre mo ko", habang yakap nito si Polo.
"Ikaw lang naman hinihintay ko e. Teka, may chachat lang ako."
Biglang bumitaw si Polo kay Aya, alam ni Aya na walang lugar ang mga yakap niya kay Polo ng mga panahong iyon. Nagmadaling magbihis si Aya habang naghihintay si Polo sa baba. Nag-ayos ito na parang may date na pupuntahan. Gamit ang bagong biling pabango, nagmistulang kakain ito sa restaurant. Malayong malayo sa awra niya kanina ng ayain siya ni Tita Miring niya na kumain ng tanghalian.
"Pong, tara na?!"
Napatunganga si Polo, hindi maialis ang titig kay Aya. Batid nitong biglang sumigla at sumaya ang kaninang mukha ni Aya na may bahid ng luha.
"Saan ka pupunta, Josh? Sa ihaw-ihaw lang tayo 'no! Baka feeling mo kakain tayo sa KFC!"
"G*go! Masama bang mag-ayos? Ang pangit ko na nga kanina tapos magpapakapangit pa ko ngayon. Ano na tara!"
'Alam kong mali, sorry Pong. Andito na e, ngayon lang 'to pagtapos nito lalayo na ko.'
Nagtungo sila sa ihaw-ihaw na tinutukoy ni Polo. Walang anu-ano may isang babaeng naka-tshirt, naka shorts at rubber shoes na lumapit sa kanila, malayo sa itsura ni Aya na nakadress at tila sasagala.
"Bhie", tinapik nito ang likod ni Polo.
"Uy bhie! Andito ka na! Sakto papakilala ko sayo Bhie yung kinukwneto ko. Bhie si Josh este Aya, kaibigan ko. Josh, si Shanelle yung tinutukoy ko. Schoolmate natin pero sa CBET siya."
'Oo kaibigan lang ako, kaibigan nga lang pala ako. Pero bakit? Bakit siya nandito? Ang ganda niya. Kahit ganyan lang ang suot niya, lumulutang ang ganda niya. Napaka-effortless naman, Lord bakit ang daya mo?'
"Ah, Hi! Magsumbong ka lang sa akin kapag pinaiyak ka ng kupal na 'to. Ako bahala sa'yo!"
"Ay! Ahahaha. Oo naman. Friends?"
Inabot ni Shanelle ang kamay nito kay Aya, at nakipagkamay naman si Aya dito. Hindi mapigilan ni Aya na ma-insecure sa simpleng ganda nito. Alam niya na kung bakit nagustuhan ito ni Polo.
--------
February 25,2019
"Ano pong naramdaman niyo nung nagkaharap kayo? Hindi niyo po ba alam na kasama siya sa lakad niyo?"
"Naramdaman ko? Nakaramdam ako ng hiya, hiyang hiya ako sa sarili ko nung araw na 'yon. Naging desperada ako. Aminado akong nagpaganda ako nung araw na 'yon dahil gusto kong bumawi. Gusto kong maappreciate ako ni Pong pero wala."
'At iyon ang una kong pagkabigo'
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Last Love Story
Fiksi UmumMikayla is a college student of an university who is in search for a volunteer to perform an interview with her for her thesis. She crossed her path with Josh, a lady she just met and invited through social media. The interview open the door for Jos...