Dumating ang araw ng kasal ni Polo at Shanelle kung saan dinaluhan sila ng kanilang malalapit na kaibigan, katrabaho at mga kababata.
*ding dong ding dong
Maririnig ang ingay ng kampana sa buong simbahan...
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!"
"MABUHAY!"
"Paano ba 'yan Polo, sakal ka na! Este, kasal ka na, 'wah mong papaiyakin si Shan kung hindi kaltok ka sa tropa!" ani ng kaibigan.
"Well, hindi na tayo mga bata para maglokohan. Ang kailangan natin ay maging masaya at i-enjoy ang buhay, 'di ba Shanelle?" sabay titig nito sa mga mata ni Shanelle.
Sa hindi kalayuan, isang babaeng ang nakatayo at nakikinig sa mga hagik-gikan at kasiyahan ng bagong kasal sa simbahan.
Kinailangan ni Aya ng lakas ng loob upang lapitan ang mga taong ito ay makapagbigay ng kaniyang pagbati. Para bang binubuhusan siya ng malamig na tubig habang humahakbang papalapit sa simbahan...
Ang lahat ay nagulat ng makita nila si Aya, dahil hindi nila inaasahan ang kanyang pagdating simula ng araw na pinutol nito ang koneksyon sa kahit na sinuman.
"Co-congratulations sa inyo..."
"Bakit ngayon ka lang?", tanong ni Shanelle, "Hinihintay ka namin...akala ko, hindi ka na dadating."
"Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob na humarap sa iyo, sa inyo sa dami ng mga ginawa kong pagkakamali, sana mapatawad niyo pa rin ako"
"Josh, kahit kailan wala kang naging kasalanan sa amin..."
"Salamat, salamat sa inyo at masaya akong magkasama na kayo ngayon...siya nga pala, aalis na rin ako..."
"Teka, saan ka pupunta? Sumama ka muna kaya sa amin sa reception? Please, Aya", pangungulit ni Shanelle.
Sa mga oras na iyon, nagkaroon ng kaluwagan at kapayapaan sa puso ni Aya dahil sa huling pagkakataon ay nakalaya na siya at handa ng maging bukas sa panibagong yugto ng kanyang buhay.
"May oras akong hinahabol, babalik na ako ng kumbento. Nagpaalam lang akong dadalaw sa kasal ng matatalik kong kaibigan...Congratulations ulit sa inyong dalawa...maging masaya kayo habang buhay..."
Tinanggap ni Aya ang kanyang pagkabigo ng maluwag sa puso at ngayon, masaya na siyang nabubuhay sa loob ng kumbento upang mahalin ang kailanman ay hindi tumigil na magmahal sa kanya...
"Salamat Lord..."
FIN
![](https://img.wattpad.com/cover/266184105-288-k624814.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Love Story
قصص عامةMikayla is a college student of an university who is in search for a volunteer to perform an interview with her for her thesis. She crossed her path with Josh, a lady she just met and invited through social media. The interview open the door for Jos...