"Sige, ingat ka Aya! Kita na lang tayo sa wedding day ni Polo."
"Salamat Tope! Sana maging maayos ang lahat."
Lumipas ang ilang araw na nakakulong lang si Josh sa apat na sulok ng kanyang kwarto. Iniisip nito ang gaganaping kasal ni Polo at Shanelle. Halos lahat ng kanilang mga kaklase ay imibitado maging ang mga malalapit na tao sa kanila noon. Alam ni Josh na wala siyang mukhang maihaharap sa lahat dahil alam niyang naging bukas na libro ang kwento nilang dalawa ni Polo. Siya ang nauna, pero hindi ang wakas...
'Ang sakit sakit...naghintay ako Pong...hinintay kita ng ilang taon...please...palayain mo na ko...'
Napuno ng luha ang mga mata ni Josh. Ang puso niya ay magpapasya ng magparaya at tumanggap ng pagkatalo ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello anak? Kamusta ka? Nabalitaan kong ikakasal na si Pong..."
"Ma...ang sakit...parang dinudurog yung puso ko sa sakit..."
"Anak, andito lang si Mama ha..."
"Opo Ma...kakayanin ko po..."
Pagtapos na maibaba ang linya, isang tawag ulit ang pumukaw kay Josh.
"Hello?"
"Josh?"
Pamilyar ang boses sa kabilang linya. Muling nagpabilis ng tibok ng puso niya, si Polo.
"P-Pong?"
"Josh, pwede ba tayong magkita?"
"Para saan pa Pong?"
"Magkita tayo sa dating tagpuan, sa tabing ilog ngayon..."
Mabilis na nagbihis Josh, inayos nito ang sarili. Sa wakas, pagkatapos ng apat na araw ay muli siyang lalabas. Dapithapon na ng makarating siya dito pero wala pa si Polo. Kumukulo ang sikmura ni Josh sa pakiramdam niya. Sa hindi kalayuan ay nakita niya ang isang lalaking nakapostura, naka-putting t-shirt, jacket na itim, nakapantalon at sapatos, mahaba ang buhok na naglalakad papalapit sa kanya.
Sa paglapit nito ay niyakap niya si Josh, yakap na sobrang higpit. Natulala lamang si Josh at hindi namalayan ang luha ay muling tumulo sa kayang mga mata.
"I'm sorry Josh... hindi ito yung gusto kong pagkikita nating dalawa..."
"Pero nandito na, nangyari na..."
"Nung sinabi mong kayo na ni Tope, hindi ko alam kung bakit ko naramdaman 'yon. Alam kong mali pero pakiramdam ko nasaktan ako. Yung matagal kong iningatan, napunta sa iba..."
"Pero nauna ka 'di ba? Nauna kang magmahal ng iba Pong..."
"Kasi akala ko hanggang doon lang tayo, hanggang kaibigan mo lang ako..."
"Bumalik ako, pinili kita at iniwan ko si Tope...saan ako doon nagkulang? Dalawang taon, dalawang taon kitang inalagaan, minahal pero anong ginawa mo? Iniwan mo pa rin ako..."
"Kasi, hindi ko nakikita yung sarili kong kasama ka habang buhay...napagtanto kong hindi kita kayang masaktan kapag nagkamali ako. Kaya mas pinili kong iwan ka, natatakot akong hindi kita maalagaan, natatakot akong hindi ko maibalik yung pagmamahal na kaya mong ibigay. Patawad pero naging duwag ako, hindi kita kayang ipaglaban...patawarin mo sana ako...sinaktan kita pero please, gusto kong maging masaya ka..."
"Hindi ganoon kadali Pong na maging masaya ulit, hindi ganon kadaling kalimutan ka...pero Pong, pinapatawad na kita...pinapatawad ko na ang best friend ko..."
"Joshiah..."
"Tandaan mong mahal na mahal kita...pero siguro nga hanggang dito na lang...magkikita tayong muli sa huling pagkakataon, masaya na ko no'n..."
Sa pagkakataong 'yon ay napuno ng lungkot ang puso ni Polo para kay Josh. Pinalaya na ni Polo at Josh ang isa't-isa. Buo ang loob ni Josh na talikuran na ang lahat at humakbang palayo mula sa kinatatayuan ni Polo bitbit ang lahat ng alaala at huling buhos ng luha niya. Ang lahat ng tao ng mga oras na iyon ay nagtinginan sa kanila na parang nasa pelikula.
Ito ang gusto ni Shanelle, ang matapos na ang nasa pagitan ni Josh at Polo. Hindi na sila mga bata kaya naman hiniling nito kay Polo na panindigan ang nagawa nitong kasalanan kay Josh.
Nagsilbi itong tapos na libro para sa pagmamahalan ng dalawang puso pinagtagpo pero hindi itinadhana. Nangako si Josh sa sariling magiging masaya ito para kay Polo at Shanelle, at hahanapin ang totoong kasiyahan sa puso niya pagtapos ng lahat.
'Hindi madali lahat ng pinagdaanan ko, ilang beses akong sumugal pero lagi akong natatalo. Alam kong magiging masaya siya sa pinili niya, hindi pa man siya humihingi ng tawad ng oras na 'yon, pinatawad ko na siya. Pangako, magiging masaya din ako...'
"Hello, Aya? Nabalitaan kong..."
"Malaya na ko Tope...sana maging masaya na rin ako..."
Matapos ang pagkikita nilang 'yon at huling pag-uusap ay wala na silang narinig na balita sa kinaroroonan ni Josh. Hindi alam ni Polo at Tope kung ano ng nangyari dahil nanatili na itong tahimik at hindi na nila nakausap pa. Tanging hangad na lamang nila ay ang makita ito sa araw ng kasal ni Polo at Shanelle kahit alam nilang imposible ay inaasahan nilang mangyayari 'yon.
BINABASA MO ANG
The Last Love Story
Fiksi UmumMikayla is a college student of an university who is in search for a volunteer to perform an interview with her for her thesis. She crossed her path with Josh, a lady she just met and invited through social media. The interview open the door for Jos...