Prologue

162 14 35
                                    

Sinulyapan ko si mama habang nagluluto ng pagkain namin, hindi mababakas ang pagod sa kanyang mukha. Lagi siyang nakangiti na para bang walang problema sa buhay, todo kayod sila ni papa para mabigyan ako ng magandang buhay.

"Grace, tikman mo nga 'tong adobo ko kung tama na ba ang lasa!" Agad akong tumayo sa inuupuan ko at lumapit kay mama.

Iniabot niya sa'kin ang kutsara, agad naman akong lumapit sa kawali para matikman ang adobo.

"Ang sarap po, tamang tama ang lasa!"

"Talaga lang ha? Diyan ka lang muna, tatawagin ko ang papa mo para makakain, alam kong gutom at pagod na 'yon sa kakatrabaho."

Tinanguan ko lang si mama at umupo ulit. Dose anyos pa lang ako pero bukas na ang isip ko, gustong gusto ko na lumaki, excited akong magdalaga at magkaroon ng trabaho para hindi na maghirap sila mama at papa. Nagtitinda ng isda si mama sa palengke at tumatanggap din ito ng labada tuwing sabado, habang si papa naman ay pinagsasabay ang pangigisda at pagkakarpentero.

Alam kong salat kami sa buhay kung kaya't nag-aaral akong mabuti, nasa ika-anim na baitang ako at alam kong, matalino ako!

Hindi nagtagal ay pumasok si mama, kasama na nito si papa na pawis na pawis. Agad akong kumuha ng towel at pinunasan ang pawis ni papa. Nginitian at hinalikan ako nito sa noo.

"Napakabait naman talaga ng anak ko, maganda na nga, mabait pa! Kaya kahit pagod ako sa pagtratrabaho, eh makita ko lang ang anak natin, nawawala lahat ng pagod ko," nakangiting saad ni papa at tumingin ito kay mama, si mama naman ay hinaplos lang ang buhok ko.

Kumain na kami at nagpresenta ako kay mama na ako na lang ang maghuhugas, marunong na rin ako sa mga gawaing bahay, tinuruan kasi ako ni mama noong sampung taon pa lang ako, mahalaga raw ang matuto ako agad, dahil kapag tumanda na raw sila ay hindi raw ako mahihirapan.

Wala kaming pasok ng limang araw dahil marami raw ang gagawin ng mga teachers namin, natuwa naman ako dahil pwedeng pwede ako tumulong kay mama sa pagtitinda ng isda sa palengke.

"Ma, sama ako ah?"

"Nako, wag na anak! Kaya ko naman eh, makipaglaro ka na lang sa kaibigan mong si Sabrina," nakatalikod ito sa'kin habang naglalagay ng isda sa container.

"Pero ma, kaya ko naman pong tumulong eh, kaysa naman sayangin ko lang ang oras ko sa paglalaro, mas mabuting tulungan na lang kita," napatigil si mama sa ginagawa niya at humarap ito sa'kin.

"Hindi ko akalain na ganyan ka na mag-isip Grace, ang laki talaga ng pasasalamat ko sa Diyos na nagkaroon ako ng isang mabuting anak, halika na nga, isasama na kita, malakas ka sa'kin eh!"

Humagikgik naman ako dahil sa sinabi ni mama, sumakay kami ng trycicle para mabilis kaming makarating sa palengke.

"Rose, 'yan na ba ang anak mo?" tanong ng isang babae kay mama nang pumunta kami sa pwesto namin. Tinulungan ko si mama na ilagay ang mga isda sa lamesa, nakaplastic ang mga ito para hindi langawin.

"Oo, Lita! Ang ganda no?" natawa tuloy ako sa sagot ni mama.

"Syempre, mano sa'yo diba? Pero bakit mo sinama 'yan? Baka mainip lang 'yan dito."

Nakikinig lang ako sa usapan nila, tahimik lang, at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Ang iba ay binabati ko ng magandang umaga.

"Walang kasama sa bahay eh, sabi ko makipaglaro na lang pero ayaw, sinama ko na lang, gusto raw tumulong sa'kin," narinig ko ang mahinang pagtawa ni mama, tiningnan ko ang kausap nito, tumingin rin siya sa'kin at nginitian ako.

"Hello po! Ako po si Grace!"

"Ako si Tita Lita mo, kaibigan ng mama mo. Kay gandang bata, at mukhang mabait pa!" ngumiti lang ako, ang sarap pala sa pakiramdam kapag pinupuri ka.

Hope In The Midst Of Agony (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon