Chapter Two

61 6 0
                                    

Napagdesisyunan kong wag na lang pumasok buong maghapon, mukhang hindi naman maayos ang pasok namin, mas mabuti pang umabsent na lang ako kaysa makipag-away nang makipag-away sa mga classmates ko.

I went to the place that give me peace—cemetery. I don't care if some people found it funny, but this is my comfort place, kapag pumupunta ako rito, gumagaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Isa pa, dito nakalibing si mama.

Pumunta ako sa puntod ni mama, medyo madumi ito dahil hindi na ako madalas makadalaw dito, busy sa eskwelahan at sa trabaho eh, sa susunod na taon ay college na ako, kaya kailangang magpursige sa pag-aaral, para kahit na wala na si mama, ay maging proud pa rin siya sa'kin.

"Ma...I miss you, alam mo kanina, nabastos ako ng trycicle driver, tapos nakaaway ko pa si Adrian. Hindi ko naman sila inaano, pero bakit ganon sila sa'kin?" Parang bata akong nagsusumbong kay mama, alam kong hindi naman siya sasagot, pero alam kong nakikinig siya.

Gusto ko lang ilabas sa kanya ang mga hinanakit ko sa buhay, simula nang nawala siya, wala nang nagtatanggol sa'kin, kundi ang sarili ko lang. May mga problema rin naman kasi si Sabrina, hindi rin naman ako nag-eexpect na mapapagtanggol ako ni Sab palagi. She needs to protect herself too.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko, "Naging miserable ang buhay ko nung nawala ka, Ma. Bakit kasi sumuko ka agad? Naaalala ko pa non, lagi mong sinasabi sa'kin na dapat wag akong magpapatalo sa mga problema ko, dapat ako ang tatalo sa mga problema, s-sabi mo pa sa'kin na hangga't nandito pa ako, lalaban ka...pero, bakit wala ka na ngayon dito sa tabi ko? Bakit iniwan mo ako?" Niyakap ko ang tuhod ko at humikbi na lang, naramdaman kong nababasa ako, hudyat na umuulan. Pero wala akong pakialam kung mabasa ako, gusto ko lang ilabas 'yung sakit.

Mabuti pa 'yung ulan dinadamayan ako sa pagdudusa ko.

"Bakit may natutulog dito?" Napatigil ako sa pag-iyak at napaangat ako ng tingin.

"H-hindi ako natutulog!"

Sumandal siya sa mga puntod at tumingin nang diretso sa'kin. Hindi ko naman siya kilala, pero kung makatingin sa'kin, akala mo may ginawa akong masama.

"Eh anong ginagawa mo rito? Saka, namamaga ang mga mata mo, umiyak ka ba?" Grabe? Hindi manlang ba 'to nauutal sa mga tanong niya?

"Wala ka na ron, aalis na ako, diyan ka na nga," Tumalikod na ako at akmang maglalakad na pero nagsalita siya kaya napatigil ako.

"Are you okay? You want someone to lean on? I can listen to you, pero kung ayaw mo, okay lang, hindi naman kita pipilitin. I'll respect you," humarap ako sa kanya, seryoso pa rin siya pero bahagya siyang ngumiti sa'kin.

Parang lumambot ang tuhod ko, biglang nagtubig ulit ang mga mata ko. First time! First time na may nagtanong sa'kin kung okay lang ba ako, well, except kay Sabrina. Pero iba kasi 'tong lalaking 'to, he's a stranger at willing siyang makinig sa'kin. He look harmless, pero is he trustworthy?

"I'm okay." I lied. Hindi pa ako ready magsabi ng problema ko sa iba, lalo na't hindi ko naman siya kilala.

"Okay, if you say so. But, in case you change your mind, here's my calling card you can call me, kaya kong magbigay ng oras sa'yo, kahit konting oras lang. You don't look fine, pero kahit anumang problema ang kinakaharap mo ngayon, I know you'll surpass it," ngumiti siya sa'kin at tinapik ang balikat ko. Umalis na siya at naiwan akong tulala.

I somehow feel better. Sino ba siya? Bakit sa mga simpleng salita niya parang nabawasan ang bigat na nararamdaman ko? I should thank him, next time.

I hope I can see you, again.

It started to get dark, the sun was setting, the sunset is very beautiful, it was very calming. The cold wind began to touch my skin. Sunset gives me hope, sa tuwing nasisilayan ko ang paglubog ng araw, I get rid myself from any distractions, it was as if the sunset was taking over all my problems in life.

Hope In The Midst Of Agony (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon