CHAPTER 8: The Graduation

1 0 0
                                    

February 25, 2019

"Nung mga panahon po na 'yon, anong naisip mo po para kay Tope? Mahal na mahal ka po niya, naramdaman mo po bang minahal mo din siya?"

"Minahal ko din si Tope, minahal ko yung taong nagmamahal sa akin ng totoo. Nung araw ng Graduation namin, doon ko tinapos ang lahat ng sa amin ni Pong para magbigay daan sa amin ni Tope."

--------

March 28, 2011

"Alvarez Joshiah R., Bachelor of Arts in Literature, Magna Cum Laude!"

Hiyawan, palakpakan at saya ang umalingawngaw sa buong auditorium ng tawagin si Aya sa stage upang bigyan ng parangal. Bakas sa mukha ni Aya ang saya dahil sa wakas, sa apat na taon na iginugol niya sa pag-aaral, nagbunga ito ng maganda. Mula sa stage, tanaw niya ang maraming tao na lahat ay nagpapalakpakan. Hanggang isang boses ang pumukaw sa kanyang atensyon.

"Nice one Josh! Kaya sa'yo ako e!", sigaw ni Polo habang nagtatatalon sa tuwa.

'Anong nasa isip mo Pong at ginagawa mo sakin 'to? Lagi mo na lang pinaglalaruan yung damdamin ko'

Pagbaba sa stage ay sumalubong sa kanya ang dalawang tao, si Polo at Tope. Tumatakbo si Tope papunta kay Aya para yakapin ito at natigilan naman si Polo sa isang gilid habang pinagmamasdan si Aya at Tope na magkayakap.

"Congrats Aya! Proud na proud ako sa'yo!"

"Wala 'yon Tope, salamat sa lahat ng suporta mo. I love you!"

Sa unang pagkakataon, narinig ni Tope si Aya na sabihin ang 'I love you'. Mula ng umamin si Aya kay Polo ng relasyon nila ni Tope, hindi pa ito nagsasabi ng ganito.

"Mahal din kita!", sigaw ni Tope.

Masaya ang lahat, walang labi ang hindi nakangiti. Nais lumapit ni Polo kay Aya pero pinipigilan siya ng kanyang puso. Hanggang nagpaalam ito kay Shanelle na kakausapin si Aya.

"Bhie, kakausapin ko lang si Josh. May gusto lang akong malaman."

"Sige lang Bhie, may tiwala ako sa'yo. Alam kong matagal ka ng nababagabag diyan sa loob loob mo."

"Saglit lang 'to."

Tyempong kinuha ni Tope ang sasakyan nito sa parking lot at iniwan si Aya sa labas ng auditorium. Alam nitong iniiwasan na siya ni Aya. May gusto lang din siyang malaman.

"Josh, pwede ba tayong mag-usap please?"

"Baka makita ka ni Shanelle. Mag-isip yun ng iba."

"Hindi. Josh, mahal mo ba ako?"

Nagmistulang bingi si Aya sa narinig. Muling kumabog ang puso nito tulad ng unang araw na maramdaman niya ang totoong damdamin niya para kay Polo. Batid niyang alam na ni Polo ang lahat, pero mali na na maging sila.

"Oo. Mahal kita Pong. Mahal na mahal. Pero mali na para pagbigyan pa 'to. Hindi tama na ipagpatuloy ko 'to! Mahal ako ni Tope at tinanggap niya ako. Pong, ang hirap! Noon pa man ayokong mahulog sa'yo! Noon pa man ayokong mahalin ka dahil kaibigan mo lang ako. Pong, andiyan na si Shanelle, andito na si Tope. Parehas tayong mahal ng mga taong 'yon! Pong...bakit mo ba ko ginaganito?"

Hindi mapigilan ni Aya ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Gusto niyang marinig kay Pong na mahal din siya nito.

"Josh, sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Sorry, hindi ko sinasadyang ma-fall ka sa akin. Bespren tayo 'di ba? Kaya--kaya pinoprotektahan kita. Kasi ayokong masaktan ka, nasasaktan din ako..."

"Pong, wag na tayong magkita. Ayaw na kitang maging kaibigan. Ayoko ng may mamagitan sa atin. Mahalin mo si Shanelle. Mamahalin ko rin si Tope..."

"Mahal din kita Josh...", bulong ni Polo habang papalayo si Aya.

Nang tumalikod si Aya, nakita niya si Tope na narinig ang mga usapan nila. Kanina pa pala ito nakatayo sa malapit. Pero binigyan niya ng pagkakataon na magkaroon ang dalawa ng closure.

Tumakbo si Aya papunta kay Tope at niyakap ito ng mahigpit..

-------
February 25, 2019

"Ate, grabe 'yon bakit parang telenovela?", pabirong sabi ni Mikayla habang umiiyak tawa.

"Ay! Sorry! Hehehe hindi ko alam na ganyan yung impact sa'yo..."

"Pagtapos po non, ano pong naramdaman mo?

"Nakaramdam ako ng paglaya. Napalaya ko yung sarili ko sa pagmamahal ko kay Pong. Nagbigay daan din yon para mahalin ko si Tope ng buo. Alam ko kasing ang unfair ko na sa kanya...pero naging happy ending naman ang lahat..."

Itutuloy...

The Last Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon