June 15, 2010
"Uy Josh! May assignment ka na ba? Pakopya naman ako", sabay hawak sa braso ni Aya na nakatalikod sa kanya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Pong na Aya! Aya! Aya! Josh ka ng Josh eh babae ako. At saka kung assignment kailangan mo wag kang umasa. Wala din ako!"
"Gusto mo cutting tayo?"
"G*go ka ba? Wala lang akong assignment pero ayoko mawala yung scholarship ko 'no, sira ulo 'to."
"Minsan lang naman e. Libre kita promise! Wala kasi ako assignment e, mapapalabas na naman ako ni Prof. Lopez nito e."
"E pag nahuli? Alam mo namang itong scholarship ko lang inaasahan ko tapos dedemonyohin mo ko?"
"Minsan nga lang"
Alas-3 ng hapon, kasalukuyang nasa loob na ang mga estudyante sa Room 4007, maingay ang lahat. Pumasok ang propesor sa subject na Literature. Si Prof. Lopez.
"Andito na ba ang lahat?" Tanong ng propesor na may pagtinis ang boses.
"Prof si Joshiah Alvarez po at-"
Binatukan ni Angela si Christopher na tila magsusumbong.
"Aray!"
"Mr. Cruz, what's the problem?"
"Nako Sir, nasamid po ata sa sariling laway", sabay tingin ni Angela ng masama kay Christopher na nagbabadyang muling manakit.
"Okay class, let's start!"
------
'Bakit ko ba kasi sinamahan 'tong engot na 'to. Mapapahamak ako nito. Hay nako Aya, hindi ka na natuto.'
Alas-3 ng hapon, nakahiga si Polo sa damuhan ng park kung saan maririnig ang kaliwa't kanang ingay ng mga tao. Ani mo'y kapayapaan ang ingay sa pandinig ni Polo.
"Pong hindi pa ba tayo uuwi? Nagugutom na ko. Sabi mo lilibre mo ko e."
"Oo nga, nilibre kita ng pamasahe 'di ba?"
"Tarantado ka, nagcutting ako tapos gugutumin mo ko dito, tumayo ka na diyan uwi na tayo!"
"Maya-maya na, pakinggan mo yung kanta"
~sana'y hindi na lang pinilit pa, wala ring patutunguhan kahit sabihin ko pang mahal kita..~
"Oh ano naman? Alam ko fan ka ng Silent Sanctuary, sawang sawa na nga ako sa mga tugtugan mo e"
"Ako nga hindi nagsasawa sa'yo"
------
Isang katagang hindi nawala sa isip ni Aya, bukod tanging si Polo lang ang tumatawag ng Josh sa kaniya. Mula noon, nagbago ang nararamdaman ni Aya kay Polo. Hindi niya malilimutan ang araw na nagsimula siyang mahulog kay Polo.
------
February 25, 2019"Ate, sa nakwento mo po, matagal mo ng kaibigan si Pong. Ni minsan ba naisip mong mahuhulog ka sa kanya?"
"Ahh, sa totoo lang hindi ko alam. Kasi kapatid ang turing niya sa akin. Maliit pa lang kami, protektor ko na siya sa mga nang-aaway sa amin, tingin niya kasi sa akin batang laging inaapi."
"Nung naisip mo pong parang nahulog ka na sa kanya, ano pong sumunod na ginawa mo? Umiwas ka po ba? O itinuloy mo po makipagkaibigan sa kanya?"
"Itinuloy ko..."
------
"Hoy Josh! Bakit hindi ka namamansin. Nagchachat ako sa messenger mo puro ka lang seen kahit nakaonline ka. Tapos tinatawag kita sa bahay niyo hindi ka lumalabas. Ano bang problema mo? Hindi naman nalaman ni Prof na nagcutting tayo ah!"
"Pong, masyado lang akong busy. Madami akong kailangang ihabol sa school. Alam mong graduating tayo..."
"Sus! Hindi ka naman ganyan dati."
'Kung alam mo lang Pong, hindi talaga ako ganito dati. Hindi ako umiiwas sayo dati, hindi ako nagtatago. Ayokong gawin sa'yo 'to. Binigla mo ako, hindi ko akalaing mauuwi sa ganto yung nararamdaman ko. Akala ko hindi totoo, akala ko nilalaro lang ako ng puso ko. Pero totoo na pala.'
"Sabi ko nga sa'yo busy lang ako. Sige na uuwi na ako madami pa akong gagawin."
"Yan ka na naman. Umiiwas ka ba?"
"Hindi nga!"
Pinagmasdan ni Polo habang naglalakad si Aya palayo. Alam niyang may nagbago kay Aya pero hindi niya 'to matanto. May kung anong hindi maalis sa isip niya kung bakit biglang lumayo si Aya.
'May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong mali? Bakit bigla kang nagbago? Bakit bigla kang umiwas?'
------
"Itinuloy ko ang pag-iwas..."
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Last Love Story
Narrativa generaleMikayla is a college student of an university who is in search for a volunteer to perform an interview with her for her thesis. She crossed her path with Josh, a lady she just met and invited through social media. The interview open the door for Jos...