Chapter Fourteen

21 2 2
                                    

*Sabrina Calling*

I excused myself when I saw Sabrina's name on the screen. Pauwi na kami ni Aiden at hanggang ngayon ay may mga kinikilig pa rin samin. Halos lahat ng makakasalubong namin ay malawak ang ngiti samin, some of them greeted me. Gusto kong mahiya sa ginawa ni Aiden, but his efforts are unbelievable! Hindi ko na lang din maiwasang mapangiti.

"Oh, ano? Tagal sagutin ng tawag! Nagchuchuk-chakan na yata kayo!" This girl is really crazy, napakabastos ng bunganga.

"Bastos mo, walang nangyaring ganon."

"Bakit parang disappointed ka?" I can't see her annoying face right now but I'm pretty sure that she's grinning. Lakas ng amats nito eh!

Sinulyapan ko muna si Aiden, he's busy with his phone kaya hindi naman siguro siya naiiinip. Maybe, he's playing or browsing on his facebook.

"Ewan ko sayo! Pati ba naman sa call Sabrina, mang-aasar ka?! Walang patawad? Bakit ba hindi mo na lang tawagan ang jowa mo at siya ang istorbohin mong leche ka?" Medyo hininaan ko ang boses ko at baka marinig ako ng ibang tao at ni Aiden, sawayin pa ako non na nagmumura ako.

Mas palamura pa kasi ako sa kanya. Knowing him, he's not fond of cursing and we're opposite. It's just my way of expressing my feelings, char!

"Sus, umuwi ka na nga lang dahil anong oras na! Pasalubong ko ah?"

"Wow! Alas singko pa lang po ng hapon, nay! Ang OA mo talaga!" I heard her laugh a bit. Napairap na lang ako. Kasama ko naman si Aiden kaya hindi niya kailangang mag-alala.

I ended the call at lumapit na ako kay Aiden. Sakto naman na ibinulsa niya na ang phone niya, inaya ko na siyang umuwi. He opened the door of his car for me, gentleman as ever!

Aiden is about to start the engine, pero may tumawag sa kanyang babae.

"Aiden, wait!"

Her voice is familiar to me, pero pinabayaan ko lang. Maybe, it's Aiden's friend or kakilala lang.

"Baby, wait lang ha?" Paalam niya bago lumabas ng kotse, I just smiled at him at sinenyasan siyang ayos lang na lumabas siya.

I can wait naman, mabango at malamig naman dito sa kotse niya. Amoy Aiden! Amoy bebe ko, hihihi. Talandi na naman!

But seriously, ang bango-bango naman talaga niya. Kahit siguro tumakbo siya sa quadrangle ng Eastwood High at pagpawisan nang sobra ay mabango pa rin siya. Such a turn-on.

"Oh, may kasama ka pala?" Rinig kong tanong nung babae. Hindi pa rin ako lumingon pero pinakinggan ko lang sila. Bukas ang isang bintana kaya naririnig ko sila.

"Ah, yeah. Pauwi na sana kami, ano bang kailangan mo?" Cold ang boses niya na agad namang ipinagtaka ko. Nasa mood si Aiden, kaya bakit cold siya sa kausap niya? Hindi naman siya ganyan makipag-usap sa babae.

"It's almost six pm, okay lang ba kung makisabay ako? Alam mo naman kung nasaan ang bahay ko, diba?" The girl said with a flirty voice.

Napataas tuloy ako ng isa kong kilay. He knows her house? Maybe, they're friends. Pero the way she said it is so annoying! Ang landi. Sarap sungalngalin.

"I'm sorry, but NO."

"But, Aiden! Aren't you worried of me? Nagdidilim na oh, what if there are bad guys sa daan at mapagsamantalahan ako?" Nagdidilim na nga, nagdidilim na ang paningin ko. Napakuyom naman ako ng kamao ko. Hindi naman siya responsibility ni Aiden! Kainis.

Gustong-gusto kong makisali sa usapan nila pero magiging bastos naman ako.

"Why you didn't bring your car? Diba may kotse ka? O di kaya magpasundo ka sa driver niyo?" Parang naiinis na rin si Aiden. Hindi ko na napigilang lumingon sa kanila, at laking gulat ko ng si Andrea ang kausap ni Aiden!

Hope In The Midst Of Agony (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon