Chapter Thirteen

20 3 2
                                    

October 20, 2021.

Today is the special day of the most stunning girl in the whole universe. Guess who? Syempre, ako! Pangalawa lang si Sabrina. Haha! Kidding aside, birthday ko na nga ngayon. Ang bilis talaga ng panahon, parang dati lang, ang dugyot ko pa, ngayon, super pretty na.

Nineteen. In my nineteen years of living, half of it was incomplete, kahit kasama ko pa dati 'yung pamilya ko, parang hindi pa rin kompleto, siguro dahil sa nasira ang family ko. But, I'm still thankful, I've come this far! Nakaya ko, at kakayanin pa rin.

Problems and challenges are part of our lives, sinusubok kung gaano tayo katatag, kung hanggang saan natin kaya, kung lalaban ba o susuko na. I always kept on my mind that giving up is for losers, kaya kahit hirap na hirap na ako dati pa, I still chose to fight.

"Tutunganga ka na lang talaga diyan, Flora? Ano ba, birthday mo ngayon oh! Shopping naman diyan!"

Liningon ko si Sabrina na nakasandal sa may upuan at masama ang tingin sa'kin. Ako 'yung may birthday, diba? Pero siya pa talaga 'yung mas may plano kaysa sa'kin. Wala lang, nag advanced celebration naman last week, siguro naman, okay na 'yon.

"Ayoko mag-shopping, may mga magagandang damit pa naman ako diyan! Saka, hindi ko naman debut ngayon para magpa-bongga," I uttered, sinusuklay ko ngayon ang mahaba kong buhok, plano ko pa naman magpakulay ng buhok ngayon.

Ayain ko na lang si Sabrina na pumunta sa salon para kahit papaano ay mabawasan ang pagmamaktol nito.

"Tara, salon tayo!" Pagkasabi ko n'on ay mas mabilis pa kay flash na nagpalit ng damit at hinila ako papunta sa sakayan.

Nang makarating kami sa Salon ay parang batang tuwang-tuwa si Sabrina, I see, she loves dying her hair.

"Libre mo 'to ah!" Ay wow, ako ang may birthday tapos ako pa ang manlilibre?

"Swerte mo naman! Sinama lang kita rito pero kanya-kanyang bayad tayo, wala munang kaibigan dito," I laughed when she rolled her eyes.

Ngayon na lang ulit kami magkakaroon ng ganitong bonding na ako pa ang nag-aya! Sulitin ko muna, dahil mamaya ay gagala kami ni Aiden, ipapasyal niya raw ako tutal ayaw ko namang maghanda.

"Hello pretty ladies!" Bungad samin ng bakla pagkapasok namin ng Beauty Pixie Salon.

Sabrina and I smiled, "Hi, please dye our hair! Pagandahin niyo na rin 'yang bestfriend ko kasi birthday niya ngayon," sinaway ko pa si Sabrina dahil parang may balak pa yatang ipagkalat ang birthday ko!

"Ano ba, Sab! Wag kang maingay na birthday ko!"

Tiningnan kami ng mga bakla at ngumiti sila saming dalawa ni Sabrina, siguro iniisip nila na nagtatalo kami na parang mga bata.

"Happy birthday, girl. May discount kaming ibibigay, birthday mo naman at nagagandahan ako sa'yo," sabi nung isang baklang may mahabang buhok.

"Thank you," I mouthed.

"Siya lang ba may discount? Maganda rin naman ako, baks!" Nagtawanan tuloy ang mga bakla sa sinabi ni Sabrina, napailing-iling na lang ako.

Gaya nga ng plano ko dati ay pinili ko ang muave pink, pink is my favorite color, lalo na at hilig akong bilhan ni mama dati ng mga gamit na color pink, and because of her, I started to love pink.

After an hour and thirty minutes, tapos na kaming kulayan. Sabrina chose icy blonde for her hair, bumagay naman 'to sa kanya, she's indeed a beauty.

"You girls looked fabulous!" Wika ng tatlong bakla, Sabrina giggled habang ako, nginitian ko lang sila.

Hope In The Midst Of Agony (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon